PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hello, Love, Again naka-P85M sa first day; palabas sa 656 cinemas

Pulang Araw, extended ng two weeks.
by PEP Troika
Published Nov 14, 2024
kathryn bernardo alden richards hello love again
Hello, Love, Again, the reunion movie of Kathryn Bernardo and Alden Richards after five years, has reportedly grossed PHP85 million on its first day of showing in 656 cinemas worldwide.
PHOTO/S: Star Cinema

JERRY OLEA

Nobyembre 30, 2023, Araw ni Bonifacio, inihayag nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Instagram ang paghihiwalay ng KathNiel makalipas ang labing-isang taon. Kaya malabo na ang pagtatambal nilang muli sa pelikula.

Goodbye, KathNiel! Hello again, KathDen!

Read: End of KathNiel Era: A timeline of their generation's hottest box-office love team

Hindi pa man “nagbababang-luksa” para sa tambalang KathNiel, Joy is back sa takilya!

Tatlong sinehan ang pinagpalabasan ng premiere screenings ng reunion movie ng KathDen na Hello, Love, Again (HLA) noong Nobyembre 12, 2024 sa SM Megamall.

Balitang 72 ang midnight screenings umpisa Nobyembre 13.

Bago mag-premiere night ay nabalitang 500 ang mga sinehan nationwide sa opening day ng HLA. May nagsabi sa aming 520 na.

Read: KathDen movie Hello, Love, Again ipalalabas sa 500 sinehan

Iyong Conclave ni Ralph Fiennes, unang napabalita na Nobyembre 1 ang playdate. Naging Nobyembre 20 kapagkuwan, and then naging Nobyembre 13, tapos ay ibinalik sa Nobyembre 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawang dayuhang pelikula lamang ang tumapat sa HLA, ang Elevation at SANA: Let Me Hear.

Iyong Anoko Wa Daare ay ipinagpaliban din.

hello love again

HELLO, LOVE, AGAIN FIRST-DAY GROSS

At yun na nga, ayon sa ABS-CBN News ay nag-open ang HLA sa 656 sinehan, pinakamarami sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

Ang first-day gross daw nito ay P85M, pinakamalakas sa history ng Pinoy movies.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sandamukal ang block screenings ng HLA.

Ipinost ng isang kaibigan sa Facebook na habang naglalakad siya sa mall ay nabigyan siya ng dalawang libreng tiket para sa reunion movie ng KathDen.

Apat ang sinehan ng HLA sa opening day sa Robinson’s Galleria.

Magkasama kami ng ka-Troikang Noel sa panonood ng 4:00 P.M. screening sa Cinema 5. Sa tantiya ko, wala pang 20 percent ang naupuan sa seating capacity ng naturang screening sa malaking sinehan.

Mas nagustuhan ko ang Hello, Love, Goodbye (2019) na kinunan sa Hong Kong kesa sa Hello, Love, Again na syinuting sa Canada.

MINOR SPOILER ALERT!!! Naaliw ako sa eksenang hinarut-harot ni Baby (Jennica Garcia) si Ethan (Alden Richards) sa picnic, at nanaig ang pagiging marupok ni Joy (Kathryn Bernardo).

Makadurog-puso ang panunumbat kapagkuwan ni Joy kay Ethan kaugnay sa pagtataksil nito. Sumagi sa isip ko na iyon ang gustong sabihin ni Kathryn sa ex na si Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Medyo nakaka-distract ang ilang product placement. Hello!

Maraming fans ang naghihimutok dahil nagkalat agad sa Tiktok ang spoilers sa ending ng HLA.

Read: Kathryn at Alden, umikot sa Kapuso programs nitong weekend

PULANG ARAW EXTENDED FOR TWO WEEKS

Siyangapala, nitong Nobyembre 13, Miyerkules ng 2:51 P.M. ay ini-announce ng Kapuso writer na si Suzette Doctolero sa X (dating Twitter), “Two weeks extended ang PA. 110 eps. Salamat sa mga nananonood nito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang "PA" ay ang Kapuso primetime series na Pulang Araw, kung saan bida si Alden kasama sina Sanya Lopez, Barbie Forteza, David Licauco, at Dennis Trillo.

Ibig sabihin, hindi na Friday the 13th (Disyembre 13) ang finale episode ng Pulang Araw kundi Disyembre 27 (na awards night ng 50th MMFF sa makasaysayang Metropolitan Theatre ng Maynila).

pulang araw
Pulang Araw cast: (from left) Sanya Lopez, David Licauco, Barbie Forteza, Alden Richards, and Dennis Trillo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MR. GRAND PHILIPPINES 2024

May mga iba pang kaganapan nitong Nobyembre 13, Miyerkules ng gabi. Coronation night iyon ng Mr. Grand Philippines 2024 sa Metrotent Convention Center, Meralco Ave., Pasig City.

Ang nagwagi ay si Jonathan Perez ng Bulacan, na sabi-sabi’y kalohkalike ni Alden Richards, pero mas kamukha ni Ronnie Liang.

jonathan perez mister grand philippines 2024
Mr. Grand Philippines 2024 Jonathan Perez
Photo/s: Mister Grand Philippines Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

12TH QCINEMA FILMFEST

Sa awards night ng 12th QCinema international film festival, wagi si John Lloyd Cruz na Best Lead Performance sa Asian Next Wave section para sa pelikulang Moneyslapper.

Ang citation kay John Lloyd, “For his fearless portrayal, bringing depth and intensity to the film's dark humor and unconventional social critique-a performance that leaves a lasting impact and solidifies his place as one of the most versatile actors of his generation.”

Kinabog ni John Lloyd sa nasabing kategorya sina Jasmine Curtis-Smith (Moneyslapper), Tu Oanh (Don’t Cry, Butterfly), at Shenina Cinnamon (Tale of the Land).

khon lloyd cruz moneyslapper
John Lloyd Cruz in Moneyslapper
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AIKO AND JAY THIRD ANNIVERSARY

At nito ring Wednesday night ay ipinagdiwang nina Aiko Melendez at Cong. Jay Khonghun ang kanilang ikapitong anibersaryo bilang magkasintahan.

Present sa intimate celebration sa District One, 9th Avenue, BGC, Taguig City sina Vina Morales, Sylvia Sanchez, Beauty Gonzalez and husband Norman Crisologo, Chavit Singson, at Ogie Diaz.

Naki-jamming si Vina, at inawit niya ang "Time After Time."

aiko and jay annievrsary
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Highest opening gross ng local film so far ang Hello, Love, Again at partida na iyan dahil hindi pa holiday ang opening.

Gusto kong makita ang itatakbo ng suporta ng fans sa pelikula.

Kapit na kapit ang manonood sa "Pambansang Lucky Charm" na si Joross Gamboa na patok ang mga hirit sa gitna ng pagseseryoso nina Kathryn at Alden.

Na-excite ako sa posibilidad na mag-New York.

Kasi, compared sa Canada, mas vibrant at colorful kasi ang Hong Kong at siyempre New York.

Pero magkakaroon pa ba ito ng Part 3? Ng pagtatambal nina Alden at Kathryn — sana!!!

Pero baka ibang istorya na, lalo pa’t nailantad na ang ending.

Read: Kathryn Bernardo, Alden Richards weigh in on second chances

hello love again cast
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

STOP PIRACY

Sa simula ng palabas sa Robinsons kahapon, ang saya lang na makita ang trailer ng MMFF entry ng Star Cinema na And The Breadwinner Is… ni Vice Ganda.

Sana, naipalabas din ang trailer ng Green Bones nina Dennis Trillo at Ruru Madrid. (Balitang sa ibang sinehan, nakatoka naman ang Green Bones trailer!)

So, go na sa mga sinehan!

Suportahan ang pinaghirapang pelikula ng mga Kapamilya at Kapuso.

Sana naman tumigil na ang mga namimirata!

May lumabas kasing post na ganito sa social media:

“True love shouldn’t be forcefully stolen, only experienced. Kindly report ALL pirated ‘Hello, Love, Again’ content:

“Send email to Report-Piracy@abs-cbn.com

“Email subject: Report Piracy (Hello, Love, Again)

“Please provide LINKS of pirated content. Let’s protect the love that Joy and Ethan fought hard for.”

hello love again piracy
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Please, tulungan natin ang ating industriya ng pelikula!

GORGY RULA

Ayon sa napagtanungan naming source, umabot daw sa PHP15M ang kinita ng block screenings ng Hello, Love, Again sa unang araw pa lang, pati yung mga naibentang tickets sa mall tours nila.

Idagdag pa riyan ang kinita sa mga sinehan na talagang malakas at umabot nga raw ito ng PHP84M.

Kaya tama naman yung inilabas na press release ng ABS-CBN na PHP85M ang first-day earnings ng HLA.

Todo ang suporta ng KathDen fans, pati ang mga Aldenatics at sangkatutak na fans club ni Kathryn.

Marami pa silang mga naka-schedule na block screenings, kaya inaasahang lalakas pa ito sa weekend.

Hindi lang ito ikinatuwa ng Star Cinema at ng GMA Pictures, kundi ang lahat na film producers.

May local films pang iso-showing, kagaya ang Idol: The April Boy Regino Story at ang Huwag Mo ‘Kong Iwan na sa November 27 ang playdate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natutuwa silang ipinapalabas ang trailer ng mga pelikula nila sa mga sinehan ng Hello, Love, Again, para marami ang nakapanood.

Naipu-promote na rin tuloy ang mga pelikula nila. Kaya nakakatulong sa ating movie industry kapag may nagba-blockbuster hit na pelikula.

Sana, tuluy-tuloy ang lakas nito kahit inaasahang bababa ang bilang ng mga manonood sa mga susunod na araw.

Maganda naman ang feedback sa pelikula, kaya mukhang may staying power ito sa takilya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hello, Love, Again, the reunion movie of Kathryn Bernardo and Alden Richards after five years, has reportedly grossed PHP85 million on its first day of showing in 656 cinemas worldwide.
PHOTO/S: Star Cinema
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results