GORGY RULA
Hindi na bago sa showbiz ang kasong syndicated estafa na kinahaharap ngayon ng dating aktres na si Neri Naig.
Halos ganito rin ang kinasangkutang kaso noon ni Luis Manzano, na mabuti at nalusutan niya; kay Ricardo Cepeda, kung saan 11 months siyang nakulong; at Ken Chan, na pinagtataguan pa rin niya hanggang ngayon.
Kaya magsisilbing leksyon na ito sa celebrities at mga manager nila na maging maingat sa pagtanggap ng endorsement, lalo na sa mga kumpanyang nagbebenta ng produkto o kaya humihikayat ng investors.
Related Stories:
- NBI absolves Luis Manzano in syndicated estafa complaint vs Flex Fuel executives
- Ricardo Cepeda: from incarceration to prison release
- Ken Chan charged with syndicated estafa over P14M investment deal
SEC ON NERI NAIG'S SYNDICATED ESTAFA CASE
Ngayong Biyernes, November 29, napanood ko ang interview nina Ali Sotto at PatP Daza kay SEC enforcement director Filbert Flores sa morning show nilang Ano Sa Palagay N’yo o ASPN sa NET25.
Ipinaliwanag ni Flores kung bakit nadamay si Neri sa kasong RA 8799 ng Securities Regulation Code laban sa Dermacare, ang health and beauty products na dating ini-endorse ni Neri.
Kasalukuyang naka-detain si Neri sa Pasay City Jail Female Dormitory dahil non-bailable ang kasong syndicated estafa na isinampa laban sa kanya.
Read: SPD releases actual video of “alias Erin” arrest

Ayon kay Flores, sa mga negosyong may kinalaman sa investment, damay pati ang endorser kapag nagkakaproblema at nakakasuhan.
“Kung ang endorsement mo ay parang commercial na, ‘Ay, pumunta ka dito, magandang serbisyo niyan, magandang produkto ito o magandang softdrinks ito,’ walang problema yun.
“Pero pag sinabi mo, ‘Magandang business ito, mag-invest kayo dito,’ yun ang draw a line. Dapat dun, hindi ka sasama sa ganun.
"Pag sumama ka dun, sama ka na.
“Kailangan ho may active na ginawa yung tao… hindi po dapat ganun,” bahagi ng paliwanag ni Flores.
Kaya maging maingat daw ang mga talent manager sa pakikipag-deal para sa kanilang artista. Dapat alamin o i-check nang mabuti ang produktong ie-endorse dahil ang pangalan ng artista ang nakataya rito.
Ang produkto bang i-endorse ay hindi kuwestiyonable?
Saad ng SEC director, “The moment po na naghikayat na ginamit yung pangalan mo, kailangan ‘Uy, hindi yan, mali yan.’
"O tanungin mo na agad, kasi hindi ka dapat magamit yung pangalan mo sa mga nag-offer ng investment, kahit na anong pangalan yan — franchise, co-ownership, partnership, business something — may mga ganun, e. Ibang pangalan lang. Huwag po.
“Siyempre kung may produkto ba? Yung produkto ba na yun ay may presyo ba…meron bang necessity para bumili ka nun? Rasonable ba yung value niya? Kasi baka kapirasong sabon, Kojic soap, mga isang libo o PHP1,500 yung isa, reasonable ba yan?
“Kapag yung kita mo connected sa recruitment, yung hindi ka mag-recruit, wala kang kita, matik yun.”
Sabi pa ni Flores, dapat nai-check yung tinatawag nilang 8-point test ng isang negosyo. Madali lang naman daw i-check iyon sa Google.
Read: EXPLAINER: Neri Naig's syndicated estafa and securities code violations
NOEL FERRER
Ibinunyag din ng taga-SEC na ang Dermacare ay hindi pala rehistrado at walang lisensiya para magbenta ng securities.
Ipinaliwanag naman ng kampo ni Neri na noong September 2024 ay naglabas na ang aktres ng statement sa kanyang social media account na wala na siyang kinalaman o koneksiyon sa Dermacare.
Naniniwala ang kampo ni Neri na mapapawalang-sala ang aktres dito dahil may sapat silang ihahaing ebidensya na wala na siyang koneksiyon sa kumpanyang may kinalaman sa skin care at investment.
Read: SEC official explains Neri Naig’s securities violations case
JERRY OLEA
Hindi natuloy ang arraignment kay Neri Naig sa Pasay City Regional Trial Court noong Huwebes, November 28, dahil nagsumite ng motion to quash ang kampo ng aktres at negosyante.
Na-move ang arraignment sa January 9, 2025.
Kailangan pang hingan ng komento rito ang prosecution. Kaya maaring sa kulungan magpa-Pasko si Neri Naig.
Read: Pasay City Court moves Neri Naig’s arraignment to January 2025
