PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hello, Love, Again lagpas PHP1.4B na ang worldwide gross

Moviegoers, deadma sa mga bagong bukas na local movies.
by PEP Troika
Published Dec 2, 2024
kathryn alden hello love again
Hello, Love, Again has surpassed PHP1.4 billion worldwide, according to Star Cinema. The Kathryn Bernardo-Alden Richards reunion movie is now the highest-grossing Filipino film of all time and the first local film to reach the PHP1-B mark.
PHOTO/S: Star Cinema

JERRY OLEA

Lumampas na sa PHP1.4 billion ang worldwide gross ng reunion movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Again.

Ito ang ibinalita ng ABS-CBN ngayong Disyembre 2, 2024, Martes.

Ang KathDen reunion movie ang unang pelikulang Pilipino na lumampas sa PHP1B ang kinita globally.

Read: Hello, Love, Again nalampasan na ang box-office record ng Rewind

Mahigit US$7M ang kinita nito sa international screenings.

Nagtala rin ng box-office records ang Hello, Love, Again sa Middle East.

Nakuha nito ang highest opening weekend gross para sa Filipino film sa UAE, KSA, at Qatar, at kumita ng $1.4M sa loob lamang ng isang linggo.

Pumunta sina Kathryn at Alden sa Dubai noong weekend para magpasalamat sa mga sumusuporta sa pelikula.

kathden in dubai
Kathryn Bernardo and Alden Richards in Dubai
Photo/s: ABS-CBN Film Productions Inc. Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakadalawang weekend ang Hello, Love, Again sa takilya ng North America — pangwalo noong November 15-17 weekend (248 cinemas), at panlabintatlo noong November 22-24 weekend (244 cinemas).

Nawalan na ito ng sinehan sa U.S. at Canada nitong five-day Thanksgiving weekend (November 27-December 1) kung saan nag-open ang Moana 2 sa 4,200 sinehan, at patuloy na umariba ang Wicked sa 3,888 cinemas, at iyong Gladiator II sa 3,580 cinemas.

Iyong Red One ay meron pang 3,432 sinehan.

As of December 1, Sunday, ay meron pang 700 cinemas worldwide ang KathDen reunion movie na idinirek ni Cathy Garcia-Sampana sa ilalim ng Star Cinema at GMA Pictures.

HELLO, LOVE, AGAIN REVIVES LOCAL MOVIEGOERS

Balik-sigla ang local moviegoers mula noong Nobyembre 13 na ipinalabas sa ating mga sinehan ang Hello, Love, Again.

Patuloy itong tinatangkilik ng Pinoy moviegoers kahit nag-showing na sa local cinemas ang Wicked umpisa Nobyembre 20, at iyong Moana 2 umpisa Nobyembre 27.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Disyembre 4, Miyerkules, pa ang showing sa mga sinehan natin ng Gladiator II, kasabay ang Dirty Money, Trapezium, at Celestina: Burlesk Dancer.

Read: Local films, kumusta kaya pagkatapos ng Hello, Love, Again?

Of course, ngayong Disyembre, kani-kanyang pauga na ang sampung official entries ng 50th Metro Manila Film Festival na mapapanood umpisa Disyembre 25, Araw ng Pasko.

Kaabang-abang ang pasiklaban ng The Kingdom, Uninvited, Espantaho, My Future You, Isang Himala, Topakk, And The Breadwinner Is…, Green Bones, Hold Me Close, at Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.

mmff 2024 official entries
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA

Ang daming tao sa labas nitong weekend. Karamihan ay namimili, kumakain sa labas, at marami ring nanonood ng sine.

Pero karamihan ay nasa Wicked, Moana 2, at meron ding nanood sa Conclave. And in fairness, may mga naiwan pa ring sinehan para sa Hello, Love, Again.

Hindi sila interesado sa mga nagbukas last week na Huwag Mo ‘Kong Iwan at Idol: The April Boy Regino Story.

Mabuti at nagdagdag ng mangilan-ngilang sinehan sa Idol, pero slide lang ito at kakaunti pa rin ang nanood.

Read: Pinoy films Huwag Mo 'Kong Iwan at Idol, limitado ang mga sinehan

huwag mo kong iwan idol posters
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Talagang namimili na ang mga tao ng gusto nilang panoorin.

Pero dahil nga sa marami pa rin namang manonood sa mga sinehan, mukhang magandang senyales itong tatangkilikin ang nalalapit na 50th Metro Manila Film Festival.

Malaki ang tsansang malagpasan nito ang record ng MMFF 2023. Sana!

NOEL FERRER

Naku, sa mga susunod na mga araw, makikita na nating laman ng EDSA at main thoroughfares ang mga tarpaulin ng MMFF movies.

Pati mga murals ay magagawa na, salamat sa Boysen Paints!

December na at talagang kumahog at pursigido ang mga may entries na mag-promote ng kanilang mga pelikula — hindi lang sa traditional media, kundi pati na sa iba’t ibang platforms online. Doble kayod talaga.

At tingnan natin kung gaano ito hahatak ng mga tao sa sinehan ulit. Exciting times ahead!!!

Read: Paano pinili ang 16 stars na tampok sa pilot MMFF mural painting?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hello, Love, Again has surpassed PHP1.4 billion worldwide, according to Star Cinema. The Kathryn Bernardo-Alden Richards reunion movie is now the highest-grossing Filipino film of all time and the first local film to reach the PHP1-B mark.
PHOTO/S: Star Cinema
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results