JERRY OLEA
Matapos ang napakamatagumpay na pelikulang Hello, Love, Again, marami ang umaasam na mag-collab muli ang GMA-7 at ABS-CBN para sa TV series na bida sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
“Isa ako dun!” bulalas ng senior vice-president ng GMA Network na si Atty. Annette Gozon-Valdes.
Nakapanayam namin si Ma’am Annette noong December 15, 2024, Linggo, sa Malacañang bago ganapin ang Konsyerto sa Palasyo para sa Pelikulang Pilipino.
Dagdag ni Ma’am Annette, “Pero hindi ko alam kung series dahil mahirap ang series, mas madali kung movie. So let’s see!”
Read: It's Showtime, "95 percent" nang magre-renew ng kontrata sa GMA-7
KATHDEN TO REMAKE QUEEN OF TEARS?
Sabi-sabi, bagay na magbida ang KathDen sa Pinoy remake ng Koreanobelang Queen of Tears.
“Pag-usapan namin ng ABS. Kaya lang, ang problema siguro, yung timeslot. Saan ilalabas,” tugon ni Ma’am Annette.
“Pero what if kung may gusto ng streaming, di ba? Baka puwede naman kaming mag-collab ng ABS for a streaming platform.”
Puwedeng pag-usapan iyon?
“Lahat, puwedeng pag-usapan. We’re very open to ABS. Maganda naman yung collab namin.”
May clamor kasi na magsanib-puwersa muli ang Kapuso at Kapamilya.
“I’m sure pati sa kanila, may clamor. So let’s see, let’s see kung anong mangyayari,” sambit ni Ma’am Annette.
Read: KathDen, bagay kayang magbida sa Pinoy version ng Queen of Tears?

GORGY RULA
Hindi natin alam kung ano ang nakaplano para kina Kathryn at Alden.
Di ba, may naka-line up pa kay Kathryn na pelikula tungkol sa comfort women, ang Elena 1942? Matutuloy kaya yun?
Si Alden naman ay may pelikulang idinirek, at hiniling niya sa GMA-7 na makipag-partner sa kanya.
Sabi nga ni Ma’am Annette, hindi sila makahindi kay Alden, kaya tingnan natin kung ano naman ang ipapakita ng Kapuso star bilang isang direktor.
KATHNIEL COMEBACK PROJECT?
Pero may ilan ding nagre-request ng KathNiel movie. Pagbibigyan kaya nila ang loyal pa rin sa tambalang KathNiel?
Ano kaya kung sa KathNiel naman ibibigay ang Hello, Love, Forever? Tiyak na nega iyan sa KathDen fans!
Napapag-usapan lang naman. Pero handa na kayang magsama muli ang dating magkasintahan?
Read: Kathryn Bernardo fans, Team KathDen na ba o Team KathNiel pa rin?

NOEL FERRER
OK naman akong magtambal ang KathDen ulit lalo na’t record-breaking ang naging resulta ng kanilang Hello, Love, Again (HLA).
But remember, it took them five years from Hello, Love, Goodbye to HLA.
Baka isa rin yun sa factors kaya kinasabikan ulit sila ng mga tao.
Sorry talaga, pero bilang manonood, OK sa akin na magsolo muna si Kathryn for her career advancement na hindi nakadepende sa kapartner.
Kaya OK sa akin ang Comfort Woman project niya.
And sorry, this may be just me… kung handa na sila pareho, excited akong magka-KathNiel project ulit! As in!!!
