GORGY RULA:
Ilang artistang dumalo sa Gabi ng Parangal ng MMFF ang nakatsikahan namin at nag-comment sila na nagagamit talaga ng mga pulitiko ang Metro Manila Film Festival.
Mid-term elections next year kaya very visible sa Gabi ng Parangal ang mga tatakbong pulitiko.
Si Vilma Santos kasi ay bida ng Uninvited, at si Arjo Atayde naman ay bida naman ng Topakk.
Yung iba?
Maraming netizens ang nagtanong sa social media kung ano ba ang rele nila at nandoroon din sila sa grand ballroom ng Solaire Resort sa Entertainment City, Parañaque.
POLITICIANS AT 50TH MMFF GABI NG PARANGAL
Nagbigay ng talumpati ang dating Department of Interior Local Government Secretary Benhur Abalos, na tumatakbong senador.
Si Abalos kasi ang dating chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at na-handle niya ang MMFF noong 2021, panahon ng pandemya.
Nag-present naman ng award ang mga reelectionists na sina Senators Bong Go at Francis Tolentino.
Dating hinawakan ni Sen. Tolentino ang MMFF noong ilang taon din siyang naging chairman ng MMDA simula 2010.
Si Sen. Go naman ay very supportive sa MMFF at siya ang nagbigay ng ideyang magkaroon ng Summer MMFF na ginawa noong Abril 2023.
Nandoon din ang ilang alkalde ng lungsod dahil sila naman ang nagho-host ng MMFF noon.
Isa na si Makati Mayor Abby Binay, na isa sa na-bash ng netizens.
Si Yul Servo naman, na nag-present ng award, ay actor turned politician. Siya ay reelectionist sa pagka-vice mayor sa lungsod ng Maynila.
JINGGOY ESTRADA ON ISSUES HURLED AT 50th MMFF gabi ng parangal results
Nandoon din si Senator Jinggoy Estrada dahil sinamahan niya ang kanyang amang si dating Pangulong Joseph Estrada, na pinarangalan ng Lifetime Achievement Award ng MMFF.
Siya ang nagbasa ng acceptance speech ng kanyang ama.

Pero bago pa lang nagsimula ang MMFF, naglabas na ng panawagan si Sen. Jinggoy na suportahan sana ng mamamayan ang MMFF 2024 na nasa 50th edition nito.
Ipinagkibit-balikat na lamang niya ang mga kontrobersiya ipinupukol sa MMFF at patuloy na hanash at puna pagkatapos ng Gabi ng Parangal.
Sabi na lang niya, “Hindi naman natin matatanggal iyan. Hindi naman natin… wala namang perpekto sa pagpapatakbo ng isang organisasyon.
“Anyway, tutal naman marami naman nakikinabang. Ako, bilang dating mayor, nahawakan naman natin yang Metro Manila Film Festival na iyan. And it was founded by my father 50 years ago.
“Kaya papasalamat tayo sa ating ama dahil kung wala naman siya, wala namang Metro Manila Film Festival.”
Malaking tulong daw talaga ang MMFF sa mga beneficiaries nito.
Isa na rito ang Mowelfund na lalo pang pinalakas ngayon ng iba’t ibang grupo sa entertainment industry, kagaya ng AKTOR, na itinatag ni Dingdong Dantes noon 2020.
“Marami namang nakikinabang, maraming nagkaroon ng trabaho, nagkaroon ng isang building ng Mowelfund para sa ating… yung manggagawa sa likod ng kamera.
“Marami kasing natulungan ng Mowelfund. Actually, maraming direktor ngayon na nag-graduate sa Mowelfund… pati yung ibang mga artista, pati mga scriptwriters, pati mga cinematographer, mga Director of Photography,” sabi pa ni Sen. Jinggoy.
SAM VERZOSA ON ROLE OF MANILA IN MMFF
Samantala, sa Parade of Stars sa Maynila noong Disyembre 21, sumabay nung araw na yun ang pamumudmod ni Sam Versoza ng bigas sa mga taga-San Andres.

Hiningan namin siya ng opinyon sa MMFF kung saan ang lungsod ng Maynila ang host.
Para kay SV (palayaw ng businesmann-politician), dapat nga raw ang Maynila ang mag-host nito palagi.
Pero mas gusto niya sanang magkaroon talaga ng taunang Manila International Film Festival para lalo pang ma-promote ang Maynila.
“I am in sales and marketing. Sa pangalan pa lang po na Metro Manila, dapat sa Maynila po yun ginaganap. Maynila ang nagho-host.
“Dapat iniikot iyan sa buong Maynila. Puro Manileño at talagang napo-promote ang magagandang lugar ng Maynila. Napo-promote ang pelikulang Pilipino.
“Kung ako, nakapag-build ng brand ng international brand, hindi lang sa Pilipinas, e, kayang-kaya natin i-promote ang ang Maynila, pati ang Metro Manila Film Festival sa mga kababayan natin.
“E, ang mga kababayan natin, mahilig sa artista, mahilig sa pelikula, mahilig sa mga kasiyahan, mahilig sa fiesta. So, dapat po iyan, todong napo-promote at talagang nag-e-enjoy ang mga kababayan natin, lalo na tuwing Pasko.
“Kung merong Metro Manila Film Festival, kayang gawin ng Manila Film Festival. Kasi merong Tokyo Film Festival, may Cannes Film Festival… puwede tayong gumawa ng isang international film festival."
Sa kasalukuyan, ang Manila ay nagseselebra ng The Manila Film Festival, na ibinalik ni Yul Servo noong 2023, katuwang ang running mate niyang si incumbent Mayor Honey Lacuna.
Manila Film Festival
Read: 50th MMFF Gabi ng Parangal: mga ganap, umeksena, at uninvited
NOEL FERRER:
OK naman ang tulong mula sa mga pulitiko para sa MMFF at sa buong entertainment industry—basta no strings attached!
Sana, magawan ng paraang maibaba ang taxes at admission fees sa pelikula, di ba?
Sana, pondohan pang lalo ang paggawa ng magagandang pelikula na puwede nating isali sa international film markets at film festivals.
Katulad ng mandate ng Film Academy of the Philippines, sana, masuportahan ang susunod nating entry sa Oscars!
At katulad ng ginagawa ng Film Development Council of the Philippines, sana mag-invest pang lalo sa education at training and development ng ating mga filmmakers at audience.
JERRY OLEA:
Sa Christmas lunch ni Sen. Jinggoy oong Disyembre 27, Biyernes, sa office niya sa Lt. Artiaga St., San Juan City, inusisa ko siya kaugnay sa pinag-usapang pahayag niya kontra sa streaming platform na VMX (dating Vivamax).

SEN. JINGGOY says vmx callout is "Wake-up call"
Sabi niya, “It is also a cause for alarm. Kasi yung mga ipinalalabas ng VMX, medyo ano na, e…
“Hindi maganda sa mata ng mga kabataan.
"Ako, I don’t care pag mga adults ang nanonood. Pero pag naka-access yung mga menor de edad, e, hindi yata tama.
“Kasi anybody can access, e. Even a 12-year-old kid, a boy or a girl, can access, e. Imagine, going to school, tapos magtetelepono, papanoorin yung mga erotic scenes…
“So, siguro that was a wake-up call. But I’ve already talked with Vincent [del Rosario]. He asked for a meeting with me, at nag-lunch kami.
“Sabi ko, ‘Kailangang magkaroon kayo ng safeguards o safety nets na hindi maka-access yung mga bata.’
“And ano naman, they’re going to comply. Yun lang naman ang worry ko. Nothing… yung kita nila, I don’t care naman kung magkano ang kinikita nila.
“They said meron na silang 12M subscribers. Okay lang pero huwag naman maka-access yung mga bata. Yung lang naman ang aking concern.”
Tuluy-tuloy ang paghahatid ng VMX ng mga erotikong pelikula.
Streaming sa VMX umpisa Disyembre 31, Martes, ang Mama’s Boy starring Victor Relosa, Sahara Bernales, Stephanie Raz, Josh Ivan Morales at Ada Hermosa, sa direksiyon ni Piem Acero.
Buena mano ng VMX sa 2025 ang Teacher’s Pet na mag-i-streaming sa Enero 3, Biyernes.
Tampok dito sina Micaella Raz, Gold Aceron, at Apple Dy, sa direksyon ni Sigrid Polon.
Kasado na sa Enero 10, Biyernes, ang streaming ng Las Ilusyunadas starring Jenn Rosa, at Angeline Aril.
At press time, ang Top 10 sa VMX ay Boy Kaldag, Climax, Secret Sessions, Pilya, Balinsasayaw, Lamas, My Pale Lover, Dilig, Undergrads, at Eks.
Read: 50th MMFF, inisnab sina Aga Muhlach, Eugene Domingo, Gladys Reyes
