PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Showbiz personalities na kumakandidatong senador, may advantage

Andrew E. kinuhang entertainer sa campaign sorties ng administration ticket.
by PEP Troika
Published Feb 20, 2025
toby tiangco
Congressman Toby Tiangco (in photo), the campaign manager of the Marcos administration's senate slate for the 2025 elections, talks about hiring Andrew E. as a performer in their campaign sorties, advantage of celebrity candidates, and the issue of senatorial aspirant Manny Pacquiao.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Nagsisimula nang rumaket ang mga artista kasabay ng pagsisimula ng kampanya para sa mid-term elections ngayong 2025.

Usually, ang ratsada talaga sa pag-iikot sa sorties ay stand-up comedians, hosts, at singers.

Tantiya namin, ang isa sa talagang nakaraket nang husto ay ang rapper at aktor na si Andrew E.

Noong nakaraang 2022 presidential elections 2022 ay kinontrata si Andrew E ng UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte, na parehong nanalo.

Ngayon naman ay kinuha siya ng Alyansa ng Bagong Pilipinas na partido ng administrasyong Marcos.

Read: Andrew E. denies acquiring two sports cars after campaigning for BBM-Sara

Andrew E
Andrew E. performing at a campaign sortie during the 2022 elections
Photo/s: @andrewe_dongalo Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CAMPAIGN MANAGER TOBY TIANGCO ON HIRING ANDREW E.

Nakausap ng PEP Troika si Navotas Congressman Toby Tiangco, ang campaign manager ng Alyansa ng Bagong Pilipinas.

Ayon sa kongresista, si Andrew E lang ang kinausap niya para sa kanilang partido. Kinontrata raw niya ang rapper na maging bahagi sa lahat na sorties nila.

Lahad ni Tiangco: “Kinuha namin siya for all sorties. Kaya ako yung nakipag-usap because the package was to get him for all sorties.

“Since medyo buong kampanya yung pinag-usapan, ako yung nakipag-usap sa kanya.

"But the other artists, hindi na ako nakipag-usap."

Napangiti lang si Tiangco nang tinanong kung ilang milyon ang pinag-usapan nila ni Andrew E.

Expected naman naming hindi ito puwedeng i-disclose.

Pero base sa ilang napapagtanungan namin, nagre-range daw mula PHP1M hanggang PHP1.5M ang bayad kay Andrew E sa bawat performance niya.

Kaya kahit may party-list na iniendorso si Andrew E, tuloy pa rin siya sa raket niya tuwing eleksyon dahil dito siya, pati na ang iba pang performers, nakakabawi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vilma Santos at Luis Manzano, iginiit ang kahalagahan ng teamwork

NOEL FERRER

Sabi ni Congressman Toby Tiangco, marami sa ating entertainers ang magaling talagang mag-perform.

Hindi lang si Andrew E ang kinuha nila sa mga iniikutang sorties kundi marami pa. Pero hindi na raw siya ang nakikipag-usap, kundi ang coordinators nila.

Nilinaw ni Tiangco na para mag-entertain lang daw ang kinukuha nilang performers, at hindi kailangang iendorso ng mga ito ang mga kandidato nila.

Saad niya: “Kasi siyempre habang naghihintay naman sa mga kandidato, mahirap naman na walang nag-e-entertain sa kanila.

“For example, magsisimula ngayon yung first speaker ng 4:00 P.M. So, habang naghihintay ang mga tao, dapat may nag-e-entertain naman sa kanila.

“Not as endorsers. Yung mga kinukuha naman naming celebrities sa stage, they don’t really endorse, e. They just perform, para lang masaya yung tao.”

Magagaling daw kasi talaga ang entertainers natin sa live performance, kaya malaking bagay yung nandiyan sila para maaliw ang mga taong nanonood sa mga ginagawa nilang rally.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Magaling naman lahat. Yung isa, tawang-tawa ako, e. Yung mga inabutan ko namang mga artists, lahat magaling.

“Kasi medyo late na ako dumating… si Vina Morales, magaling.

"Yung isa pa tawang-tawa ako, si Wacky Kiray ba yun? Tawang-tawa ako sa performance niya. Masaya,” pakli ng kongresista sa presscon ng mga kandidato nila na ginanap sa Citadines, Macapagal Avenue, noong Martes, February 18, 2025.

Pagkatapos nun ay tumuloy sila sa kanilang proclamation rally na ginanap sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Oo naman, kailangan ng pang-aliw, pero hindi ba yung ibang kandidato mismo, sinusubukan din nilang mang-aliw na rin?

Sana, kapag stand na sa isyu ang pinag-uusapan, lagpas sa pang-aliw lang ang ibigay ng ating pipiliing mga kandidato, di ba?

Read: 2025 Elections: Kiko, Beaver, Dennis sasabak na sa kampanya

JERRY OLEA

Ang senatorial candidates na present sa mediacon ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Citadines Bay City Manila, Pasay City, noong Martes, Pebrero 18, 2025, ay sina Abby Binay, Francis Tolentino, Benhur Abalos, Ping Lacson, Erwin Tulfo, Tito Sotto, Manny Pacquiao, at Camille Villar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala sina Bong Revilla, Lito Lapid, Imee Marcos, at Pia Cayetano.

ADVANTAGE OF SHOWBIZ PERSONALITIES RUNNING FOR SENATOR

Inamin ng campaign manager nilang si Congressman Toby Tiangco na may advantage ang mga kandidatong konektado sa showbiz.

“Kasi kilala sila ng mga tao. So yung name recall nila, napakataas.

"Siyempre pag ikaw ay personality, siyempre madaling makilala ng mga tao.

“Pero in fairness, sa lahat naman ng mga kandidato namin, masisipag talaga lahat,” sabi ni Tiangco.

Tinitira recently sa socmed si Manny Pacquiao dahil sa magkaibang statement nito tungkol kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Una, nang nagkalaban sila sa presidential elections noong 2022.

Pangalawa, ngayong 2025 elections, kung saan kabilang si Pacquiao se senatorial lineup ng Marcos administration.

"Pacquiao vs Pacquiao," pang-uurot ng netizens sa memes.

Read: Manny Pacquiao concedes to Ferdinand Marcos Jr.

manny pacquiao meme
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ni Congressman Tiangco: “Ang akin, because ang dapat ipaliwanag lang sa tao is, ano ang nagawa niyo, di ba, kung sila ay nanunungkulan na.

"Ang importante lang, masabi, ano ang nagawa niyo nung kayo’y nanungkulan o habang kayo’y nanunungkulan para mas kapani-paniwala yung plano pa nilang gawin, di ba?

“Because mahirap namang magsasabi ka lang na plano mong gawin, hindi mo naman napapatunayan pa na kung ano yung nagawa mo para matulungan ang ating mga kababayan.

“So, napakahalaga nun. Track record, and ano pa yung plano mo.”

Sinisita ba niya ang kandidato kapag may mga meme itong trending?

“I always discuss with them the issues. Pero para sa akin, kung ano man yung mga ganun, meme, hindi dapat ma-distract, e,” pananalig ng campaign manager.

“Because the most importantant thing for each and every Filipino is, ano ang maitutulong mo para mapaganda yung buhay natin, di ba?

“So, kung ano man yung mga banat sa kanila, kung ako, I would just ignore. Kasi binabanatan ka to distract you, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung ikaw pumatol dun, yung pagpatol mo dun, walang maitutulong sa yo dun, di ba? So, dapat hindi ma-distract.

“Hindi ko sila nasasabihan. Ako ang utusan nila.

"I’m here to serve all of them para mas madali yung kampanya, mas maayos yung scheduling. Maayos yung pag-ikot nila. Yun ang trabaho ko.”

Mas mahirap bang i-manage ang campaign kung merong celebrities sa lineup? Siyempre, mas pinagkakaguluhan ang mga artista. Mas napagtutuunan ng pansin?

Saad ni Tiangco: “We treat all candidates equally, di ba?

"Katulad nun, for example, dun sa speeches nila — lahat naman sila very cooperative nung ipinaliwanag namin, 'Five minutes lang, ha?'

“Five minutes lahat, sumusunod.

"Tapos para walang selosan doon sa ikot, umiikot kami, e. Kunyari the first rally, si Benhur ang unang speaker, ang huli nun, e, si Camille.

“So the next rally naman, second na si Benhur, first naman si Camille.

"So, lahat sila, we treat them equally. So umiikot lang, pati sa airtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Very cooperative naman. I mean, OK nga, madali ang trabaho ko.”

Notice: This article falls under promotional material for a candidate or candidates running in the 2025 election.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Congressman Toby Tiangco (in photo), the campaign manager of the Marcos administration's senate slate for the 2025 elections, talks about hiring Andrew E. as a performer in their campaign sorties, advantage of celebrity candidates, and the issue of senatorial aspirant Manny Pacquiao.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results