GORGY RULA
Ngayong Mayo 5, 2025, Lunes ng 7:15 P.M., magsisimula ang Totoy Bato sa TV5, na hango sa obra ni Carlo J. Caparas.
Sa nakaraang media conference ng Totoy Bato sa TV5, nabanggit sa amin ng anak ni Direk Carlo na si Peach Caparas na itong Totoy Bato ang isa sa pinakapaborito niyang hero o character na likha ng kanyang ama.
Nagpapasalamat si Peach na bago pumanaw si Direk Carlo ay naihabilin na sa kanya nang makipag-collaborate sila sa Studio Viva at Viva Communications.
Read: Carlo J. Caparas: The real Panday
“Napakalawak po kasi ng Caparasverse, and there are so many heroes, ang dami po nila,” sabi ni Peach, na creative consultant sa Totoy Bato.
Nagpapasalamat din siya dahil inalagaan daw ito ng Viva at maayos ang kanilang collaboration.
Lahad ni Peach: “Like I said during mediacon ng Lumuhod Ka Sa Lupa, mag-start na po sila lalabas isa-isa.
"Kasi, 2018, 2019 pa namin siya nailatag kasama si Carlo J. Caparas talaga, at saka si Boss Vic [del Rosario] po, and the entire Viva.
“Na-halt lang talaga dahil sa pandemic. Then, yun nga nung medyo nag-start na, hindi naman natin alam na kukunin agad si Daddy, no?
“So, grateful na lang po ako na nakapagbilin ng gusto niyang gawin sa mga heroes niya, sa mga characters and he entrusted it to the right people."
“Kasi po si Boss Vic and all the Del Rosarios, they’ve been so helpful, they’ve been so supportive, at saka inaalagaan po talaga nila ang legacy ni Daddy,” dagdag pa ni Peach.
Read: Carlo J. Caparas dies at 80
CONTINUING CARLO J. CAPARAS'S LEGACY
Mag-iisang taon pa lang pumanaw si Direk Carlo Caparas sa Mayo 25, at ipinagluluksa pa rin nila ang pagkawala ng kanilang ama.
Kaya nais lang daw nilang ipagpatuloy ang gusto ng kanilang ama sa mga naiwang obra nito na gusto pa ring subaybayan ng mga tao.
Ayon kay Peach: “Ang bilin niya is… si Daddy hindi naman kasi siya mabilin na, ‘Uy, ganito ganyan.’ Hindi po.
“Ano talaga siya, ‘Upo ka dito, makinig ka. Dito ka, makinig ka. O tandaan mo yan, ha?’ So, ganun siya magbilin.
“Nung nawala siya, even nung towards the end nung nakapag-usap pa kami is more of paalala niya sa akin kung saan ako dapat mag-ingat, ano ang mga iingatan ko. Mga reminders po ganun.
“Normal naman po siguro na may mga tao siyempre, nagwa-wonder na ganyan. Gusto lang din naman… siguro, mahirap kasi mag-close ng chapter or mag-grieve nang maayos kung hindi mo pa alam kung ano yung mga bukas e.”
SI Kiko Estrada ang bida sa Totoy Bato, na pumalit sa Lumuhod Ka Sa Lupa na pinagbidahan din niya.
Si Albert Langitan pa rin ang direktor.
Read: Kiko Estrada: "I’m destined to play Totoy Bato!"
NOEL FERRER
Tampok din sa Totoy Bato sina Eula Valdes, Diego Loyzaga, Cindy Miranda, Bea Binene, Nonie Buencamino, Art Acuña, at marami pa.
Kasali rin sa cast ang isa pang anak ng mag-asawang Direk Carlo Caparas at Donna Villa na si CJ Caparas.
Nilinaw ni CJ na hindi naman kailangang isali siya tuwing gagawin ang mga likha ng kanyang amang si Direk Carlo.
Nasa mga boss daw yun kung puwede siyang isali o hindi.
“I wouldn’t say dapat. Pero as far as I’m concerned po, the opportunity somehow presented itself. Yun naman po.
“Nagkaroon ng opportunity, I took the opportunity kasi kay Daddy rin naman ito.
“And I believe, adding my name into the fold, kahit hindi naman ako sikat na celebrity o ano man, by just having that kind of… the name of…
“Kasi CJ Caparas, Carlo J. Caparas, halos pareho kami ng initials, so I believe that adds more premium, that lends credence to the project na, 'Uy, mismong anak nga niya part, para literal na itinuloy ang dugo ng legacy niya,'” saad ni CJ sa mediacon ng Totoy Bato.
Read: Carlo J. Caparas, binigyang pugay ng mga anak na sina Peach at CJ

HONORED AND PRIVILEGED TO BE PART OF TOTOY BATO
Malaking pribilehiyo na raw sa kanyang naging bahagi siya ng Totoy Bato na isa sa ipinagmamalaking obra ng namayapa niyang ama.
“Actually, yung pagiging support ko, honor and privilege na yun,” pakli ni CJ.
“Hindi naman po puwedeng… kahit sino pa tayo, hindi ako naniniwalang yung babrasuhin mo lang yung way mo papasok sa isang proyekto, papasok sa isang…
“Ang gusto ko po, kahit na anong… kahit nga sabi ko bit role lang just to get acclimated dun sa mga nagtatrabaho na makita mo from the board room, to the front of the camera, nandun ka.
“Nakasalang ka. Hindi lang naman tayo puwedeng mag-demand din, di ba?
“Gusto ko itong… ganito kalaki ang role, gaganito ang gagampanan ko.
“So ako po, I just really took what I can get. So, ano po… I’m just grateful to be here and just happy na everything aligned to be here right now.
“And I believe si Mom and Dad pa rin talaga yung babalikan ko diyan pagdating sa…yung utang na loob ko sa parents ko,” sabi pa ni CJ.
May special participation sa Totoy Bato si Jackie Lou Blanco na —the true professional that she is— nag-taping talaga the day after Ricky Davao died.
JERRY OLEA
Hindi naman daw umaasa si CJ Caparas na magbida sa isa sa mga ginawang serye ng kanyang ama.
Nasa mga boss pa rin daw ang desisyon kung anong nababagay sa kanya.
Saad niya: “Depende po yan sa mga boss natin. Hindi naman po ako yung boss dito. I’m just a son of my dad. And I’m grateful to be here.
“Kung ano pong… whatever they deem fit for me, I will gladly portray. So long as in line with our values and principles.
“Siyempre po pamilyadong tao na ako. So, gusto ko po in line din dun yung ano… at saka I’m also Christian.
“So long as everything aligns, everything is alam mo yung God-honoring, it honors my parents, my family, I’m all for it,” saad ni CJ.
Nagpapasalamat lang si CJ na bahagi siya sa Totoy Bato na isa sa ipinagmamalaki ng kanyang ama.
Kahit paano ay naibsan ang pangungulila niya sa kanyang magulang. Pero tanggap naman daw niya na wala na ang mga ito.
Pahayag ni CJ: “Tanggap na kasi pare-pareho naman tayo ng destination, kanya-kanyang timing. So, tanggap na po.
“Nalulungkot ako minsan pag naaalala ko kasi parang naisip ko rin yung buhay-set, yung buhay-taping, buhay-shooting.
“It can be a blessing, at the same time, it can be a curse.
“Nasa isip ko, there’s so much time I wanted more to be with him. Kaso hindi, e.
“Sasabihin, ‘Anak, may trabaho e’. So, ako naman, naisip ko ngayon may anak na rin akong sarili, ‘Dad, anong takeaway ko sa inyo?’
“Kundi to dedicate as much of my time with them. Pero kailangan ko magtrabaho, so gagawin ko trabaho lang, tapos uuwi.”
