PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angeli Bayani naalala ang ina sa Nora Aunor tribute film na Faney

"Yung nanay ko po, fan na fan ni Ate Guy."
by PEP Troika
Published May 18, 2025
Angeli Bayani stars in Faney, a tribute film fort Nora Aunor
Si Angeli Bayani (main) ay kabilang sa cast ng Nora Aunor tribute film na Faney.
PHOTO/S: Jerry Olea (main); File (inset)

JERRY OLEA

Ano si Nora Aunor sa buhay ni Angeli Bayani at ng kanyang pamilya?

"Uhm, yung nanay ko po, fan na fan ni Ate Guy,” pagtatapat ni Angeli sa first shooting day ng pelikulang Faney noong Mayo 12, 2025, Lunes, sa Golden Hills Subdivision, Brgy. San Roque, Antipolo City.

Ang Faney ay tribute film para sa National Artist at Superstar, a.k.a. Ate Guy.

Nakatakdang ipalabas ito sa Mayo 21, Miyerkules, at 7:00 P.M., sa Gateway Cineplex, Cubao, Quezon City.

Maliban kay Angeli ay nasa cast din sina Laurice Guillen, Gina Alajar, Althea Ablan, Bembol Roco, Perla Bautista at Roderick Paulate, sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.

(L-R) Gina Alajar, Laurice Guillen, Althea Ablan
(L-R) Gina Alajar, Laurice Guillen, Althea Ablan star in the movie Faney.
Photo/s: PR
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natatawang pagpapatuloy ni Angeli: “To the point na kahit anong gawin ni Madam [Ate Guy] sa buhok niya, yun po ang gagawin ng nanay ko.

“Tapos hindi ko po makalimutan na laging sinasabi ng nanay ko na kamukha niya si Ate Guy.”

Ipinaglihi ba siya ng nanay niya sa idolo nito?

“Ay! Hindi ko na po naitanong! Nasabi ko lang, hmmph, siyempre habang lumalaki, hindi ko pa siya naiintindihan, yung ganun,” saad ni Angeli.

“Pero hindi ko naman din binalewala yung pagiging fan ng nanay ko. Kumbaga, nirespeto ko naman.

“Okay, nakikita ng nanay ko yung sarili niya kay Ate Guy. Yun ang hindi ko makakalimutan.

"Kasi, naalala ko rin, nung medyo matanda na ako, tinatanong ko siya, ‘Bakit mo ba siya gustung-gusto?’

“Sinasabi ng nanay ko, ‘Nakikita ko yung sarili ko sa kanya.’ ‘Ahh, okay.’

"Yung nanay ko kasi, ano, e, siyempre mahal na mahal ko iyan. Mataas ang tingin ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya nung sinabi niya na nakikita niya yung sarili niya, doon lang ako nagkaroon ng… ‘Ahh talaga?’ Doon ko lang naintindihan kumbaga.”

Mas naintindihan niya nang pumasok na siya ng showbiz?

“Mas naintindihan ko nung makilala ko siya [Nora],” pagmamatwid ni Angeli.

“First time ko siyang nakatrabaho sa isang teleserye sa TV5 at gumanap akong kapatid niya.

“E, nung panahong yun, wala na ang nanay ko. Kaya nasa utak ko, nung nasa tent ako na hinihintay ko na darating siya, ‘Shucks, makakatrabaho ko siya, yung kinapipita-pitagan ng nanay ko.’

“Kaya hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko noon, kasi, halu-halo.

“Noong una ko siyang makita kasi, sabi ko sa utak ko, naiintindihan ko na ang nanay ko kung bakit.”

Taong 2006 noong pumanaw ang nanay ni Angeli.

Read: Direk Adolf Alix Jr., may updates about pending movies ni Nora Aunor

GORGY RULA

ANGELI BAYANI ON PLAYING YOUNG NORA AUNOR IN MOVIES

Sa unreleased film na Laro, which is also directed by Adolf Alix Jr., gumanap si Angeli Bayani bilang young Nora Aunor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

How was it playing the young Ate Guy?

“Aba’y siyempre nakaka-pressure po! Walang katulad na pressure!” bulalas ni Angeli.

“Tipong paano ko ba gagawin ito? Pero sa totoo lang, siyempre, ang kailangan ko lang naman talaga, e, kalimutan kumbaga na…

“Kasi, papanoorin mo siya, e. Gagayahin mo siya, at the same time, iisipin mo kung ano kaya yung iniisip niya para hindi ka ma-pressure, yung ganun.

“Saka siyempre, aalahanin ko lang, ano ba ang sinasabi ng nanay ko dati? Nakikita niya yung sarili niya kay Ate Guy. So, ano kaya yun?

“So parang ipapasok mo lang lahat yun. Tapos mawawala yung pressure.

“Kasi pag nawala yung pressure, mas magagawa mo nang makatotohanan.

“Siyempre, hindi ko sinasabing perfect na perfect ang ginawa ko. Kasi, only Ate Guy can be Ate Guy.

“So, sa abot ng makakaya ko lang, kung ano yung makatotohanang interpretasyon lang ang nagawa ko.”

Maging sa pelikulang Pieta (2023) ay gumanap si Angeli na young Nora. Idinirek din iyon ni Direk Adolf, at nasa cast din si Gina Alajar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Angeli Bayani stars in Faney
Angeli Bayani stars in Faney
Photo/s: Jerry Olea

Read: Gina Alajar, sumabak sa live selling; goal kumita ng six digits

NOEL FERRER

ANGELI BAYANI ON BEING A FANEY

Ano ang pakiramdam na kasama siya sa tribute film na Faney?

“Para siyang coming full circle para sa akin,” napangiting tugon ni Angeli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, nailalagay ko po yung sarili ko dun sa kung ano yung pakiramdam nung nanay ko nung mga panahong fan siya.

“Na at the same time, iniisip ko rin, ngayon kasi, naiintindihan ko na, e. So, mabuti din na ngayon siya mangyayari sa akin.

“Kasi, kung nangyari siya nung bata-bata ako, baka hindi ko pa naiintindihan.

“Ngayon naintindihan ko na, ngayong tumanda na rin ako sa industriya. May reverence na rin ako hindi lang po kay Ate Guy kundi para sa mga fans niya.

“Di ba, para maintindihan ko yung bakit sila sobrang lugod na lugod kay Ate Guy.”

Faney rin ba si Angeli? Meron ba siyang iniidolong artista?

“Uhm, idol ko po ang makatotohanan na pagganap kahit ano pa man,” sagot ni Angeli.

“Yung sa akin naman po, yung personal na ano ko kay Ate Guy, nung unang beses na napanood ko po siya kasi ay sa The Flor Contemplacion Story (1995).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos nakakatawa po ito, kasi, required po kami nun, e, nung high school, para panoorin.

“Kanina nga, iniisip ko, bakit hindi ko kasama yung nanay ko nung nanood ako ng The Flor Contemplacion Story? Mag-isa ko siyang pinanood.

“At ang hindi ko makakalimutan ay yung eksenang gumaganun siya sa salamin, tapos hindi niya mahawakan o mahagkan yung mga anak niya, para akong sinuntok sa dibdib.

"Sabi ko, ‘My God! Ang sakit naman nito!’

“Tapos kumbaga as my teenager self, naalala ko nung teenager pa lang ako, dun ko nakita ang power niya.

“Na tinatawag nga nila, nasa mata niya. Oo, nasa mata niya, pero nasa lahat, e. Nasa kabuuan, sa lahat ng ginawa niya.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Angeli Bayani (main) ay kabilang sa cast ng Nora Aunor tribute film na Faney.
PHOTO/S: Jerry Olea (main); File (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results