JERRY OLEA
Nauuso na ba ang male frontal nudity sa local theater scene ngayong 2025?
Parehong nagpasilip ng private part sina Ross Pesigan at Martin del Rosario sa dulang Anino sa Likod ng Buwan, na nagtanghal mula Marso 1 hanggang 23 sa PETA Theater Center, New Manila, Quezon City.
May rerun sa Oktubre ang nasabing dula, kung saan tampok din si Elora Españo.

Understudies dito sina Edward Benosa, Denise Esteban, at Vincent Pajara.
Available na sa Ticket2Me ang tickets para sa rerun nito sa Oktubre.
May 20% discount para sa mga bibili ng tiket hanggang Hunyo 20.
Ang dulang ito ay mula sa direksiyon ni Tuxqs Rutaquio at panulat ni Jun Robles Lana.
Read: Martin del Rosario at Ross Pesigan, may frontal nudity sa play
FRONTAL NUDITY on 3 Men On An 1sland
Nag-frontal nudity sina Victor “VR” Relosa at Fidel Redado sa dulang 3 Men On An 1sland—na itinanghal noong Mayo 24, unang gabi ng PSF Theater Festival 2025.
Ang co-star nilang si Ken Intano ay babad naman ang butt exposure.

Nagulantang si Mercedes Cabral sa pasabog ng nasabing dula, samantalang napa-chant si Soliman Cruz.
Sina Mercedes, Soliman, at Dr. Anton Juan ang tatlong hurado ng two-night theaterfest na ginanap sa teatro ng PhilStagers Foundation sa Balic-balic, Sampaloc, Manila.
Ang isa pang manonood na na-shock nang lubos sa pagtatanghal na iyon ng 3 Men On An 1sland ay ang girlfriend ni VR.
Sa dinami-rami ng pelikula ni VR sa VMX (dating Vivamax) ay hanggang butt exposure lang ito.
Sa Kabit, naka-prosthetic pen*s siya.
Pero sa unang sabak ni VR sa teatro, hayun at nag-hello ang kanyang private part.
Ang 3 Men On An 1sland ay isinulat at idinirek ni Johnrey Rivas.
Nakatakda ang rerun nito sa Hunyo 28 sa teatro ng PSF.
Read: VMX actor Victor "VR" Relosa, sa entablado naman maghuhubad
FRONTAL NUDITY on WALONG LIBONG PISO
Ang one-character play na Walong Libong Piso ay nakatakdang itanghal sa Agosto sa CCP Black Box Theater (Tanghalang Ignacio Gimenez) sa Pasay City.
Ayon sa writer-director na si Dante Balboa, humigit-kumulang isa’t kalahating oras ang running time ng psychological play, kung saan mag-isa lang sa entablado ang karakter na halinhinang gagampanan nina Paolo Gumabao, Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, at Drei Arias.

Sa script, merong eksena ng macho dancing, pagsa-shower, at pagsasariling-sikap. Kabugan ang apat na aktor sa kani-kanyang performance.
Sa pelikula ay pawang nag-frontal nudity na sila, pero iba siyempre sa entablado na merong live audience. Hanggang saan ba ang kaya nilang ipakita?
“Alam ko naman pong walang cam dito. Kung ano po yung puwede nating ipakita ay maipapakita natin diyan. Laban naman po ako dun,” bulalas ni Juan Paulo sa mediacon nitong Hunyo 6, Biyernes, sa Manila Hotel.
Sambot ni Drei, “Sa akin din po, laban din natin iyan!”
Hirit ni Paolo, “Kung ano ang gusto ni Direk na ilabas namin, kung ano ang gusto ni Direk na gawin namin sa entablado, buong puso naming gagawin iyon para sa script.”
Pahayag ni Jhon Mark, “Sa akin po, kung ano ang ipapakita—lahat po! Lahat, lahat po, mapapanood niyo!”
Ang producer ng Walong Libong Piso ay si Engr. Benjie Austria ng BenTria Productions, na nagprodyus ng mga pelikulang Broken Blooms, Huwag Mo ‘Kong Iwan, Fatherland, at Graduation Day.
NOEL FERRER
Malaking challenge para kina Paolo Gumabao, Drei Arias, Juan Paulo Calma, at Jhon Mark Marcia na mag-isang buhatin sa kani-kanyang performance ang isang dula.
Pahayag ni Paolo, “Siyempre, since ikaw lang yung kaisa-isang artista sa stage, kailangan mong maghanap ng ways para hindi magkaroon ng dead air.
“Kasi, siyempre, isa’t kalahating oras tatakbo yung play. So, importante, lalo na mag-isa ka sa stage, every emotion, every nuance, dapat maipakita mo, mai-express mo nang maayos sa audience.
“Siguro, yung pinaka-challenge is how to make it not boring for an hour and 30 minutes. How to play it in a way na captivating panoorin.
“How do you play it in a way na magugustuhan ng mga audience.”
Read: Paolo Gumabao recalls "very dramatic" first meeting with biological dad Dennis Roldan
Saad ni Drei, “For me naman po, ang pinaka-challenge sa aming apat is how to make the character very different from the style of our acting.
“Kasi pare-parehas po kaming si Dante.
"Ngayon, parang magiging boring naman siya kung bawat set, pare-parehas lang kami ng ibibigay.
“Siguro ang magiging challenge namin, paano aatakehin ni Paolo yung Dante na karakter niya? Paano ako magiging si Dante? Paano si Juan Calma? Paano si Jhon Marcia? Yun ang magiging challenge namin.”
Lahad ni Juan Paulo, “Sa akin po, ang challenge po sa akin is siguro dahil first time kong magpe-play, then yung memorization, yun po.
“Doon lang po ako nakatutok sa ngayon dahil yung magiging atake na lang din po is different. Different interpretation naman po kami sa play na ito.”
Paandar ni Jhon Mark, “Sa akin po, ang challenge dahil first time kong mag-play, siguro kung paano kayo maaakit sa akin.
“Kailangan ko kayong ma-entertain talaga. So, gusto ko, pag nanood kayo, pinaka-challenge sa akin, lahat ng mga mata niyo, nasa akin lang po talaga.
“Basta gusto ko kasi, ano, e. Gusto ko, pagka napanood niyo ako, yung pag-uwi nyo sa bahay, may gagawin kayo. Ayun! Hahahaha."
Ngayong hindi masyadong kumikita ang pelikula, nasa teatro na ang audience?
Ito na ba ang direksiyon ng entertainment ngayon?
At ito na ba ang direksiyon din ng teatro ngayon? Sa ngalan ng sining—at earnings?
Ano kaya ang masasabi ng theater community natin na grabe ang suporta sa isa’t isa? Is this a welcome development?
GORGY RULA
Sa kabuuan naman, hindi lang yun ang dapat aabangan sa play.
Kahit ang mga aktor, aminadong mas may effort ang acting sa entablado.
Kaya it is always a different experience for Drei Arias, na graduate ng kursong Bachelor in Theater Arts.
Maraming beses nang lumabas sa stage plays ang Bulakenyong aktor.
Ani Drei, “Doon po ako na-discover, sa mga play… Mas tahanan ko yung entablado, yung live shows.
“Mas nakakagalaw ako. Mas nakakapag-experiment ako sa character ko. Kaya siguro para sa akin lang, mas exciting siyang gawin.”
First-timer sina Juan Paulo Calma, Paolo Gumabao, at Jhon Mark Marcia sa one-act play na Walong Libong Piso. Paano sila nag-adjust sa pagtawid mula pelikula patungong teatro?
Sagot ni Juan Paulo, “Sa movie po kasi, sobrang limitado yung galaw. Dito po kasi, kailangan naming i-maximize yung buong stage po and space.
“Saka yung voice, kailangan ko pa pong mag-ano dun, kung paano mag-project ng voice.”
Pagtatapat ni Paolo, “Bukod sa mas malaki ang expression, mas malaki ang galaw sa teatro… yung stage kasi namin, pa-letter L iyan.
“So, andoon lagi sa isip ko na dapat, ‘Ahh wait lang, andito yung audience ko, kailangan dito ko ibato yung linya na ito. Dapat pag ibinato ko ang linyang ito, kita ng lahat.’
“So, pag sa pelikula kasi, sa serye, hindi mo na iniisip ang ganun. Kasi, cameraman na ang nag-a-adjust, e.
“Pero dito sa teatro, responsibilidad mo bilang aktor na i-cater lahat ng nanonood kasi pantay-pantay lang ng binayad sa tiket.
“Sabi ni Direk Dante yun, e. Di ba, Direk?”
Sabi ni Jhon Mark, “Sa akin po, kasi ibang Jhon Mark po yung mapapanood sa stage play na ito, e.
“Ibang Jhon Mark na sexy-sexy sa movie. Iba naman sa stage. Ang adjustment ko po dito, sobrang yung mga lines namin, tatatak sa inyo.”
