PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nadia, masama ang loob sa paglabas sa media ng incident report

Kumusta ang legal issues sangkot ang ilang celebrities?
by PEP Troika
Published Aug 19, 2025
Nadia Montenegro on leave pending investigation on alleged marijuana use
Nadia Montenegro, according to her representative Atty. Maggie Abraham-Garduque, is not happy about the release of the incident report to the media, resulting in the public's rush to judgment despite not hearing her side.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Masama ang loob ng aktres na si Nadia Montenegro sa paglabas sa media ng incident report kaugnay ng alegasyong humithit siya ng marijuana sa loob ng ladies' room sa Senado.

Bagamat hindi pa natatapos ang imbestigasyon tungkol sa insidente ay nag-resign na si Nadia bilang political affairs officer ni Senator Robin Padilla.

Sa pamamagitan ng kanyang representative na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, ipinahayag ni Nadia ang kanyang saloobin.

Read: Maine Mendoza clarifies remark on Alden Richards meant no malice

Ayon kay Atty. Maggie, walang karagdagang pahayag si Nadia kasunod ng kanyang written explanation.

Ang ikinasama lang daw ng loob ni Nadia ay ang pagre-release sa media ng incident report na naka-address sa Office of the Senate Sergeant at Arms o OSSA.

Bakit daw agad itong inilabas sa media na naging dahilan kaya nahusgahan agad si Nadia.

“Nakalagay naman sa IR na hindi siya nakitang nag-marijuana sa CR. When the OSSA approached her, vape lang ang nakita kay Nadia at pinaamoy pa niya ang grape-flavored vape niya,” text ni Atty. Maggie sa PEP Troika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So far, yun daw muna ang update sa isyung kinasasangkutan ng kanyang kliyente.

RITA DANIELA-ARCHIE ALEMANIA CASE

Kinumusta na rin namin kay Atty. Maggie ang iba pang controversial na kasong hawak niya.

Napag-alaman naming tapos na pala ang pagdinig sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ni Rita Daniela laban kay Archie Alemania.

Inaasahan daw nilang bandang October ay ibababa na ang promulgation sa kaso na dininig sa Bacoor Regional Trial Court.

Read: Liza Soberano finally confirms breakup with Enrique Gil

Rita Daniela and Archie Alemania ordered to appear on April 29, 2025 hearing.
Rita Daniela and Archie Alemania
Photo/s: @missritadaniela / @archiealemania Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SANDRO MUHLACH VS NONES AND CRUZ

Hindi naman makapagbigay ng update ang abogado tungkol sa kasong rape through sexual assault na isinampa ni Sandro Muhlach laban sa independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz, na mga kliyente ni Atty. Maggie.

Wala raw siyang masasabi tungkol dito dahil meron silang gag order.

Sa aming pagkakaalam ay sa Regional Trial Court ito dinidinig, pagkatapos itong ma-dismiss sa Metropolitan Trial Court ng Pasay.

Sandro Muhlach lauds DOJ for filing complaints against GMA independent contractors
Sandro Muhlach vs Jojo Nones and Richard Cruz
Photo/s: Courtesy: Instagram / Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Nag-alala naman ang ilang malalapit na kaibigan ni Archie Alemania dahil halos isang taon nang walang trabaho ang aktor pagkatapos pumutok ang isyu nila ni Rita Daniela.

Tinanggal ang karakter ni Archie sa teleseryeng Widows’ War (Hulyo 2024-Enero 2025) kung saan co-stars sila ni Rita.

Meron palang isang malaking project na dapat ay kasali si Archie, pero dahil sa kasong kinasangkutan niya ay hindi na siya kinuha ng producer. Pinalitan siya ng isang award-winning actor.

Naaawa raw sila sa komedyante dahil ang tagal na niyang walang natatanggap na trabaho. Paano pa kung hindi maganda ang resulta ng kasong kinakaharap niya?

Read: Mayor Ina Alegre desididong sampahan ng reklamo si Michole Sorela ng GenSan Warriors

GERALD SANTOS AND ENZO ALMARIO VS DANNY TAN

Samantala, naghihintay tayo ng legal move nina Gerald Santos at Enzo Almario laban kay Danny Tan.

Ayon sa source ng PEP Troika na nakatsikahan ngayong Martes, Agosto 19, 2025, via Messenger, “May buildup pa sa case. Hindi pa patay ang kaso.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Looking forward tayo sa Dreams concert ni Gerald na nakatakda sa Disyembre 3, 2025, sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts, Pasay City.

Ang musical director ay si Jason Cabato, at ang concert director ay si Antonino Rommel Ramilo.

gerald santos and enzo almario
Gerald Santos and Enzo Almario
Photo/s: Instagram

TWO MALE TALENTS VS INDIE DIRECTOR

Ipinadala naman sa PEP Troika ng isang talent coordinator ang kopya ng warrant of arrest sa isang indie director. Kinasuhan siya ng dalawang lalaking talents.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Criminal cases iyon sa Quezon City — Lascivious Conduct under Section 5 of Republic Act No. 7610.

Nakapagpiyansa na kaya ang indie director?

PHP180,000 ang recommended bail sa bawat kaso. Bale PHP360,000.

Ayon pa sa talent coordinator, may lumabas ding warrant of arrest laban sa indie director sa Naga City, pero hindi niya batid kung nakapagpiyansa ito roon.

Read: First guesting ng BINI sa All-Out Sundays, tinutukan ng mga manonood

NOEL FERRER

Naka-text ko rin si Nadia Montenegro, at medyo off naman talaga ang ibang pambabatikos sa kanya ng netizens.

Pinahahalagahan daw niya lahat ng nagpapakita ng concern at pagmamahal sa kanya.

Ani Nadia, “I’m at peace, Noel. Out of the lion’s den. Napaaga lang. But I’m good.”

Tungkol kay Archie Alemania, nakakalungkot at sayang talaga at parang tinamaan ang trabaho niya sa kasong hinaharap niya.

Sana, maayos at matatag pa rin ang buhay-pamilya niya.

As for Sandro at ang mga dating GMA contractual talents, naka-move on na ba ang lahat?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, nakahanap na sila ng sariling pagkakaabalahan na kapaki-pakinabang.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadia Montenegro, according to her representative Atty. Maggie Abraham-Garduque, is not happy about the release of the incident report to the media, resulting in the public's rush to judgment despite not hearing her side.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results