GORGY RULA
Nakatsikahan namin sa aming radio program sa DZRH ang negosyanteng si Joel Cruz noong Miyerkules, September 10, 2025.
Pinu-promote ni Joel ang librong isinulat niya, ang Business 101 What Worked For Me.
Ilulunsad na ito sa September 12, Biyernes, 5:00 P.M., sa Vibal Publishing Pavilion sa SMX Convention Center sa Mall of Asia complex.

Nabati namin ang magandang buhok ni Joel na sobrang haba at biniro naming bagong rebond.
Dahil sa ayos niya, minsan nga raw ay may nalilito kung "Sir" o "Ma’am" ang itatawag sa kanya.
Nilinaw ng kilalang entrepreneur na hindi siya transwoman. Mahaba lang daw ang hair niya at naka-makeup.
Read: Here’s the tea: LGBT lacks inclusivity!
JOEL CRUZ PREFERS TO BE CALLED "SIR"
Pero lagi raw nililinaw ni Joel sa mga kausap na mas gusto niyang tawagin sa pangalan niya o “Sir,” hindi “Ma’am.”
Lahad ni Joel: “Kasalanan ko na, unang-una, gusto ko tawagin ako 'Sir,' hindi 'Ma’am.'
“Ang kasalanan ko dun, nagpapatawag ka ng 'Sir' tapos ang haba ng buhok mo? Tapos naka-makeup ka, yung ganun. So, kasalanan ko.
“Ako kasi, when it comes to LGBTQ+, I respect every one of them. Kung ano ang kanilang kasiyahan, kung ano ang kanilang happiness, I respect that.
“Now, siguro kung merong ganun okasyon, don’t get offended at first.
"Just say politely na, ‘Itawag mo na lang sa akin ay Ma’am o kaya Sir, o kaya Miss,' sabihin mo. But, huwag ka makipag-away.
“Unang-una, tayo ang may mali, 'no? Mako-confuse naman kasi talaga yung tao. It’s not their fault, it’s our fault.
“Huwag tayo makipag-away.
"Hindi katulad yung patayuin yung waiter ng isang oras dahil lang dun. Kalokohan yun!”
Nagpapasalamat si Joel dahil hindi raw siya nababastos at nandiyan ang paggalang sa kanya ng mga tao, lalo na ang mga nakakausap niya sa negosyo.
Read: Cebu personality issues apology over misgendering controversy
JOEL CRUZ'S BUSINESS BOOK
Ipinagkatiwala ng Vibal Foundation kay Joel na gumawa ng libro na magbibigay ng tips sa mga nagsisimula pa lang sa negosyo.
Nakasaad daw sa librong ginawa niya ang mga hirap at challenges na pinagdaanan noong sinisimulan pa lang niya ang Aficionado Germany Perfume.
Magbibigay raw siya ng tips kung paano i-handle kapag dumadaan sa ganung challenges.
Saad ng entrepreneur-turned-book author: “Ang dami nang failures na nangyayari. Kahit andun ang sipag natin, nagdadasal na tayo, talagang napupuyat tayo sa trabaho natin.
“Pero minsan nandun pa rin yung failures, hindi pa rin nagtatagumpay yung business. Nagsasara pa rin, ang hirap ng competition.
“Kaya sabi ko, what worked for me, isi-share ko talaga dito sa inyo. Kung papaano talaga from rags to riches na nag-umpisa talaga ang aking opisina ay apartment lang e.
“Nag-rent kami ng PHP18,000, tapos wala pa akong office table at monoblock chairs. Dun lang kami nag-umpisa.
“Ang dami naming hirap na pinagdaanan pero hindi kami sumusuko.
“Nakikita niyo naman siguro kung paano naging successful yung Aficionado.
"Kaya gusto ko i-share na huwag sana mawalan ng lakas ng loob ang mga young entrepreneurs, yung mga nagnenegosyo na ngayon.
“Pero talagang maraming problema na dumarating at talagang haharapin natin ang lahat na mga problema na ito.”
Read: 23 celebrities who found partners in politics
NOEL FERRER
Tatlong espesyal ding libro ang ilulunsad sa Manila International Book Fair 2025 na siguradong makakahatak ng atensiyon ng mga mambabasa sa kanilang natatanging perspektiba at nakakaengganyong mga kuwento.
1. Agaw-Tingin ni Ricky Lee (University of the Philippines Press)
Isang koleksiyon ng mga non-fiction pieces na naglalaman ng mga obserbasyon at kuwento mula sa buhay ng mga tao, lugar, at pangyayari na madalas napapansin.
Tampok ang mga espesyal na pagbasa at pagtatanghal mula sa mga kilalang personalidad.
– Petsa: Setyembre 12, 3:00-5:00 P.M.
– Lugar: 2nd Floor, Main Stage, SMX Convention Center, MOA

2. A View from the Ground ni Atom Araullo (University of the Philippines Press)
Koleksiyon ng narrative journalism na nakapokus sa mga taong nasa laylayan ng lipunan, na sumasaklaw sa mga tema tulad ng displacement, pampublikong kalusugan, edukasyon, armadong labanan, at degradasyong pangkapaligiran.
Tampok ang mga dokumentaryong larawan na nagpapakita ng realidad na kinahaharap ng maraming Pilipino.
– Petsa: Setyembre 14, 2:00 P.M.
– Lugar: Main Stage, 2nd Floor

3. 50 Years of the Metro Manila Film Festival (MMDA/MMFF & ABS-CBN Publishing)
Isang pagdiriwang ng 50 taon ng MMFF na nagbabalik-tanaw sa kasaysayan nito at nagtatasa sa mga legalidad sa likod ng pag-iral nito. Itinatampok ang mga pinakamalalaking pelikulang Pilipino sa kasaysayan ng pagdiriwang.
– Petsa: Setyembre 12, 7:00 P.M.
– Lugar: 1st Floor Main Stage

Huwag palampasin ang pagkakataong makilala ang mga may-akda, dumalo sa mga paglulunsad ng libro, at tuklasin ang mundo ng panitikang Pilipino.
Markahan ang kalendaryo at samahan kami sa MIBF 2025!
Read: Maine Mendoza insists husband Arjo Atayde not capable of stealing people's money
JERRY OLEA
Star-studded ang paglulunsad ng dalawang aklat ni National Artist Ricky Lee sa Manila International Book Fair (MIBF) this Friday, 3:00 P.M. sa Main Stage sa second floor.
Iho-host ito nina Jackie Lou Blanco at Phi Palmos.
Aawit sina Dulce at Arman Ferrer.
Magbabasa ng excerpts sina Luis Alandy, Kyline Alcantara, Chai Fonacier, Agot Isidro, Jolina Magdangal, Judy Ann Santos, Meryll Soriano, Jericho Rosales, at Michael V.
Balita natin ay dadalo rin si Juday sa 7:00 P.M. book launch ng MMFF.
Nakakatuwa na available na rin sa Pilipinas ang bagong nobela ni Dan Brown na The Secret of Secrets, na sixth installment sa Robert Langdon series.
Nauna sa serye ang mga nobelang Angels & Demons (2000), The Da Vinci Code (2003), The Lost Symbol (2009), Inferno (2013), at Origin (2017).
