PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pretty and Sexy Actress, nagka-"something" kay Bidang Aktor?

Nagkatampuhan pa sa isang dating top-rated primetime show.
by PEP Troika
Published Oct 19, 2025
Blind Item: Sexy and Pretty Actress, Bidang Aktor
Walk out ang nagtatampong si Pretty and Sexy Actress sa set ni Bidang Aktor na ipinagtaka ng cast and crew ng dating top-rated primetime show. Nagka-"something" ba sina Actress at Aktor?

GORGY RULA

Ngayon lang nakarating sa amin ang kuwentong ito na nangyari sa set ng isang dating top-rated primetime show.

Kinukunan ang eksenang kasama ang Bidang Aktor at ang Pretty and Sexy Actress.

Nagulat ang lahat nang biglang parang nagmaktol daw si Pretty and Sexy Actress.

Nagbitaw rin daw si Bidang Aktor ng hindi magandang salita sa babaeng ito. Kaya natigil daw sandali ang taping.

Hindi raw nagkaayos ang dalawa, habang ang mga artistang nandoon at production staff ay takang-taka kung bakit may ganoon silang drama.

May namamagitan ba sa dalawang ito?

Pero hindi naman nababalita at hindi naman sila na-link sa isa’t isa.

Kaya lang, nag-walk out na raw si Pretty and Sexy Actress sa set.

Ang ending, na-pack up ang taping noong araw na iyon.

Nang sumunod na taping day, waley na si Pretty and Sexy Actress. Tinanggal na ang karakter niya sa kuwento. Walang nagtanong kung bakit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Basta, dedma na lang at hindi na inalam kung bakit tuluyan nang nawala sa cast si Pretty and Sexy Actress.

Read: Hunk actor at tisay na aktres, involved sa rebound romance?

NOEL FERRER

Ang isa pang tsismis na nakarating sa PEP Troika, parang nagkaroon daw ng "something" sa dalawang ito.

Pareho ba silang single noong panahong iyon?

Tila napangakuan daw si Pretty and Sexy Actress na siya na ang susunod na magiging leading lady ni Bidang Aktor. Pero nanatiling support pa rin siya at hindi na raw siya nabigyan ng chance.

Bakit si Bidang Aktor ang pinagdiskitahan ni Pretty and Sexy Actress?

May power ba si Bidang Aktor sa pagpili kung sino ang type niyang magiging leading lady?

Hmmm… puwede. Bida siya, e!

Read: Kagandahang Aktres, nali-link ngayon sa Influential Personality

JERRY OLEA

Hindi umepek ang pagmamaktol ni Pretty and Sexy Actress kay Bidang Aktor.

Kung hindi ukol, hindi bubukol, 'ika nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala sa guhit ng tadhana na maging bida sa primetime show si Pretty and Sexy Actress.

Na-link si Pretty and Sexy Actress sa isang yayamanin at influential na male personality, pero hindi rin nagtagal ang kanilang affair.

Sa ngayon ay nali-link kay Yayamanin at Influential Personality ang isang young actress na tila mahilig magbilang ng nobyo.

Ano kaya kung mag-compare notes si Pretty and Sexy Actress at si Young Actress?

For sure, may mga matututunan sila sa isa’t isa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Walk out ang nagtatampong si Pretty and Sexy Actress sa set ni Bidang Aktor na ipinagtaka ng cast and crew ng dating top-rated primetime show. Nagka-"something" ba sina Actress at Aktor?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results