JERRY OLEA
Nagpakitang-gilas si Ashley Lopez sa erotic movies na Malagkit, Maninilip, Bayo, 69, Kirot, at Lipad na pawang nag-streaming this year sa VMX.
First time mapanood ni Ashley ang sarili sa big screen sa premiere ng pelikulang Pagdaong noong Oktubre 22, 2025, Miyerkules, sa Cinema 3 ng Market! Market!, Taguig City.
“Nakaka-overwhelm po!” bulalas ng dalaga.
Ang Pagdaong, na idinirek ni Pongs Leonardo, ay isa sa pitong kalahok sa 1st CineSilip Film Festival na ongoing hanggang Oktubre 28, Martes, sa Market! Market!, Trinoma, Ayala Malls Manila Bay, at Ayala Malls Circuit Makati.
Co-stars ni Ashley sa Pagdaong sina Angela Morena, Astrid Lee, at Chester Grecia.
“Hindi ko ine-expect na sobrang heavy drama pala. Kasi, noong sinu-shoot po namin siya, noong first day po kasi, puro ako, e,” kuwento ni Ashley.
“So, puro iyak talaga. Tapos kinabukasan, mugto iyong mata ko. So, noong napanood ko siya, grabe. Worth it po pala talaga lahat.
“And sobrang thankful ako na naging part po ako ng Pagdaong.”
Iba kapag sa streaming platform lang napanood ang pelikula kumpara sa big screen
Tumango si Ashley: “Yes, ibang-iba po yung feeling. Kasi ito, sinehan. Parang open siya in public, and nakikita talaga nila iyong talent mo.
“Na hindi lang basta kaya mong maghubad kundi meron ka ring alam pagdating sa pag-arte. So, ibang-iba po talaga.”
Napasabak na before si Ashley sa GL scenes sa unang movie niya na Malagkit, at nasundan iyon sa Bayo, Maninilip, 69, at Kirot.
Sa Lipad lang hindi siya nag-GL.
ASHLEY LOPEZ ON LOVE SCENE WITH ASTRID LEE
Naiilang pa ba siya sa GL scene nila ni Astrid sa Pagdaong?

Ang natatawa niyang sagot, “Hindi na po.
“Actually, during po nung love scene namin, nag-ask po siya sa akin kung ano ang kailangan po niyang gawin,” wika ni Ashley.
“And tinuro ko naman po sa kanya. Kasi that time, dapat po talaga, siya yung gagalaw.
“E, since first time niya po, bago po kami mag-shoot ng love scene, dinemo ko po muna sa kanya kung paano ang gagawin niya.
“Kasi, nilalambing po niya ako noon sa eksena, e.”
ASHLEY LOPEZ ON having a LOVE SCENE WITH a girl versus boy
Mas okay ba sa kanya na babae ang ka-love scene kesa sa lalaki?
“Actually po, mas comfortable po ako sa babae kesa sa lalaki. Wala po akong restriction pagdating sa babae.”
Read: Heart Evangelista’s personal assistant rants against Vice Ganda
NOEL FERRER
Kumusta ang karanasan niya sa mga lalaking nakasama niya sa mga mapangahas na eksena?
“Sa mga lalaki, parang ano po kasi. Ang mga guys, madaling madala pagdating sa love scene,” malumanay na pagtatapat ni Ashley Lopez.
“Unlike po pag babae, komportable ka. You feel safe during love scene po.”
Sa mga lalaking naka-love scene niya, pinaka-memorable si Aerol Carmelo sa Maninilip.
“Napaka-gentle and respectful niya po sa akin. Talagang nanghihingi siya ng permiso kung ano ang puwede niyang gawin,” sabi ni Ashley, who just turned 21 noong Oktubre 4.
Read: Marian Rivera overwhelmed by Vietnam fashion show experience
GORGY RULA
So far, na-e-enjoy ni Ashley Lopez ang pag-aartista sa VMX.
“Kasi, lumalaban sa buhay habang tinutupad iyong pangarap. Medyo nakaka-overwhelm, pero hindi ko po iniisip na isa akong superstar. Kumbaga, humble pa rin po.”
Pinangarap ba talaga niyang mag-artista?
“Opo, bata pa lang, pangarap ko na po saka ng mother kong mag-artista ako,” tugon ni Ashley.
“So feeling ko, super proud siya sa akin right now na nasa big screen na ako.”
Pumanaw ang ina ni Ashley tatlong taon na ang lumipas, kaya hindi na nito nakita ang pag-aartista niya.
E, ang tatay niya?
“Hindi ko po na-meet.”
Oh, may hugot pala siya sa buhay?
“Opo, andami kong pinagdaanan talaga. Pagkamatay po ng mother ko three years ago, nag-work na po ako,” pagtatapat ni Ashley.
“Hindi na po ako nakapagtapos ng pag-aaral. So, nag-ano po siya, nag-domino effect.
“Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Namatay si Mommy. Tapos, hindi po ako nakapag-debut.
“Tapos need kong mag-work kasi, wala na pong magpapaaral sa akin. So, nag-work po ako as service crew for one year.
“Tapos, after po nun, nag-call center naman ako for one year din po.
"Pero habang nagwo-work po ako, nag-e-ekstra-ekstra ako sa TV, sa movies.
“Nagsimula lang po talaga akong naglalakad sa likod ng artista.”
