GORGY RULA
In-announce na ng Viu Philippines ang pagtatambal nina Alden Richards at Nadine Lustre sa isang romance-drama series na pinamagatang Love, Siargao.
Wala pang sagot sa amin ang taga-GMA-7 kung diretso din ba ang airing nito sa Kapuso network.
Pero may ilang nagtatanong kung itatapat daw ba ito sa KathReid tandem nina Kathryn Bernardo at James Reid.
Isa sa pasabog sa 2026 ng ABS-CBN itong romance-mystery series nina Kathryn at James na Someone, Someday.
Kaya puwede talagang magtapatan ang KathReid at ang NaDen ba o AlDine tandem?
Mas maganda sana kung meron din si Daniel Padilla. Pero matagal pa raw ang Season 2 ng Incognito.
Kaya abala muna si Daniel kasama si Kaila Estrada sa kanilang charity works.
Read: Alden Richards reveals birthday reflections, projects for 2026
TAPATAN SA TELEBISYON
Malaking bagay sana ang tapatan ng mga inaabangang tandem na ito at baka mapalakas kahit paano ang viewership sa telebisyon.
Mababa pa rin kasi ang ratings ng mga programang napapanood ngayon sa telebisyon.
Inaasahan ng nasa TV production na gaganda ito sa bandang second quarter ng 2026.
JERRY OLEA
Nakuha ng PEP Troika ang TV ratings noong Martes, January 13, 2026 at hindi pa rin talaga ito mataas.
Sayang dahil patapos na ang Kapuso teleserye na Cruz vs. Cruz, pero hindi pa ganun kataas ang viewing level.
Pero ito pa rin ang may pinakamataas na ratings sa mga afternoon drama ng Kapuso network.

Sa afternoon slot ay hindi pa ganun ka-impressive ang rating ng It’s Showtime na hirap pa ring sumampa sa 5%.
Noong Martes ay naka-4.5% ang It’s Showtime, at ang Eat Bulaga! ay 3.3%.
Sumunod na ang mga afternoon drama.
Ang Hating Kapatid ay 4.8%, at ang sa TV5 na Frontline Express ay 1.9%.
Ang sa A2Z at Kapamilya Channel na replay ng mga teleserye ay 0.4% ang Lavender Fields.
Sumunod ang Cruz vs. Cruz na 5.5%, at ang Cinecinco sa Hapon ng TV5 ay 0.5%.
Ang sa Kapamilya Channel at A2Z naman na replay ng Senior High ay 0.3%.
Ang Fast Talk with Boy Abunda ay 4.4%, at sumunod ang replay ng Unica Hija na naka-3.5%.
Sumunod din ang Delightfully Deceitful na 2.4%, at ang Family Feud ay 7.5%.
Ang katapat na Una sa Lahat ng TV5 ay naka-1.6%, at ang Deal or No Deal ng Kapamilya at A2Z ay 1%.
Read: BLIND ITEM: Good-looking husband ni Star, may other woman
NOEL FERRER
Sa aggregated ratings ng Kapamilya channel at A2Z ay hindi kasali ang sa AllTV. Hindi pala naka-subscribe ang AllTV sa Nielsen.
Ang sabi ng taga-AllTV, dati ay naka-subscribe sila, pero hindi na nila ito itinuloy.
Napag-alaman din ng PEP Troika na simula raw bukas, January 15, ay ibibilang na ang ratings ng AllTV.
Tingnan natin kung makakatulong ito sa mga programa ng ABS-CBN.
Sa ngayon ay hirap pang pumantay ang ratings ng Kapamilya at A2Z sa ratings ng GMA-7.
PRIMETIME RATINGS
Sa primetime shows nung Martes na sinimulan ng news program, naka-12.8% ang 24 Oras.
Ang Frontline Pilipinas ng TV5, RPTV at One PH ay 2.2%. Ang TV Patrol sa Kapamilya at A2Z ay 3.3%.
Ang Sang’gre ay 10%, ang Batang Quiapo ay 6.4%, at ang Totoy Bato ay 1.2%.
Sumunod ang Sanggang Dikit na 8.3%, at ang Roja ay 3.3%.
Ang PBB: Celebrity Collab 2.0 ay 4.4%, at ang What Lies Beneath naman ay 1.6%.
TV5 TO FILL UP TIMESLOTS VACATED BY ABS-CBN SHOWS
Samantala, totoo bang hindi nakapaghanda ang TV5 ng mga programang ipapalit nila sa timeslot na iniwan ng ABS-CBN?
Sa primetime ay kulang pa ang Totoy Bato na itapat sa Sang’gre ng GMA-7 at Batang Quiapo ng Kapamilya Channel.
Maliban sa Cine Cinco sa Umaga at Cine Cinco sa Hapon, meron na silang Cine Cinco Primetime kung saan ay mga pelikula rin ang ipinapalabas.
Kung Sabado ng hapon ay meron silang Cine Cinco Hit na Hit, at kung Linggo ng hapon ay andiyan naman ang Cine Cinco Astig Sunday.
Of course, meron pang Cine Cinco Weekend Saya sa umaga ng Sabado at Linggo.
Suma tutal, kada linggo ay labinsiyam (19) ang mga pelikulang hatid nila.
Bumibili na raw sila ngayon ng mga pelikula mula sa ibang film productions para sa kanilang Cine Cinco?
Read: Onemig Bondoc, Aiko Melendez "happy together... after 29 years"
