PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ejay Falcon, nag-aalala sa kundisyon ni Bong Revilla sa kulungan

Ejay Falcon, umaasang managot ang dapat managot sa korapsyon.
by PEP Troika
Published Feb 5, 2026
ejay falcon bong revilla issue
Actor and former Oriental Mindoro Vice Governor Ejay Falcon on former Senator Bong Revilla (right) being in jail: “Base sa mga napapanood ko ay parang walang special treatment. Siyempre, kahit papano artista pa rin yung tao. Senador yung tao, tapos malalagay sa ano. So, hindi natin alam kung papano magsu-survive si Sen."
PHOTO/S: Gorgy Rula / Facebook

GORGY RULA

Masyado pang maaga para pag-usapan ang pulitika, sabi ni Ejay Falcon nang nakapanayam siya ng PEP Troika sa story conference ng pelikulang Kappa-tiran.

Gusto raw muna niyang mag-focus sa pag-aartista matapos nyang mabigo sa kanyang pagtakbo bilang congressman sa ikalawang distrito ng lalawigan ng Oriental Mindoro noong 2025.

Katatapos lang niya ng Kapamilya action-drama series na Roja, at sisimulan naman niya ngayon itong Kappa-tiran na ididirek ni Neal "Buboy" Tan.

Read: Ejay Falcon, balik-pelikula matapos tumakbong congressman

EJAY FALCON TO RUN FOR ORIENTAL MINDORO GOVERNOR IN 2028?

Natawa lang si Ejay nang tinanong namin tungkol sa mga naglabasan sa social media na isa raw siya sa tatakbong governor ng Oriental Mindoro sa 2028 elections.

Nagulat siya na lumabas ang pangalan niya sa social media na isa siya sa lalaban sa naturang posisyon.

Paglilinaw ni Ejay: “Ngayon kasi, hindi ko siya masyadong iniisip kahit madami nang naglalabasan na pangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung isang araw, ano ba ito, ang aga-aga. Para sa akin, itong nangyayari sa bansa natin, huwag muna yan. Trabaho muna tayo.

“Ayokong isara ang pintuan. Kasi yan naman yung ano, e…

“Sabi ko nga nung tumakbo akong vice governor, wala naman sa plano yan, e.

“Minsan sa buhay natin, pag may kumatok, na parang may binubuksang pintuan, kailangan kang pumasok sa pintuan na yun, at doon ka pupunta.”

Read: Celebrities who lost in 2025 elections concede defeat

EJAY FALCON ON BONG REVILLA'S CASE

Pinag-uusapan pa rin ang isyu ng flood control scam, at nabanggit ang pangalan ni former Senator Bong Revilla na nakasama ni Ejay sa action-comedy na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik na Misis.

Kasalukuyang naka-detain si Bong sa New Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas, Quezon City, dahil sa kinahaharap nitong kasong graft at malversation of public funds.

Pinayuhan daw siya ni Bong noon na dapat ay patuloy pa rin sa pag-aaral kapag nasa public service siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mabait daw sa kanya ang dating senador, at ito pa raw ang nagte-train sa kanya sa action scenes nila.

Kuwento ni Ejay: “And siyempre dun sa mga action scene namin, e, kasi ako segue ako nun, e.

"May ginagawa ako nun sa ABS na teleserye. Galing ako ng province nun.

“Puyat-puyat ako. So, may fight scene kami, kino-choreograph niya ako.

“Sabi niya, ‘Parang sa edad ko, parang mas malakas ako sa yo.’ Kasi nagte training daw siya.

"Puyat nga ako."

Read: Bong Revilla, isasama na sa ibang inmates ng Quezon City Jail

NOEL FERRER

Nalulungkot daw si Ejay sa mga naglabasang anomalya sa flood control proejcts ng gobyerno.

“Siyempre, nakakalungkot po yung mga nangyayari,” pakli niya.

Wala raw siyang maibibigay na komento sa mga isinampang kaso laban kay Bong.

Ang inaalala raw niya ay kung paano makaka-survive ang dating senador sa kundisyon sa loob ng piitan.

Sabi ni Bong: “Siyempre, hindi naman po natin sinasabi na yan ay totoo o kung ano pa man. Wala ako sa posisyon ngayon para magsabi niyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero nakakalungkot lang, kasi bago lahat ngayon, talagang… ang corruption po kasi, matagal na yun, e.

“Sana, lumabas din ang katotohanan. At sana, nasa mabuti siyang kalagayan. Iyon naman yung importante.

“Base sa mga napapanood ko ay parang walang special treatment.

“Siyempre, kahit papano artista pa rin yung tao. Senador yung tao, tapos malalagay sa ano.

"So, hindi natin alam kung papano magsu-survive si Sen.

“Yun, ipanalangin na lang po natin na sana, dito sa nangyayaring corruption sa buong Pilipinas, sa buong mundo, ay managot yung deserved na managot. At yung mga walang kasalanan ay mapawalang-sala.”

JERRY OLEA

Wala pang update ang PEP Troika sa kalagayan ngayon ni dating Senador Bong Revilla sa piitan.

Ang alam lang natin ay nakatakda siyang humarap sa arraignment sa Lunes ng umaga, February 9, para sa kasong malversation of funds. Sa hapon naman ay para sa kasong graft.

May inihanda naman ang supporters ng actor-politician sa Linggo, February 7, na gagawin sa Freedom Park sa may Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay tinawag nilang "Ecumenical Prayer Rally for Truth, Integrity, Due Process, Peace and Justice for Senator Bong Revilla."

Read: Bong Revilla surrenders after Sandiganbayan issues arrest warrant

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor and former Oriental Mindoro Vice Governor Ejay Falcon on former Senator Bong Revilla (right) being in jail: “Base sa mga napapanood ko ay parang walang special treatment. Siyempre, kahit papano artista pa rin yung tao. Senador yung tao, tapos malalagay sa ano. So, hindi natin alam kung papano magsu-survive si Sen."
PHOTO/S: Gorgy Rula / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results