JERRY OLEA
Marso 19, 2026, Huwebes, nag-Netflix streaming ang comedy special ni Alex Calleja na Past Is Past.
Ito ang ikalawang comedy special ni Alex sa Netflix.
Nauna iyong Tamang Panahon, na nag-streaming noong Pebrero 7, 2025. Kinabukasan, nasa second place ito sa talaan ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines. At mula Pebrero 9, 2025, Linggo, hanggang Pebrero 17, Lunes, nag-number 1 ito.

PAST IS PAST: TOP SHOW ON NETWLIX PHILIPPINES
Itong Past Is Past ay nag-debut as topnotcher noong Marso 20, Biyernes, kaya nagpasalamat agad si Alex sa Facebook post (published as is):
“Salamat po sa suporta! Akala ko this time, mahirap na maulit ang maging Number 1 dahil may One Piece at may BTS.
"Pero alam ko kapag gumawa ka ng maayos na produkto at sa tulong ng Panginoon, lahat posible.
“Maraming maraming salamat sa mga sumusuporta at naniniwala! Pangako na gagawa pa ako ng maraming mga jokes na sana patuloy na patawanin kayo. Hindi ko na kayo iisa-isahin, salamat sa inyo.
“5PM po dito sa San Diego, California. Umiiyak ako sa kwarto. Sa sobrang saya!
“Thank you Lord for the blessings! [three praying hands emojis]
“P.S. Mas mabilis siya nag Number 1 kesa sa Tamang Panahon. FYI lang kaya ang saya!!! Tapos winning streak pa LAKERS!!!”

PAST IS PAST PREMIERES AFTER ONE PIECE AND BEFORE BTS THE COMEBACK LIVE
After a while, nag-post uli si Alex nito pa ring Biyernes sa Facebook at X.
Ang naungusang show ni Alex ay ang One Piece series na nagsimulang mag-stream nung Marso 10.
Aniya (published as is): “OK, nahimasmasan na ako. Na-overwhelm ako sa suporta talaga ng mga tao.
"Parang school project itong Past Is Past na lahat eh nagtulong-tulong para maging Number 1 sa Netflix. Lalo na ang mga taong ang agang nanuod sa iba't ibang parte ng mundo.
“Salamat talaga! Pero kinabahan talaga ako this time. Kasi nag-Number 1 ang Tamang Panahon last year kaya ang expectation maging Number 1 din ngayong taon ang Past Is Past.
"Ang plot twist, nagitnaan ako ng One Piece at BTS kaya alam kong mahirap.
"Pero nag-Number 1 ang Past Is Past agad after 1 day lang! Kaya overwhelming talaga!
“Nag-Number 1 na ako ng one day, baka bukas bumalik na ang One Piece. Masaya na ako dun.
"Sa March 27 ang BTS kaya alam ko sobrang lakas nun. Realistic lang ako, happy na ako sa resulta.
“Ang impact nito sa akin, nainspire ako lalo gumawa ng mga bagong jokes kasama ang The Comedy Crew. Yan ang paghahandaan ko sa susunod na birthday show ko at kung pagbibigyan ulit, isa pang Netflix special.
“Linabas ang Past Is Past last March 19. Birthday siya ng Daddy ko na nasa langit na.
“Salamat sa pa-birthday mo sa Daddy! Dalawa na ang rinegalo mo sa akin mula ng namatay ka. Para sayo naman to [praying hands emoji]
“Maraming salamat ulit sa suporta niyo.
“Maraming salamat Lord o [praying hands emoji].”
Eight consecutive days—mula Marso 12, Huwebes, hanggang Marso 19, Huwebes—na number one ang One Piece.
Ngayong 2026, itong Past Is Past ang unang gawang-Pinoy na nag-number 1 sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH.
Nakakalumbay na iyong Roja (80 episodes) ay ligwak sa Top 10 TV Shows mula Enero 22, at hindi na nakabalik hanggang mag-streaming ang finale episode noong Marso 10.
Naumay ba ang Netflix subscribers sa teleserye nina Donny Pangilinan, Kyle Echarri, at Maymay Entrata?
Pero iyong What Lies Beneath (110 episodes), na nag-streaming ang finale noong Marso 17, ay bumalik pa sa Top 10 TV Shows list noong Marso 2-6, 17, at 19.
Read: Matthew Lhuillier unarchives posts with Jolie Jurkovich amid split rumors with Chie Filomeno
NOEL FERRER
Patuloy na ginagawa ni Alex Calleja ang bagay kung saan siya pinakamahusay: ang pagbibigay-diin sa mga nakakatawa at kung minsan ay nakakailang na katotohanan ng buhay.
Ito ang tatak ng kanyang brutal na tapat at mapagmasid na katatawanan.
Masaya tayo na mas mabilis na nag-Number 1 sa Netflix Philippines ang bago niyang comedy special na Past is Past.
Ang kanyang unang Netflix special, ang Tamang Panahon, ay isang malaking tagumpay. Ito ang unang Filipino stand-up special na nanguna sa Netflix PH.
Sa bago niyang palabas, patuloy niyang pinatutunayan na ang pagpapatawa ang pinakamahusay na paraan para malampasan ang mga tagumpay at kabiguan sa buhay natin lalo na ngayong panahon ng krisis.
Kasalukuyang nasa U.S. Tour pa ngayon si Alex, pero heto tayo, nakiki- CONGRATULATIONS, ALEX!!! More, more, more pa!!!
GORGY RULA
ALEX CALLEJA'S SPECIAL GUEST
May special participation sa Past Is Past si Chito Francisco. Ang eksena nila ay sa carwash.
Read: Chito Francisco, may patutsada sa "carwash joke" ni Alex Calleja
Ang published-as-is Facebook post ni Alex bago ipalabas ang Past is Past: “CARWASH Joke. Last year, paglabas ng Netflix special ko na TAMANG PANAHON, nagkaroon ng issue.
“May nagbintang sa akin na ninakaw ko raw ang joke niya tungkol sa carwash. Pero dahil may screenshots ako na nagpatunay na matagal ko na ginagawa ang joke na yun, sinagot ko ang bintang at nag-consult ako sa lawyer ko kung puwede magkaso ng cyber libel.
“Pero dahil nadaan naman sa usapan, nagkaayos din kami ni Chito Francisco.
“At eto pa, bukod sa nagkaayos kami, sinama ko rin siya sa bago kong comedy special na lalabas sa Netflix sa March 19. Yes, may special participation si Chito Francisco para patunayan na magkaibigan na kami ngayon.
“Kaya nga ang title eh ‘Past Is Past.’”
Samantala, ngayong Marso 21, Sabado, ay number 1 pa rin ang Past is Past sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines, at nanatili naman sa number 2 ang One Piece.
Top 10 TV Shows on Netflix Philippines: Marso 21, 2026
- Past Is Past
- One Piece
- Phantom Lawyer
- Steel Ball Run: JoJo’s Bizaare Adventure
- Girl from Nowhere: The Reset
- Boyfriend on Demand
- Jujutsu Kaisen
- Pursuit of Jade
- The Dinosaurs
- The Art of Sarah
Top 10 Movies on Netflix Philippines: Marso 21, 2026
- War Machine
- Peaky Blinders: The Immortal Man
- Kung Fu Panda 4
- Made in Korea
- Outside the Wire
- 27 Dresses
- Meet, Greet & Bye
- Kuncen
- The Invisible Man
- Heatwave
