PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dante Balboa, naghimutok sa Facebook dahil sa Graduation Day film

"May mga ilang ka-industriya na sa halip makatulong e mga nanghihila pa pababa."
by PEP Troika
Published Mar 21, 2026
Graduation Day director Dante Balboa
Director Balboa on his movie Graduation Day: “Nakakalungkot kasi 5,000 ang FB Friends ko pero wala pa siguro sa 100 ang nanuod."
PHOTO/S: Elmer Anico on Facebook

JERRY OLEA

Naghimutok ang writer-director ng pelikulang Graduation Day na si Dante Balboa, a.k.a. Elmer Anisco sa Facebook, ngayong Marso 21, 2026, Sabado.

Ang post ni Direk Dante (published as is): “Nakakalungkot kasi 5,000 ang FB Friends ko pero wala pa siguro sa 100 ang nanuod ng GRADUATION DAY. Kahit anung pakiusap ko. Siguro busy talaga sila.

“Pero isang beses lang naman ito mangyayari sa buhay ko, di pa nila ako napagbigyan.

"Inisip ko n lang ganun talaga ang buhay eh. Sadyang mahiwaga. Di ko naman pwedeng Pilitin kahit sabihin ko pang maganda ang Film. Kasi baka nainis pa sa akin at ipakulam ako.

"O Kaya baka makareceive pa ako ng message na ‘Eh anu ba pakialam ko sa yo?’. Kaya ayun ipinagpasa-Diyos ko n lang, dahil that's life.

“Don't expect anything or something kahit sa mga inaakala mong mga ‘kaibigan’ mo.

“Wala gaanong nanuod nung opening day Wednesday. Kasi nilagay sa 2pm ang screening time. Kabubukas lang ng mga malls pag ganung oras Kaya wala pang nanunuod plus aminado naman ako base sa mga iini-interview kong mga tao, na walang nakakaalam ng GRADUATION DAY. ni isang beses, hindi nila ito nakita o lumitaw man lang sa mga cellphone screens nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakakalungkot din kasi Yung mga nakapanuod nung Premiere Night eh baka di naman nila ini-spread yung news na maganda yung Film. kung merun man baka iilan lang.

"Di mo rin naman sila pwedeng obligahin ipakalat na maganda yung Film. Baka mainis lang sila sa iyo.

"Or Baka sa akin lang nila sinabi na maganda ito o nagandahan sila nung after the show.

“Tapos may mga kapwa ka-industriya ka na hindi na nga supportive, hindi pa maganda ang isusulat tungkol sa Pelikula. Walang nagrereview, yung mga reviews na magaganda nanggagaling pa sa mga nakapanuod na mga simpleng tao at hindi ka-industry.

“May mga ilang ka-industriya na sa halip makatulong e mga nanghihila pa pababa. At marahil dun sila masaya…”

Read: Mga alaalang iniwan ni Chuck Norris kay Monsour del Rosario

GRADUATION DAY: SYNOPSIS AND CAST

Bida sa philosophical film na Graduation Day sina Jeric Gonzales at Elizabeth Oropesa bilang maglolang Simon at Nelia na dumaan sa napakaraming pagsubok sa buhay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa istorya, magkakapatid sina Paolo (Rico Barrera), Simon, at PWD na si Teresa (Angellie Sanoy).

Jeric Gonzales and his lola in the film Graduation Day, Elizabeth Oropesa
Jeric Gonzales and his lola in the film Graduation Day, Elizabeth Oropesa
Photo/s: Jerry Olea

Namatay ang parents nila na sina Ruby (Pantene Palanca) at Gandong (Simon Ibarra).

Si Paolo na sana ang padre de pamilya, ngunit natigok din siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya naiatang kay Simon ang pagtataguyod sa kapatid at lola. Siya ang pag-asa ng pamilya upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

Masipag at masigasig si Simon, at ga-graduate sanang magna cum laude.

Spoiler alert: Bisperas ng graduation day, na birthday ni Lola Nelia, natigok din si Simon.

Nasa cast din ng Graduation Day sina Aidan Veneracion, Isha Irish Jacob, Daniela Carolino, Krisha Francisco, Mygz Molino, Yvan Sunga, Rodel Fernando, at Rosswil Hilario.

Prinodyus ito ni Engr. Benjie Austria ng Bentria Productions, na nagprodyus din ng mga pelikulang Broken Blooms, Fatherland, Walong Libong Piso, at Huwag Mo ‘Kong Iwan.

Kasabay ng Graduation Day na nag-showing sa mga sinehan noong Marso 18, Miyerkules, ang Songs for Selina nina Rachel Alejandro, Mica Javier, Rachel Coates, at JayR, sa direksiyon ni Dean Rosen.

Nag-open din noong Wednesday ang anim pang foreign movies: Giant, Project Hail Mary, Mudborn, The Mortuary Assistant, Urban Evil Extreme, at Guntama on Theater 2D: Shinsen-Gumi Doukan Arc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagmamatwid pa ni Direk Dante, “Hindi ako nalulungkot kahit ako pa ang Writer-Director nito. Bagkus nalulungkot ako para sa Producer na napakalaki na ng nagagastos nya sa pagproproduce ng mga pelikula na wala namang bumabalik sa kanya.

“At ‘tunay na pagmamalasakit’ ang tawag dun.

“Bilang pangwakas, sayang at nakakalungkot dahil binibigyan tayo ng makabuluhang pelikula pero di naman natin tinatangkilik. Salamat po.”

Read: Mga alaalang iniwan ni Chuck Norris kay Monsour del Rosario

GORGY RULA

Gusto ko talagang suportahan ang philosophical film na ito dahil si Jeric Gonzales ang bida.

Kagaya ng pelikula ni Jeric na Broken Blooms (2022), nagpasobra pa ako ng biniling tickets para kahit paano makadagdag man lang sa kita.

Pero nagtanung-tanong ako sa ilang nakapanood sa premiere night ng Graduation Day, nakatulog daw sila.

Kung matutulog lang naman ako sa isang pelikula, hindi na lang ako lalabas ng bahay para mas mahimbing ang tulog ko.

Ang komento rin ng iba, napakabigat ng tema, at hindi nababagay sa panahon ngayon na humaharap tayo sa matinding krisis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga pelikulang madrama at mapapaiyak ka. Pero nandiyan ang feeling na masarap umiyak. “Good cry” daw ang tawag dun.

Sana tanggapin ni Direk Dante Balboa na hindi lahat ay magkakapareho ng panlasa.

Baka sa ibang content ay puwede ang istilo niya.

Marami sa mga premyadong writer at direktor ang hindi rin umaakma sa panlasa ng mas nakakarami.

Pero pinanindigan nila ang kanilang obra, at darating ang araw, tatanggapin ito ng lahat.

Tuloy lang ang laban, Direk Dante! Mabi-bingo mo rin iyan!

Read: Investigation results about sex video scandal, nakakagulat!

NOEL FERRER

Napakahirap mag-produce ng pelikula ngayon. Lalo pa’t may fuel crisis.

Paano kaya maeenganyo ang mga taong lumabas sa bahay nila para panoorin ang inyong natapos na pelikula? Gandahan talaga!

Make it resonate with more people and dapat compelling enough para ma-FOMO ang mga hindi pa nakakapanood.

Pero kung parang isini-secret ang pagpapalabas ng mga pelikula at limited run talaga, paano nga ito kikita?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lang kasi art ang pelikula, business din iyan. Sinusuri muna kung ano ang tsansa ng mga ito na maghikayat at pumukaw hindi lang ng atensiyon ng mga tao kundi ang aksiyon para pagkagastusan ang panoorin mo.

Mahirap talaga ang panahon ngayon, hindi na dapat itanggi o ipagkaila yun. Kailangan tayong magtulungan para makagawa ng pelikulang kikita at tatangkilikin ng mga kababayan natin—na de kalidad pa rin!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Balboa on his movie Graduation Day: “Nakakalungkot kasi 5,000 ang FB Friends ko pero wala pa siguro sa 100 ang nanuod."
PHOTO/S: Elmer Anico on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results