JERRY OLEA
Nag-frontal nudity si Johnrey Rivas sa torture scene sa pelikulang Katips (2021), for which he won as best supporting actor sa 70th FAMAS Awards at 38th PMPC Star Awards for Movies.

JOHNREY RIVAS ON SOLO SEXUAL SCENE
Sa pelikulang Ang Bangkay, na sinulat, dinirek, prinodyus, at pinagbidahan ni Vince Tañada, merong masturbation scene si Lemuel Alonzo, ang karakter ni Johnrey. Nakalantad talaga ang kanyang private part.

Nang mag-special screening ang nasabing period film ay edited out ang eksenang naka-expose ang manhood ni Johnrey habang nagsasariling-sikap.
Katwiran ni Direk Vince, tinanggal niya iyong pagpo-frontal ni Johnrey dahil nag-frontal na rin siya sa movie, maging si Juan Paulo Calma. Overload na raw.
Pero sa version ng Ang Bangkay, na matutunghayan sa 8th edition ng Sinag Maynila (Sine Lokal, Pang-International) Film Festival, ibinalik ang frontal nudity ni Johnrey.
“Sanay naman kami sa teatro,” napangiting sambit ni Johnrey sa mediacon ng 8th Sinag Maynila noong Marso 10, 2026, Martes, sa Platinum Cinema ng Gateway Mall, Cubao, Quezon City.
“Kasi sa teatro, may experimental plays kami tuwing summer namin sa PhilStagers Foundation (PSF) Blackbox Theater plays namin.
“Iyong mga hindi namin nagagawa sa season play namin na siyempre mga makabayan, mga ganyan. So hindi iyon puwede sa Blackbox.
“Maayos kami. May workshop para diyan. Sinasanay kami para maging mas maayos kami sa pelikula man o sa teatro.
“Kaya dito sa Ang Bangkay, ahhmm, parang normal na lang po sa amin. Basta’t maghuhubad, gagawin namin ang mga ganoong bagay—basta’t maganda ang script, naaayon, at kailangan.”
Ano ang pakiramdam na pinutol tapos ibinalik ang exposure niya sa Ang Bangkay?
Natatawang tugon ni Johnrey, “Nung pinutol, kasi nandun yung nanay ko. Nanood. Kaya ako, siyempre, thank God, nawala siya! Hahahaha.
“Pero ngayon, honestly, wala po akong alam sa version ngayon. Kasi po, sila ang nag-uusap. Sabi ko nga po, busy ako sa pagpapaikot din ng PSF na nagtu-tour.
“Ngayon, hindi ko pa po siya nakikita kung papaano nila inayos. Sabi nila, this is Version 3 of Ang Bangkay. Pangatlong version na raw po ito.”
Concerned pa ba siya sa kung paano inilatag ang latest version ng nasabing psychological drama film?
“Wala po akong ganun. Sina Direk Vince po ang mas nakakaalam kung ano ang cut para dito sa Sinag Maynila festival na naayon sa anumang aspeto,” pagmamatwid ni Johnrey.
“Kung ano na lang po ang ipapalabas, yun po ang surprise sa akin as an actor.
“Para sa audience, nakita na naman nila nung Katips, di nga lang erected. Hahaha."

Maliban kina Johnrey, Juan Paulo, at Direk Vince, tampok Ang Bangkay sina Vean Olmedo, Lili Montelibano, Mercedes Cabral, Sarah Javier, JP Lopez, at OJ Arci.
Kinunan ito sa Gapan, Nueva Ecija.
Sa tulong ng mga kaibigan at sponsor, napagkasya ni Direk Vince ang production budget na PHP800,000 ng pelikula.
Ang gala premiere ng Ang Bangkay ay sa Marso 25, Miyerkules, at 8:00 P.M. sa Cinema 18 ng Gateway Mall II, Cubao, Quezon City.
NOEL FERRER
JOHNREY RIVAS, OPEN DOING FRONTAL NUDITY IN NEXT PROJECTS?
Sinulat ni Johnrey Rivas ang dulang 3 Men On An Island, na itinanghal noong Mayo at Hunyo 2025 sa PSF Blackbox Theater sa Brgy. Balic-balic, Sampaloc, Manila.
Nag-frontal doon sina Victor Relosa at Fidel Redado, at babad ang butt exposure ni Ken Intano.
Gagawan ito ng film version, na ang scriptwriter at director ay si Vince Tañada.
Isa si Johnrey sa tatlong bida ng film version nito. Malamang na may frontal nudity muli siya sa pelikulang ito.
“Depende pa, wala pa kasing filming, e!” bulalas ni Johnrey.
“Pero kung ano man ang ipapakita, as an actor, gagawin po natin iyan.”
O, sana makilala na nang lubos si Johnrey pagkatapos nito. Siya yung tipong gagawin ang lahat sa ngalan ng sining.
GORGY RULA
ANG BANGKAY IN SINAG MAYNILA 2026
First time ni Johnrey Rivas na mapasali sa Sinag Maynila, na co-founded nina Sir Wilson Tieng ng Solar Studios Inc. at Direk Brillante Mendoza, na siyang festival director.
“Overwhelmed pa rin ako,” sambit ni Johnrey.
“Kasi, akala namin, wala na, magiging bangkay na at ililibing iyong Ang Bangkay.
“So ngayon na nandito siya, nabuhay siya! Kaya grateful and thankful kami sa opportunity.”

Nag-e-expect ba siyang maging best supporting actor sa 8th Sinag Maynila?
Mabilis na tugon ni Johnrey: “Wala naman po kaming ganun pa. Ang mahalaga po sa amin, nung narinig namin yung call na pasok ang Ang Bangkay. Very grateful po kami.
“Kasi sa teatro, nagtatagumpay kami, e. Pero sa pelikula, may tulog kami sa ngayon.
“Pero ngayon na nandito po ito, I guess this is a testament sa amin na ginigising kami ulit sa larangang ito. Welcome pa pala kami sa pelikula.
“Kaya gagawa pa po kami ng marami pang mga pelikula.”
Maliban sa Ang Bangkay, ang lima pang full-length films na nagko-compete sa Sinag Maynila 2026 ay Desperada ni Louie Ignacio, Lanaya ni Clyde Capistrano, Pinikas ni Cris Fuego, Sweet Escape ni Rommel S. Ricafort, at All About Her ni Joel Lamangan.
Tampok din sa film fest ang documentary at short films.
Ipapalabas ang mga ito mula Marso 23, Lunes hanggang Marso 29, Palm Sunday, sa Gateway Cinemas (Cubao, QC), Eastwood Cinemas (Libis, QC), Uptown Cinemas (BGC, Taguig City), Venice Cineplex (McKinley Hill, Taguig City), at Lucky Chinatown Cinemas (Binondo, Manila).
Read:
Nico Locco: Circulating photo of girl in video is AI-generated
