GORGY RULA
Nang humarap si Eman Bacosa Pacquiao sa entertainment media noong Huwebes, March 19, 2026, para sa endorsement niyang I Am Worldwide, pinagbilinan kaming huwag nang magtanong tungkol kay Jillian Ward.
Hindi pa rin naiwasan, si Jillian pa rin ang itinanong sa boksingero, at paulit-ulit lang ang sagot niyang magkaibigan lang daw talaga sila ng Kapuso leading lady.
Kapag hindi na niya alam kung ano ang dapat isagot, “Secret” ang tugon niya.
Nag-guest si Eman sa Never Say Die series ng dalaga at siya nga raw si Big Guy.
EMAN BACOSA PACQUIAO PRIORITIZES TRAINING OVER TAPING
Hanggang guesting lang pala ang puwede niyang gawin dahil boxing ang kanyang priority.
"Yun talaga yung dream niya, at sinu-support namin siya. Ayaw namin tanggalin siya dun sa kanyang dream na yun,” pakli ni Atty. Annette Gozon Valdes nang tinanong namin ito sa kanya sa birthday party ni Bernard Cloma noong araw ring yun.
May gagawin kasi ang GMA-7 na drama series, ang Kamao, na pagbibidahan ni Anton Vinzon.
Marami ang nagsabing mas bagay kung si Eman ang kinuhang bida sa proyektong yun.
“Kasi may fight pa siya sa May. Kailangan niyang mag-training araw-araw. So, wala talaga siyang time mag-taping. Guesting lang,” pakli ni Ma’am Annette.
Tinanong din namin ito kay Eman, pero wala raw siyang alam sa proyektong ito.
“Hindi ko alam, e. Kasi desisyon nila yun. Respect na lang natin,” sagot ni Eman. Pero open daw siyang mag-guest doon kung sakali.
“Yes! Abangan niyo na lang po,” napangiti niyang sambit.
Read: Andres, all-out sa Bagets; si Atasha ba ang Annie Batungbakal?

JERRY OLEA
EMAN BACOSA PACQUIAO not ready for love life
Nilinaw ng taga-Sparkle na hindi raw kasali si Eman Bacosa Pacquiao sa action-drama series nina Miguel Tanfelix at Kylie Padilla na Firewall.
Hindi raw puwede kay Eman ang regular taping dahil focused siya sa tuluy-tuloy niyang training.
Pati ba ang magka-love life ay ipinagbabawal sa kanya?
Hindi naman daw. Pero choice daw niyang huwag munang mag-love life.
“Naka-focus lang kasi ako sa pangarap ko saka sa pamilya ko. Kung meron man, siyempre, kilalanin ko muna at ipag-pray ko pa sa Panginoon,” saad ni Eman.
Posible kayang kay Jillian Ward siya ma-in love?
“Kami ni Jillian naman, we are good friends, we are close friends. Nag-usap kami minsan,” safe na sagot ni Eman.
Pagdating sa kanyang showbiz career ay bahala na raw ang Sparkle.
Lagi lang daw sila nagdarasal ng kanyang ina na gabayan lang siya lagi sa lahat ng ginagawa niya, lalo na itong pagpasok niya sa showbiz.
"More ako sa guidance ng Panginoon. Focus lang muna sa kung ano ang plano ng Panginoon. Kasi tao lang tayo.
"Sana gabayan ako lagi ng Panginoon, na hindi kami maligaw ng landas sa Kanya, kahit tinatahak ko ang showbiz, ang pagiging artista or endorser.
"Sana, malapit pa rin kami sa Kanya," lahad ni Eman.
Read: Posts ni Tuesday Vargas, realidad ng struggles ng ilang artista
NOEL FERRER
EMAN BACOSA PACQUIAO's convo with DAD manny
Pagkatapos ng laban ay hindi pa raw nagkita si Eman Bacosa Pacquiao at ang ama niyang si Manny Pacquiao.
Pero nagkausap daw sila sa telepono at nagkumustahan.
“Actually, full support talaga siya, e,” paglilinaw ni Eman.
“Hindi naman sa ano, pero may time talaga na busy siya. So, iniintindi ko rin, siyempre.
“Siyempre, my Dad is also an idol for some people. Pero full support talaga siya sa akin, pati sa boxing. Hindi siya nagkulang sa akin.
“Lagi niya akong pinapaalala na mag-pray, always be humble.”
Ngayong kumikita na si Eman sa mga endorsements niya, saan niya inilalaan ang mga kita niya?
Sabi ni Eman, silang dalawa raw ng kanyang ina ang humahawak ng pera niya.
“Siyempre, bumili ng mga lupa, bahay,” matipid niyang sagot nang tinanong kung saan niya ginamit ang kinita niya.
Hindi lang niya sinabi kung saan siya nakabili ng lupa na patatayuan niya ng bahay.
Pero lahat daw ng pangarap at pagsisikap niya ay para sa pamilya.
“Bigyan sila ng magandang buhay, at siyempre, if ever na ano… mabili ko sa kanila yung mga pangarap nilang bilhin. Mga lugar na gusto nilang puntahan,” sabi pa ni Eman.
Ano ang gusto niyang ipayo sa mga kabataang kagaya niya?
“Lagi lang kayo mag-pray. Huwag kayong susuko sa pangarap niyo, kasi napakaimportante yun.
“Kung gusto niyong malaman kung ano ang kaya niyong gawin at kung ano ang nagagawa nang hindi pagsuko, siyempre.
“Kagaya ako, hindi naman ako ang pinakamagaling. I just let God guide me.
“Bigyan Niya ako ng lakas at assurance sa loob ko na He’s always there to guide me,” sabi ni Eman.
