GORGY RULA
Naging emotional ang cast ng Bagets The Musical na nagtapos na ngaying Linggo, March 22, 2026, sa Newport Performing Arts Theater, Newport World Resorts, Pasay City.
Sa loob ng tatlong buwan ay nabuo ang magandang relasyon ng buong cast, lalo na ang mga bidang sina Andres Muhlach, KD Estrada, Jeff Moses, Milo Cruz, Ethan David, Tomas Rodriguez, Miko Chua, Migo Valid, Sam Shoaf, at Noel Comia Jr.
Kaya nagkaroon sila ng separation anxiety nitong huling araw ng kanilang performance.
Read: AC Bonifacio reveals breakup with Harvey Bautista
ANDRES MUHLACH GINULAT ANG AMA NA SI AGA MUHLACH
Si Andres ang isa sa nag-perform sa matinee na pinanood namin.
Iba raw talaga ang feeling, sabi ng binata ni Aga Muhlach.
“Grabe! Hindi ko masabi talaga,” bulalas ni Andres nang nakausap namin pagkatapos ng kanilang performance.
“Kanina kasi, parang I’m still processing everything right now. Kanina kasi, umiiyak na kami. As a whole, the cast already cried.
“Kahit sa mga eksena namin, umiiyak na kami…
“It has been a great experience. Something that I would never trade anything for, and I just really hope that I do it again someday,” sabi pa ni Andres.
Bale pangatlong beses ko na ito napanood at kapansin-pansin ang malaking improvement ni Andres.
Hanggang sa huling performance nila ay nagre-rehearse pa rin daw siya, lalo na sa pagsasayaw.
Pero nakakatuwa, at ang laki ng ipinagbago niya, hindi lang sa pagsasayaw kundi pati sa pagkanta at pag-arte.
“Ginugulat pa rin niya ako!” bulalas ni Aga Muhlach na nanood din doon kasama si Charlene Gonzalez at ang anak nilang si Atasha.

Nagpasalamat si Andres sa magandang komentong natatanggap niya.
“I don’t wanna say naman na nag-i-improve ako. But I really appreciate pag may isang tao na nagsasabing, ‘O, nag-improve ka.’
“I really appreciate yung mga comments na ganun,” sabi ni Andres.
Read: Harana ni Lance Carr, nag-viral
JERRY OLEA
Sulit daw ang lahat na hirap ni Andres Muhlach.
Halos araw-araw ba naman ang rehearsals nila noong nagsisimula pa lamang sila. Nag-rehearse sila umpisa ng alas-dos ng hapon hanggang alas-diyes ng gabi.
Pero sabi ni Andres, tinutuluy-tuloy pa rin daw niya ang pag-practice sa bahay na minsan ay inaabot pa raw siya ng alas-kuwatro ng umaga.
“Saka, also coming from the South din, ha? So, I have to travel like almost almost hours just to go to rehearse. It was tiring. But it was really worth the experience talaga,” sabi ni Andres.
Hinding-hindi raw niya makakalimutan ang experience na ito dahil sa mga natutunan niya.
“Biggest lesson… to continue to keep pushing lang talaga and fighting really, working hard, and trying to strive for your craft talaga.
“Yun talaga was the biggest lesson. It was really… you get to see kasi how much more you really want it, di ba, the craft.
“And how well you want to prove it. Na-discipline talaga,” pahayag pa ni Andres.
NOEL FERRER
Congratulations sa lahat ng mga nasa likod ng Bagets The Musical.
Masaya si Boss Vic del Rosario na nanood din nung hapong yun kasama si Joanne Quintas at ang mga anak niyang sina Vincent at Veronique del Rosario-Corpus.
“Magre-repeat pa ito, e. Very successful ang project namin ng PhilStar, Viva at Newport,” bulalas ni Boss Vic na tiniyak niyang magkakaroon ng rerun ang palabas.
Yun ang hinihiling ng buong cast dahil tiyak na mami-miss daw nila ang isa’t isa pagkatapos nitong show.
WHO WILL BE Annie Batungbakal?
Sinabi na rin ni Boss Vic na i-a-announce na rin at magpapakita ng teaser ng susunod nilang production.
“Sa September 26, Bongga Ka Day! The Annie Batungbakal Musical Show,” pakli ni Boss Vic.
Pagkatapos ng curtain call ay nagsalita ang director na si Maribel Legarda at ang taga-Newport.
In-announce nila ang susunod na aabangan. Nagkaroon ng teaser, pero nakatalikod lang ang gaganap na si Annie Batungbakal. Si Atasha Muhlach ba ito?
“Hindi ako sure,” napangiting sagot ni Boss Vic.
Nakangiti lang si Atasha nang itinanong kung siya ba si Annie Batungbakal.
