PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rei Anicoche-Tan, may palibreng gas sa tricycle drivers at riders

James Deakin, may open letter sa LTFRB at MMDA
by PEP Troika
Published Mar 28, 2026
rei anicoche tan james deakin sofia allen
Businesswoman Rei Anicoche-Tan, loveteam partners Allen Ansay and Sofia Pablo, and motovlogger James Deakin share how they are helping others and coping with the ongoing fuel crisis affecting many countries.
PHOTO/S: Facebook / Gorgy Rula

GORGY RULA

Hindi raw napigilang maluha ng CEO ng Beautederm na si Rei Anicoche-Tan nang nakita niya ngayong Marso 28, 2026, Sabado ng umaga, na mahaba ang pila ng delivery riders at tricycle drivers sa tapat ng building niya sa Angeles City, Pampanga.

Kamakailan lang ay in-announce ni Ms. Rei sa kanyang social media account na magbebenta siya ng ilan sa mga gamit niya.

Ang malilikom sa mga naibentang gamit ay gagamitin daw niya sa gasolinang ibibigay niya sa tricycle drivers at riders.

Si Ms. Rei ay presidente ng Rotary Club of Balibago.

Read: Willie Revillame, maghahatid ng libreng sakay ngayong may krisis

BYAHE KALINGA

Meron daw siyang programang Byahe Kalinga kung saan maglalaan sila ng libreng full tank na gasolina para sa 100 delivery riders at tricycle drivers.

Kahit paano ay malaking tulong daw ito sa lahat na nahihirapan sa pagtaas ng gasolina.

Hindi raw ito para sa mga taga-Pampanga lang, kundi bukas sa lahat na mapapadaan sa kanila at nakapag-register.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Sabado ng umaga ay binuksan nila ang registration para sa 100 drivers at riders na bibigyan nila ng full tank na gasolina.

Pero ang report na natanggap ni Ms. Rei ay alas-onse pa lang daw ng gabi nung Biyernes ay may mga nakapila na at doon na sila sa tapat ng building ng Beautederm natulog.

Naiiyak na rin nga raw ang mga staff niya sa dami ng pumila para makapagrehistro at makapasok sa first 100 na mabibigyan ng full tank.

Sabi ni Ms. Rei nang naka-chat ko siya sa Messenger: “Bale 100 lang po dapat ang free gas, pero di ko po natiis din.

“Yung 100, full tank. Yung from 101-200, magbibigay na lang ako ng tig-500-peso voucher.

“Mamaya po, 4:00 P.M. nasa gas station na po kami. May surprise pa ako sa kanila na pa-bigas.”

Nagpasalamat din si Ms. Rei sa mga bumili ng ibinenta niyang gamit para pambayad sa gasolinang ipamimigay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng post nito sa kanyang Facebook account: “Thank you so much sa lahat na bumili ng gamit ko… dahil sa inyo, eto na, makakapagpa-FREE GAS na si Mommy Ninang.

“Hindi ko ini-expect… ganito kahaba yung pila. Nakakadurog ng puso, andami ding senior.

“May mga madaling araw pa lang nandyan na, Pagod, puyat… pero nakatayo pa rin, umaasa. Umaasa na baka sakaling may makuhang free gas.

“Habang tinitingnan ko videos… hindi ko napigilan maluha.”

Dagdag na kuwento ni Miss Rei, kahit daw mga staff niya na nag-aasikaso sa mga nagprehistrong tricycle drivers at riders ay naluluha rin.

“Nakakaawa po sila. Nakakalungkot ang Pilipinas,” sabi pa niya sa PEP Troika.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: VIRAL: Gasoline boy explaining oil crisis is a cum laude graduate

JERRY OLEA

Lahat naman ay ramdam ang hirap ng buhay dahil sa pagtaas ng gasolina.

Hindi naiwasang pag-usapan ito sa ilang cast ng pelikulang Huwag Kang Titingin na nagkaroon ng media conference noong Huwebes, March 26.

SOFIA PABLO AND ALLEN ANSAY

Ang magka-loveteam na Sofia Pablo at Allen Ansay ay ramdam na rin daw ang sobrang taas ng gasolina, kaya nagtitipid na sila.

Kaya kung puwede lang daw magkasama sila sa isang kotse na pumasok sa trabaho, yun na raw ang ginagawa nila.

“Nagsasabay po. Lalo na po pag same naman po yung work, nagsasabay na lang po kami,” sabi ni Sofia.

Nagsi-share daw sila sa gas kapag nasa isang kotse sila.

“Hindi na po kami lumalabas na gumamit ng kotse po, hindi na po talaga,” sabi naman ni Allen.

“Dati lagi nyo ako nakikita sa mall bago mag-PBB, ngayon hindi na po lumalabas. Sa bahay na lang po,” dagdag ni Sofia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
allen ansay sofia pablo huwag kang titingin
Allen Ansay and Sofia Pablo
Photo/s: Gorgy Rula

Naiisip daw nila ang hirap ng buhay kaya mas marami pang dapat i-prioritize ang mga tao kesa manood ng sine.

Kaya paano nila hihikayatin ang mga taong magbayad sa sinehan para panoorin ang pelikula nila?

Ani Sofia: “Alam ko naman hindi biro yung mga nagsisitaasan na presyo na ngayon, so we’re not really gonna force everyone na kailangan niyo panoorin ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It’s more of kung sino ang may extra, yung may time. Kung sino po talaga ang may gusto ng pelikula na Huwag Kang Titingin. Sana manood po kayo.

“Pero siyempre, kung kailangan nio yung pera, maintindihan naman namin.

"Kumbaga, there are many ways to support us. Kung hindi kayo makapanood, i-share niyo.”

JAMES DEAKIN'S OPEN LETTER TO LTFRB AND MMDA

Ngayon ding Marso 28, Sabado ng hapon, ay may open letter si James Deakin sa Facebook para sa LTFRB at MMDA.

Aniya: “We heard the good news. You’re drafting guidelines for company-based shuttle services using private vehicles, and we think that’s great.

“Salamat po. We appreciate that. We really do. This is exactly the moment to think outside the regulatory box and explore proven solutions that cost nothing except a little bayanihan. Which is why we’re asking you not to stop at just companies.

“You see, as beneficial as this is, not all of us work for large enough companies to organize a shuttle. Not all of us have an HR department to file the paperwork. Some of us just have neighbors. All heading to the same business district at the same time every morning, in separate cars, on the same road, stuck in the same traffic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“That’s what we want to fix. We’re not asking for a new rule. We’re not asking for a subsidy. We’re not asking for anything that costs the government a single peso. We’re asking for a framework that protects community-based carpooling.

“We understand your mandate and your concerns about safety. But there are ways to honor both while solving a problem that already has a solution; one that just needs your endorsement.

“We respectfully ask you to endorse community carpooling organized through a subdivision HOA or an employer. One registration, one time, in person, with someone who already knows where you live or where you work. Rides can be geolocated to your neighborhood. Free to join. Free to use. Nothing changes hands.

“Limiting participation to verified residents through the HOA is a level of accountability that already exceeds every ride-hailing app on the market. We’re not trying to sneak around the rules. We’re asking you to formalize what you’ve already acknowledged.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“On March 30, when MMDA, LTFRB, DOTr, LTO, and HPG sit down to finalize these guidelines, we are asking for one thing. Don’t only write rules for companies. Include a framework that protects the grassroots version too. The neighbor-to-neighbor version. The one that doesn’t need a lawyer or a permit officer to get started.

“The company shuttle and the neighborhood carpool solve different problems. Both are legal. Both are needed. Both can run alongside every existing commercial transport option without threatening any of them. “We’re not waiting for a solution to be handed to us. We’re already building it. We just need you to make sure nobody shuts it down.

“Respectfully, “Every Filipino who is looking for relief from this oil crisis.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Anthony Pangilinan, son Donny cut diesel prices at family station

NOEL FERRER

Salamat kay Ma’am Rei Tan sa effort na ito.

Ganoon talaga tayong mga Pinoy, lalo na kung may mga pagsubok, laging nagdadamayan at nagtutulungan.

Nauso muli ang community pantry na ang patakaran, “Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha ayon sa pangangailangan.”

Pero isipin niyo na lang, kung mapapanagot natin ang mga tiwaling lider natin na nangulimbat ng higit na trilyong piso mula sa kaban ng bayan, mas maraming tulong pa sana na panangga sa energy crisis ang matatamo sana natin.

Kaya ang leksiyon ay ito, sana’y matuto na tayong mamili ng mga mas matitinong lider natin na hindi magnanakaw at pagsisilbihan ang mga katulad ng pinakamahihirap na tinutulungan ni Ma’am Rei, para kahit may sakuna o krisis man, mas maayos tayong namumuhay nang may dangal —hindi yung tayo ang naghihirap dahil sa mahal ng pasahe at pagpapa-gas samantalang sila ay maluwalhating lulan ng kanilang sandamakmak na luxury cars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Grabe ang agwat ng mayaman at mahirap sa atin, di ba?

Sana, huwag na tayong papagoyo sa mga sukab, ganid, at makasarili!

Read: TNVS driver may libreng sakay sa students, cancer at dialysis patients

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Businesswoman Rei Anicoche-Tan, loveteam partners Allen Ansay and Sofia Pablo, and motovlogger James Deakin share how they are helping others and coping with the ongoing fuel crisis affecting many countries.
PHOTO/S: Facebook / Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results