JERRY OLEA
Na-enjoy ko ang pa-Heritage Tour ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) para sa mga taga-media noong Abril 30, 2026, Huwebes.
Marami akong natutunan.
Ngayong Mayo ipagdiriwang ng bansa ang National Heritage Month (NHM) 2026, at ang tema ay “Roots and Horizons: Our Shared Heritage, Our Collective Future.”
Ayon sa Facebook post ng NCAA: "At the heart of this year’s official poster is the banig —a symbol of connection, continuity, and community.
"Just as each strand is carefully woven, our heritage is shaped by the many stories, traditions, and identities that bind us as Filipinos across generations.
"Surrounding it are diverse communities, reminding us that heritage belongs to all of us —lived, practiced, and passed on in everyday life.
"The rising sun speaks of hope, while the vibrant colors reflect the richness and dynamism of our cultural expressions.
"As we celebrate National Heritage Month this May, we are invited not only to look back with pride, but to take part in carrying our heritage forward.
"It is not confined to the past—it is a living legacy, sustained by collective care and shared responsibility."
THE WORKS OF National Artist Leandro V. Locsin
Nagsimula ang heritage tour sa Universidad de Santo Tomas (UST) sa España Boulevard, Manila.
Nasa Beato Angelico Gallery ang exhibit na The Poet of Concrete: The Architecture of National Artist Leandro V. Locsin.
Ang opening prayer sa programa ay isang video na inclusive ng Muslim faith. Yup, may kinatawan din ang Muslim media sa heritage tour.
Hindi ko sukat akalain na sa isang Catholic institution tulad ng UST, matutunghayan ko ang isang interfaith music video.
Graduate si Locsin sa UST noong 1953.
Makabuluhang homecoming para kay Locsin ang exhibit, na nag-open noong Abril 27, Lunes, at magiging bukas hanggang Mayo 22.
It was originally mounted in 2024 at the De La Salle University-College of Saint Benilde (DLSU-CSB), and curated by Architect Gerry Torres.
Kabilang sa napakaraming obra ni Locsin ang Cultural Center of the Philippines (CCP), Philippine International Convention Center (PICC), Church of the Holy Sacrifice sa UP Diliman, at ang Istana Nurul Iman, na official residence ng Sultan of Brunei.
Nag-aral ako ng BS Mathematics sa U.P. Los Baños noong 1983-87, at tumira ako sa Men’s Dorm doon na si Locsin pala ang nagdisenyo.
Marami pang obra si Locsin sa UPLB, kabilang ang Dioscoro Umali Hall (UPLB Auditorium ang tawag noong nag-aaral ako roon), Student Union Building, Carillon, SEARCA, at Women’s Dorm.
Gawa rin niya ang National Arts Center, kung saan naroon ang Philippine High School for the Arts, sa Mt. Makiling, Los Baños, Laguna.
Napag-alaman ko sa exhibit na ang mga dinemolish na obra ni Locsin ay Greenbelt 1, BDO Corporate Tower, Intercontinental Hotel, Magnolia Plant & Offices, Mandarin Hotel, Benguet Center Building, Ayala Museum, at Philippine Center for International Trades and Exhibition.
Ang mga likha ni Locsin na “endangered” ay Folk Arts Theater (Tanghalang Francisco Balagtas), PLDT Building sa Makati City, at Sofitel Philippine Plaza Manila sa Pasay City.
National Cultural Treasures
Mula sa UST, ang pangalawang destinasyon ng heritage tour ay sa Philippine International Convention Center (PICC) sa CCP Complex, Pasay City.
Kung tama ang pagkakatanda ko, early ‘80s nang una akong nakatapak sa PICC.
Nasa high school ako noon. From time to time ay may mga events sa PICC na napuntahan ko bilang entertainment journalist umpisa 1987.
Halos araw-araw akong nasa PICC nang ganapin doon ang 19th Cinemalaya Film Festival noong Agosto 4-13, 2023.
Bet na bet ko noon na kumain sa canteen ng PICC. Masasarap ang pagkain at reasonable ang presyo.
Sa heritage tour ay natingnan ko ang PICC sa ibang lente.
Sabi nga ng dalawang tour guide, lima ang building modules ng PICC—Delegation Building, Secretariat Building, Plenary Hall, Reception Hall, at The Forum.
Naglipana sa PICC ang artworks, kabilang ang National Cultural Treasures.
Nasa Upper Lobby wall ng Delegation Building, na bandang kaliwa pagpasok sa main entrance ng PICC, ang malaking oil-on-canvas painting ni National Artist Jose T. Joya.
Sa laki ng abstract painting na Ang Pagdiriwang, paano kamo iyon ipinasok sa loob?

Ayon sa tour guide, on site ginawa ni Joya ang painting.
Nakapuwesto naman sa iba’t ibang lugar ang wooden benches ni National Artist for Sculpture Napoleon Abueva.
Ang tawag daw sa mga upuang iyon ay Sungka.

Centerpiece ng The Courtyard ang imposing sculpture ni National Artist Arturo Luz na Anito.

Marami pang notable artworks sa PICC.
Iyong APEC Sculpture Garden ay nasa left, right, and front lawns.
Kinakatawan ng sculptures sa hardin ang collective ideals ng 20 APEC member economies—Australia, Brunei, Canada, Chile, Chinese Taipei, Hong Kong, Indonesia, Japan, Malaysia, Mexico, Indonesia, Japan, Malaysia, Mexico, New Zealand, Philippines, Papua New Guinea, China, Republic of Korea, Russian Federation, Singapore, Thailand, US, at Vietnam.


Nasa lobby ng Plenary Hall ang Grid sculpture ni Arturo Luz. Nagpa-picture doon ang media people na kalahok sa heritage tour.
Doon sa Plenary Hall madalas ganapin ang mga graduation ceremony. Ni-renovate iyon for six months noong Abril-Setyembre 2025.
Of course, sa PICC Plenary Hall din ginanap ang 43rd Miss Universe pageant noong 1994, maging ang concert ni Josh Groban noong 2007, kung saan nanood sina President Cory Aquino at former First Lady Imelda Marcos.

May dalawang malaking LED screens na sa entablado ng Plenary Hall, ganoon din sa Reception Hall.
Sabi ng tour guide, sa PICC Reception Hall ikinasal sina Mikee Cojuangco at Dodot Jaworski noong Hulyo 1999.

MALACAñANG COMPLEX
Matapos maglibot sa PICC ay lunch break muna. Kapagkuwan ay nagtungo ang tatlong van ng media people sa Malacañang Complex.
Bumisita kami sa Bahay Ugnayan, Teus Mansion, at Goldenberg Mansion na pawang sakop ng San Miguel, Manila.
HOUSE OF CONNECTIONS
Iyong Bahay Ugnayan o House of Connections ay naka-focus sa ika-17 Presidente ng Pilipinas na si Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr.
May konteksto roon ang political journey ni BBM mula sa pagiging Presidential Son. May yellow ribbons encased in glass sa exhibit, bilang paggunita sa People Power noong Pebrero 1986.
Andiyan din ang pictures and figures ni Vice President Sara Duterte—kahit buwag na ang UniTeam.


Opo! May pictures, artworks, and merch products na magkasama sina BBM at Inday Sara, bilang Tiger of the North at Eagle of the South, respectively.

Notable ang portrait ni BBM na gawa sa palito, at meron ding gawa sa mga butil ng bigas.


Andiyan din ang letter, dated March 20, 2022, ng Marcos loyalist forever na si Clemencia Garcia.

Natawa ako sa malaking litrato malapit sa souvenir shop kung saan naghuhumiyaw ang placard na, “SANDRO anakan mo ako!”
Si Sandro ang panganay na anak ni BBM at First Lady Sandra Marcos.

TEUS MANSION
Mula sa Bahay Ugnayan ay nag-coaster kami patungo sa Teus Mansion, The Presidential Museum.
Ang nasabing mansion ay ipinatayo ni Valentin Teus para sa kanyang pamilya noong last quarter ng 19th century.
Tampok sa museo ang first 16 na Presidente ng Pilipinas.
Sa isang black-and-white picture na kinunan sa Malolos, Bulacan, ay ipinahanap ng tour guide si Emilio Aguinaldo sa crowd.
Nahanap naman iyon ng isang kasama namin sa tour.

Of course, naka-exhibit ang memorabilia nina Emilio Aguinaldo, Manuel Roxas, Jose P. Laurel, Sergio Osmeña, Manuel Roxas, Elpidio Quirino, Ramon Magsaysay, Carlos P. Garcia, Diosdado Macapagal, at Ferdinand Marcos.
Mas maraming items ang naka-exhibit para kay Corazon Aquino, first female president; Fidel V. Ramos, first Protestant president; Joseph Estrada, first action-star president.
Ganun din kay Gloria Macapagal Arroyo, na anak ni former President Diosdado Macapagal; Benigno Aquino III, na anak ni former President Corazon Aquino; at Rodrigo Duterte.
Naka-display roon ang handbag na painted and signed by Tita Cory...

...ang inauguration photo ni Erap kasama si Fernando Poe Jr.

Ang picture ni GMA with U.S. Presidents John Kennedy and Bill Clinton.


May coffeebean mosaic ni Noynoy.

Of course, may space din para sa paintings at bust ng First Ladies. Hindi namin napansin kung meron ding painting for the First Gentleman.


GOLDENBERG MANSION
Katabi ng Teus Mansion ang napakagandang Goldenberg Mansion na binili at tinirahan ni Michael Goldenberg.

Sa mansion na iyon ginanap ang sessions ng first Philippine Senate umpisa Oktubre 16, 1916.
Yayamanin ang chandelier sa may staircase.

Ang sculpture ng isang babaeng walang saplot ay palatandaan patungong comfort room.

May patio sa gilid, kalapit ang Glass House kung saan nagkaroon ng press briefing para sa mga aktibidades ng National Heritage Month 2026.
Panelists sina NCCA Chairman Eric B. Zerrudo at ang iba pang taga-NCCA na sina Ivan Anthony S. Henares, Maria Teresa Rayos del Sol, Emma Rey, Earl Jude Paul Cleope, Benhur Asid, at Audrey Dawn Tomada.

Pinagkalooban ng token of appreciation si Sir Marco Araneta, na tagapamahala ng Bahay Ugnayan, Teus Mansion, Goldenberg Mansion, at Baguio Mansion House (Romulo Drive, Baguio City).
Read:
HOW MUCH? The Mercedes-Benz cars in The Devil Wears Prada 2
Janice de Belen on Kaila Estrada’s love life: “Guard your heart.”
NOEL FERRER
NATIONAL HERITAGE MONTH 2026's kick-off
Nationwide ang Heritage Programs ng NCCA kaugnay sa pagdiriwang ng NHM 2026— kahit pa slashed ang budget dahil sa sigalot sa Middle East.
Ang official kick-off ng NHM 2026 ay sa Mayo 10 sa Angono, Rizal.
Matatandaang katuwang din ng NCCA ang LGU ng Angono sa pagdiriwang ng National Arts Month noong Pebrero.
Siyempre pa, iso-showcase ng Angono ang cultural heritage nito sa kick-off ng NHM 2026.
Asahan ang pagparada riyan ng Higantes (paper-mache puppets).
Narito ang iba pang flagship programs sa National Heritage Month 2026:
- Mayo 13 at 14 sa Batanes Provincial Library sa Basco, Batanes — Libraries As Living Heritage: Preserving Ivatan Stories and Community Memory
- Mayo 18-21 sa Marawi City — Posaka Ranao: Discussing the Built and Spatial Cultural Heritage of Marawi and Lanao del Sur
- Mayo 20 at 21 sa Mindanao State University, Iligan Institute of Technology — Local History Workshop: MIndanao History in the Making of A Nation
- Mayo 23 at 24 sa Angono, Rizal — Collections Management for Living Church
- Mayo 27 at 28 sa JJ’s Seafood Village, Tagbilaran City — Basic Archiving and Digitization Seminar-Workshop
- Mayo 28-30 sa Baliwag City, Bulacan — Training on Disaster Preparedness, Response, and Recovery in Libraries and Archives
- Mayo 29 at 30 sa Northern Samar — KABILIN: Showcasing the Northern Samar Heritage
GORGY RULA
NCCA HERITAGE ACTIVITIES
Maliban sa flagship programs ng NCCA, meron pang heritage-related activities ngayong Mayo ang iba’t ibang partner institutions and organizations.
Itatampok ang Buhay na Dunong, Bukal ng Pamana: Schools of Living Traditions (SLT) Exhibit sa Mayo 4-7, sa 2nd Floor Hallway ng Senate of the Philippines.
Isang pagpupugay ito sa mga pamayanang patuloy na nagpapasa ng kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga sa ating mga buhay na dunong.
Sa pakikipagtulungan sa Tanggapan ni Senador Loren Legarda, itinatanghal sa eksibit ang mga likhang sining na mula sa iba’t ibang katutubong pamayanan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ang mga ito ay bunga ng kaalamang naipasa sa loob ng mga komunidad sa pamamagitan ng “learning by doing.”
Kaugnay ng deklarasyon bilang UNESCO Register of Good Safeguarding Practices, pinagtitibay ng SLT ang mahalagang papel ng mga pamayanan sa pangangalaga ng ating intangible cultural heritage.
Sa bawat hibla, ukit, at disenyo, patuloy nating binubuhay ang mga tradisyon at ipinapasa mula sa cultural masters patungo sa susunod na henerasyon.
Sa May 5, sa Metropolitan Theater, may programa ang NCCA’s Cultural Properties Regulation Division tungkol sa Philippine architecture and built heritage.
Exhibitions are also set to open at the NCCA Gallery, including:
- Mana sa Mayo 7, 2026, Gallery B
- Malaya Clara, Malaya ka ba? sa Mayo 14, Gallery A
The University of Santo Tomas will conduct a teachers training on indigenous creative arts from May 13-16, at its museum.
Local government units will also participate, including the City Government of Mabalacat with Pamana Fridates on May 22, and the City Government of Pasig with a heritage tour on May 23.
The Filipino Heritage Festival Inc. (FHFI) will lead multiple programs, including heritage tours, exhibitions, youth forums in Aklan and Bulacan, and lectures such as "Halimuyak: Rediscovering the Forgotten Aromas of Philippine Native Flora" on May 25, 2026, at the National Museum of Fine Arts.
