GORGY RULA
Tokhang. Paghihiganti. Paghahanap ng katotohanan. Pagtubos.
Dinalirot ang mga ito sa six-part limited series na Drug War: A Conspiracy of Silence, na idinirek ni Shugo Praico para sa KC Global Media at Rein Entertainment.
Kabilang sa powerhouse cast sina Ian Veneracion, Jane Oineza, Harvey Bautista, John Arcilla, Lotlot de Leon, Romnick Sarmenta, Yayo Aguila, Joem Bascon, Ryan Eigenmann, Art Acuña, Gabby Padilla, at Miggy Jimenez.
Nag-screening ang pilot episode ng serye noong Mayo 7, 2026, Huwebes, sa Shangri-La Plaza Red Carpet Premiere Theater, EDSA cor. Shaw Blvd., Mandaluyong City.
Pagsisiwalat ni Direk Shugo: “Sa simula pa lang po, noong kino-conceptualize namin yung story, there’s a part of us bilang storytellers — the stories of these people need to be heard.
“Pakiramdam namin, yung kuwento nung mga characters na nandito, characters that they represent, stories that will resonate not just dito sa atin sa Pilipinas but globally.
“This is a story of a critical period in our history. It’s a story na hindi natin dapat makalimutan. Na dapat marinig nung ating mga kababayan.”
Bakit gusto nilang maihatid sa global audience ang Drug War: A Conspiracy of Silence?
“Una po, we believe in the talents of… tayong mga Pilipino. We believe na malakas yung ating storytelling,” tugon ni Direk Shugo.
“At pakiramdam namin, when we’re doing this, this is an opportunity para maipakilala lalung-lalo na yung galing ng ating cast na nandito.
“The Filipino artists need to be heard and seen sa global stage.”
Kasama rin sa limited series sina Rolando Inocencio, Malou Crisologo, Alex Medina, Sky Quizon, Yogo Singh, JM Salvado, Lance Lucido, Yian Gabriel Pecjo, Clark Kent Makani, Athena Flores, Thea Nicup, at Ian Pangilinan.
Read: ICC confirms all crimes against humanity raps vs Rodrigo Duterte

NOEL FERRER
Uniquely Filipino ang Drug War: A Conspiracy of Silence. Nag-umpisa ang kuwento noong 2016 sa drug war ng administrasyong Duterte.
Pahayag ni Direk Shugo Praico, yung kuwento ng limited series ay nakaugat sa “specific period in our history that I think shaped us kung sino tayo ngayon.”
Ano ang inaasam nilang take away ng audience pagkatapos mapanood ang anim na episodes ng serye?
“Magkaroon po ng conversation between those people who see it, kung anuman ang pananaw ninyo, kung nasaan man kayo nakatayo sa paniniwala,” tugon ni Direk Shugo.
“Ahhmm, magkaroon ng pag-uusap. Because tingin namin, sa pag-uusap, sa conversation na ito, dito magkakaroon ng catharsis.
“May matutunan tayo sa isa’t isa. Dito magkakaroon ng unawaan, and eventually, it can lead to better us. Iyon naman ang gusto ng bawat kuwentista, o storyteller.
“Na maibahagi sa bawat isa, bawat kuwentong nais maipaabot, at sa pamamagitan ng conversation sa mga nakapanood, mas tataas ang antas nung pag-uusap.”
Read: EXPLAINER: What is ICC and why is it handling the Duterte case?
JERRY OLEA
MMFF 2022 best actor si Ian Veneracion para sa pelikulang Nanahimik Ang Gabi na isinulat at idinirek ni Shugo Praico.
Kaya hindi na namin inusisa kay Direk Shugo kung bakit si Ian ang kinuha niya bilang lead character na Fr. Tom sa Drug War: A Conspiracy of Silence.
Kinumusta namin kay Direk ang iba pang artista sa limited series.
DIREK SHUGO ON HARVEY BAUTISTA AND OTHER CAST MEMBERS
Ang sabi ni Harvey Bautista nang makausap namin last year, ito ang most challenging role niya sa so far, lalo pa’t hindi raw siya tumikim ng droga sa tanang buhay niya.
Pahayag ni Direk Shugo: “First time kong makatrabaho si Harvey. Napanood ko siya sa High Street. Sabi ni Lino [Cayetano], ‘This kid is special.’
“Nung nagkatrabaho kami ni Harvey, sobrang ganda nung communication.” Nagpapayat si Harvey para magmukhang dugyot…
“He was mostly quiet on set. I respected that silence. Pero pag nag-usap naman kami na, sobrang linaw,” sey ni Direk Shugo.
“Parang konting tweaks lang sa atake, lalo na sa mga specific scenes na tingin namin, crucial doon sa storytelling.”
Kumusta ang iba pang mga artista sa Drug War, gaya nina John Arcilla at Lotlot de Leon?
“Si Sir John, second time ko nang nakatrabaho. We worked with him sa isang season ng Bagman,” saad ni Direk Shugo.
“Si Lotlot, first time. Sobrang sarap katrabaho ni Miss Lotlot, lalo na pag napanood nyo yung role niya.
“She’s a grieving mother… sobrang saya, sobrang happy kami with her performance and how she attacked the role.
“Si Gabby Padilla, first time also na makatrabaho ko. Masaya because Ilongga, so kuwentuhan.”
Yung police characters nina Ryan Eigenmann at Joem Bascon, taga-Davao ba?
Napangiti si Direk Shugo, “Yung part ng story is ahhh when we were researching, nagkaroon ng rigodon talaga. May rigodon talaga, as in pinalitan ang maraming pulis, police stations, coming from the South.
“So, part iyon ng story.”
Sa sukdulan ng Episode 1, may barilan sa loob ng simbahan na kinunan sa Diocesan Shrine and Patish of St. Joseph sa Baras, Rizal.
“Sobrang pasalamat kami sa kanila because they allowed us to do that scene na medyo violent inside the church,” wika ni Direk Shugo.
“And also nung nakakuwentuhan namin iyung pari doon, nakapag-share ng mga stories about the subject matter.
“Naging honest kami, sincere, kung ano itong ginagawa namin. Nilinaw namin kung ano ang intensiyon ng eksena, yung pinanggagalingan nung kuwento. Kung ano ang intensiyon ng series.”
Read: Bato and Bong Go named "co-perpetrators" in drug-war killings
