JERRY OLEA
Nagwagi si Direk Joel Lamangan bilang bilang Best Supporting Performer (Series or Anthology) sa 1st FAMAS Broadcast Arts Awards noong Hulyo 20, 2026, Lunes, sa Manila Hotel.
Ito ay para sa pagganap niya bilang Roda sa FPJ’s Batang Quiapo.
Pinagkalooban din ang 90-anyos na si Tina Loy ng Rosa Rosal Lifetime Achievement Award.

“Karapat-dapat!” komento ni Direk Joel nang makachikahan ko noong Hulyo 25, Sabado sa French Baker, Cash n’ Carry, Brgy. Palanan, Makati City.
“Dapat noon pa, nagkaroon na siya ng ganyan.”
Inaasam ba niyang kagaya ni Tina Loy ay umabot siya sa 90-anyos?
“Ayoko na, ayoko na, ayoko nang tumanda nang matandang-matanda,” tugon ng 71-anyos na direktor.
“Pag walang sakit, okay lang.”
DIREK JOEL LAMANGAN ON FAMAS WINNERS
Kinu-question ang ibang winners sa 1st FAMAS Broadcast Arts Awards.
Paano raw tinalo ni Ivana Alawi bilang Best Host for Public Service sina Jessica Soho (Kapuso Mo, Jessica Soho) at Vicky Morales (Wish Ko Lang)?
Paano rin daw tinalo ng CongTV bilang Best Comedy Show ang Kapuso programs na Pepito Manaloto at BBL Gang? Any comment?
“My lips are sealed!” bulalas ni Direk Joel.
At least, bumati at nagpugay sa kanya si Vice Ganda doon sa 1st FAMAS Broadcast Arts Awards.
Magkatabing mesa lang sila ni Ivana Alawi, pero dedma ito sa kanya.
“Hindi niya ako nakita. Nakatalikod ako sa kanya,” sabi ni Direk Joel.
Sa mga batang artista, ang gusto raw idirek ni Direk Joel Lamangan ay si Kelvin Miranda, na siyang Best Performer (Series or Anthology) sa 1st FAMAS Broadcast Arts Awards para sa pagganap bilang Adamus sa Encantadia Chronicles: Sang’gre.
Read: Debbie Gibson impressed by Filipinos singing her song at Karaoke
NOEL FERRER
DIREK JOEL LAMANGAN's NEXT ACTING PROJECTS
Hindi nauubusan ng project si Direk Joel Lamangan.
Artista siya muli ni Louie Ignacio sa pelikulang Hello Mr. Chen, kung saan tampok din sina Jeric Gonzales at Laurice Guillen.
“Istorya ito ng mga tao na nagkikita-kita sa isang lugar sa Baguio, sa library,” lahad ng premyadong direktor.
“Tapos they became friends… ang relationships nila, ang buhay nila, hayun. Ako ang gaganap na Mr. Chen.”
Nag-rehearse na rin si Direk Joel sa pagsasadula muli ng A Portrait of the Artist As Filipino, kung saan gaganap sila ni Anton Juan bilang magkapatid na Paulo at Candido.
"Meron ulit kaming rehearsal sa July 29,” sabi ni Direk Joel.
“Ako si Candido. Si Anton Juan ang Paulo. Ang Tony Javier, si Vince Tañada. Ang Bitoy Camacho, si Johnrey Rivas.
“Si Anton Juan din ang direktor. Ang role ko, ginampanan ni Lolita Rodriguez. Ang role niya, ginampanan ni Charito Solis. Next year pa ito itatanghal.”
Ano ang mai-expect sa “pagtutuos” nila ni Direk Anton sa entablado?
“Aba, e, di makikita mo kung sino ang mas mahusay! Di ba?!”
Read: How Megan Young loses 20 pounds in three months
GORGY RULA
Last year pa gustong magdirek ni Joel Lamangan ng stage play na inspired ng pelikulang Scorpio Nights (1985). Pero mukhang malabo pa ito.
Gusto ni Direk ay magdirek muli ng TV series, kahit anong genre. Kaya ba ng health niya?
“Bakit naman hindi? Kaya ko, ano! Diyos ko, kaya ko!” bulalas ni Direk Joel.
“Kaya ko iyan! Diyan ako nag-umpisa.”
Naging mentors sina Direk Joel, Direk Laurice Guillen, at Direk Jose Javier Reyes sa The Masters Series: Acting Workshop for Filipino Talents 2026.
Ginanap iyon noong Hulyo 7-16 sa Ibis Styles, Cubao, Quezon City.
Dalawampu ang participants sa pa-workshop na ito ng FDCP, kabilang ang VMX stars na sina Victor “VR” Relosa at Ashley Lopez.
“Mahuhusay sila. Mahuhusay na mga bata. Interesado lahat sila na mapapunta sa film, at mahuhusay silang umarte,” sabi ni Direk Joel.
“Intelehenteng mga bata… Mahusay si VR, saka si Ashley. OK naman sila. Lahat sila, mahusay. Mahusay.”
Kaya lang, iyong ibang participants, hindi bibidahin.
“Hindi naman iyon para sa bibidahin! Para sa aktingan. Kung bida o hindi bida, puwede naman,” saad ni Direk Joel.
“Marami namang maganda doon. Marami din naman ang hindi masyadong maganda. At meron din namang hindi gaanong kagandahan.
“Pero magagaling. Napakadami ng nag-audition, isang daan mahigit yun, pero bente lang ang pinili.”
