JERRY OLEA
Magka-alternate sina Esteban Mara at Rendell Sanchez bilang Dodong sa muling pagtatanghal ng Zsazsa Zaturnnah Ze Muzikal next year sa Shooting Gallery, Zapote St., Makati City.
“Ngayon pa lang, naghahanda na ako,” pagtatapat ni Esteban nang makatsikahan namin noong Agosto 28, 2026, Biyernes, sa New World Hotel, Esperanza St., Makati City.
Siyempre, may mga pa-abs muli siya rito, gaya sa dulang Endo na itinanghal noong Abril-Mayo 2026 sa PETA Theater Center, Quezon City.
Natawa si Esteban: “Oo pero ngayon, nakatago muna siya para makapagpahinga naman. Pero yes, oo.
“Expect niyo iyon. Since Zsazsa Zaturnnah, medyo institusyon na iyan sa mundo ng queer representation and queer storytelling dito sa ating bansa.
“So, I’m very excited to play Dodong and bring justice sa kanyang role and character.”
ESTEBAN MARA'S PREPARATIONS FOR Zsazsa Zaturnnah Ze Muzikal
Napanood before ni Esteban ang Zsazsa Zaturnnah Ze Muzikal kung saan si Arnold Reyes ang gumanap na Dodong.
Sa Zsazsa Zaturnnah Ze Moveeh (2006), ang gumanap na Dodong ay si Alfred Vargas.
“Although nag-musical na ako before, pero I don’t really consider myself as a musical actor,” sabi ni Esteban.
“Pero ngayon, nag-e-effort ako. Kakayanin ko. This is the first time for me na full-on na production na musical talaga siya.
“So ngayon pa lang, nagpe-prepare na ako, nagbo-voice lessons na ako, so para pagdating, when the time comes na kailangang mag-perform, wala na akong ibang iintindihin, just to really let go and bring life kay Dodong.”
Si Esteban ay gumanap na anak ni Ely Buendia sa pelikulang Padamlagan, na kalahok sa 21st Cinemalaya filmfest noong Oktubre 3-12, 2025.
Kasama rin siya sa The Loyalty Game na streaming sa Amazon Prime Video.
NOEL FERRER
Teatro Panalo
Looking forward si Esteban Mara sa Puregold Teatro Panalo na gaganapin early next year.
Labindalawang (12) original one-act plays ang itatampok dito—eight straight plays and four musicals.
Ang deadline ng pagsusumite ng script ay Setyembre 11, 2026, at 11:59 P.M.
Open ang applications para sa Filipino playwrights, amateur man o professional, edad 18 pataas.
“Kaabang-abang nga yung Teatro Panalo. Para siyang Virgin Lab Fest (VLF),” sambit ni Esteban.
“Pero this time, parang best of the best ang mangyayari. At may pa-cash prize. Very exciting.
“Something na hindi pa natin nagagawa before, so kaabang-abang.”
Puwedeng makasama siya sa cast ng isa sa mga dula ng Teatro Panalo kahit magdo-Dodong na siya sa Zsazsa Zaturnnah musical?
“Sana, oo, hopefully. Ako naman, gusto ko nga yung lagi akong may ginagawa. Always busy para on the go,” sabi ni Esteban.
“Kasi dun ko napi-feel na I’m productive, and I’m making a step forward towards my goal. Kasi, kapag walang ginagawa, di ba?
“Although puwede pa rin naman through working out, reading, exposing myself to different creative endeavors, pero iba pa rin yung may trabaho.”
Hindi lang sa entablado, pelikula, at TV umaakting si Esteban. Nagbida sila ni Mikoy Morales sa vertical BL series na Got My Eyes On You (2025), na ipinalabas sa Tiktok account na Puregold.
Read: Yeng Constantino reveals Ryan Bang ghosted her; Heart Evangelista, Vice Ganda snub each other?
GORGY RULA
Networking Dinner Talk for Thai Content
Dumalo si Esteban Mara sa Networking Dinner Talk ng Thai Content in the Philippines 2026 noong Friday night sa New World Hotel sa Makati City.
Kabilang pa sa mga Pinoy na present doon sina Royce Cabrera (ka-alternate ni Esteban sa dulang Endo), Kristof Garcia, Direk Chris Cahilig, Gillian Vicencio, at Chico Alicaya.
Nakahalubilo nila ang mga artistang Thai na sina Chingching Kharittha at Sungsaopath, at producers or managers ng iba’t ibang Thai productions.

Labingwalong (18) Thai companies ang nagbigay ng kani-kanyang presentation.
Nandiyan ang NAA Production, Go On House, Halo Productions, Mahamongkol Film Studio Production, Matching Maximize Solution, Mojo Living, One 31, Progold Plus, at PRT Idea Studio.
Nag-present din ang Rabbit Moon Corporation, RS Multimedia & Entertainment, Studio 1986, Thai Broadcasting (Workpoint Group), Themework Studio, Topmove, Waga Creative, at World Premier Art.
Punong-abala sa pagtitipon ang Department of International Trade Promotion (DITP) ng Thailand.
Nagbigay ng mensahe si Sutinee Vathana ng Minister Counsellor Thai Trade Center Manila, at ang Her Excellency Mrs. Makawadee Sumitmor, na Ambassador ng Thailand sa Pilipinas.
Pahayag ni Esteban: “Kaya ako nandito ngayon sa Networking Dinner ay dahil sa BL series na nagawa namin ni Mikoy Morales for Puregold, iyong Got My Eyes On You.
“Especially ngayon, may mga Thai content na Pee Mak at Bad Genius na napo-produce dito sa Philippines…
"I’m excited, kasi ang ganda na rin ng film scene sa Thailand. So ang ganda rin niyang ma-share dito sa Philippines yung discipline or yung culture na meron sila para matulungan both Philippines and Thailand to improve better sa pagpepelikula or sa paggawa ng mga series.
“I’m very excited kasi magkaibang culture iyan, e. So pag pinagbangga mo, there will be beautiful things na mangyayari, although puwede ring may masamang mangyari, pero doon tayo sa positive side siyempre.
“We’re not afraid of collaboration and innovation, and them going here shows a lot of intentionality and purpose kung bakit sila nandito, so I’m very excited.”
Nakapag-Bangkok na ba siya?
“Yes! Recently this July. Bakasyon with my friends. Kaya nga masaya rin ako today dito sa Thailand event,” lahad ni Esteban.
“Kasi parang extension of my vacation. Hahaha. Nakakatuwa rin kasi ang mga Thai people at napakababait, very welcoming. Very warm.”
Willing ba siyang makipag-collaborate sa mga Thai?
Mabilis na tugon ni Esteban: “Of course ako always willing naman to work with everybody, to explore different genres, explore different types of platforms.
“To act, to tell a story basically. Kasi yun lang naman talaga ang reason kung bakit ako nandito sa industry na ito.
“I just wanna tell a story because I wanna give justice to characters, to roles, and to stories that are worth telling.
"So ayun, lagi’t lagi sa materyal pa rin talaga.”
Read: UPDATED: Vehnee Saturno reacts to Dylan Menor’s "Sa Aking Puso" launch

Marami-rami sa projects na-present ng Thai companies doon sa Networking Dinner Talk ay BL series.
Willing ba siyang sumabak muli sa BL?
“Ahhmm sa akin, wala namang problema ang BL. Kasi parang it’s just another story that you tell,” paliwanag ni Esteban.
“So parang another material lang din siya. So if maganda ang material, at nakikita ko yung sarili ko sa character and worth telling yung story—of course, lahat naman ng story, worth telling—why not, di ba?
“At saka nagawa ko na rin naman siya before.”
