JERRY OLEA
Number 1 ang Call Me Mother sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines for eight consecutive days—mula Agosto 28, 2026, Biyernes, hanggang Setyembre 4, Biyernes.
Ngayong Setyembre 5, Sabado, ay second placer na ito.
Ang bagong topnotcher ay ang Almost Us nina JM Ibarra at Fyang Smith na nag-debut sa streaming platform noong Setyembre 3.
Ang Call Me Mother ay pinagbidahan nina Vice Ganda, Nadine Lustre, at Lucas Andalio. Topgrosser ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025.
Kagaya nito ang Ganito, Ganyan, Ganoon na walong magkakasunod na araw na nanguna sa Top 10 Movies ng Netflix PH.
Ngayong 2026, ang pelikulang pinakanagtagal bilang number 1 sa talaan ng Top 10 Movies ng Netflix PH ay ang Wonderful Nightmare nina Kim Molina at Jerald Napoles. Sixteen (16) days itong nag-number 1.
Sumunod ang War Machine na naka-15 days.
Ang Everyone Knows Every Juan at Meet, Greet & Bye ay parehong naka-14 Days.
Ang Swapped ay naka-12 days. Ang The Beekeeper ay naka-11 days. Ang The Loved One ay naka-10 days. Ang The Rip at Abigail ay parehong naka-nine days.
Maliban sa Call Me Mother at Ganito, Ganyan, Ganoon, naka-eight days din ang The Kingdom at Apex.
Sa Setyembre 10, Huwebes, ang streaming ng Tayo Sa Wakas nina Donny Pangilinan at Belle Mariano. Ang English title nito ay Us in the End.

Sa Setyembre 14, Lunes, naman ang streaming ng Temptation Island (2011) nina Rufa Mae Quinto, Heart Evangelista, Lovi Poe, Solenn Heussaff, at Marian Rivera. Remake ito ng Temptation Island (1980) nina Azenith Briones, Jennifer Cortez, Deborah Sun, Bambi Arambulo, at Dina Bonnevie.
Netflix Philippines' Top 10 Movies on September 5, 2026
- Almost Us
- Call Me Mother
- The Whisper Man
- Safe
- Wolf Man
- The Hard Corps
- Alpha
- The Secret Woman
- Anacondas: Trail of Blood
- The Magnificent Seven
NOEL FERRER
Noong Agosto 27, 2026, Huwebes, ang huling araw na nanguna ang Someone, Someday ni Kathryn Bernardo sa Top 10 TV Shows sa Netflix Philippines.

Pangalawa ito nang sumunod na dalawang araw. Pangatlo noong Agosto 30, Linggo, hanggang Setyembre 3, Huwebes.
Kahapon at ngayon ay nasa fourth place ito.
Ang topnotcher noong Agosto 28, Biyernes, hanggang Agosto 30, Linggo, ay ang three-part documentary na Death of The Pastor’s Wife.
Nanguna ang Mousetrap mula Agosto 31, Lunes, hanggang Setyembre 4, Biyernes.
Bumalik sa top spot ang Death of The Pastor’s Wife today, Saturday.
Noteworthy na iyong Bagman ni Arjo Atayde ay seven days na bumalik sa Top 10 TV Shows noong Agosto 11, Martes, hanggang Agosto 17, Lunes.
Nag-number 4 ito noong Agosto 13, Huwebes.
May kinalaman kaya iyon sa impeachment hearing? Noong Setyembre 3 at 4 ay pumuwesto sa number 10 ang A Love to Last nina Bea Alonzo at Ian Veneracion.
Dahil kaya ito sa pagpapakasal ni Classmate Bea kay Vincent Co ng Puregold?
Ngayong Setyembre mag-i-streaming ang finale ng The Master Cutter at A Secret in Prague.
Looking forward tayo sa streaming ng nine-episode action thriller na BuyBust: The Undesirables, starring Anne Curtis and Gerald Anderson.
Netflix Philippines' Top 10 shows on September 5, 2026
- Death of The Pastor’s Wife
- Mousetrap
- The Early Spring
- Someone, Someday
- Four Hands, Two Sonatas
- Our Sticky Love
- Spooky in Love
- Teach You A Lesson
- The Gentlemen
- Agent Kim Reactivated
GORGY RULA
Bumalik sa talaan ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines ang The Master Cutter (100 episodes) noong nakaraang buwan.
Tatlong araw na pumuwesto ito sa number 10—noong Agosto 5 (Miyerkules), Agosto 20 (Huwebes), at Agosto 26 (Miyerkules).
Ang Episode 87 ng The Master Cutter ay streaming umpisa Setyembre 5, Sabado ng gabi.
Iyong A Secret in Prague (115 episodes) ay noong Hulyo 1, Miyerkules, ang last time na nasa Top 10 TV Shows ng Netflix PH.
Ang Episode 97 ng A Secret in Prague ay streaming umpisa Setyembre 5, Sabado ng gabi.
Kabilang sa Pinoy movies na nag-Netflix streaming noong Agosto 2026 ang Bakit Di Totohanin, Somebody To Love, Manila’s Finest, For The First Time, Ganito, Ganyan, Ganoon, BFF, Shake, Rattle & Roll XIII, Shake, Rattle & Roll XIV, Shake, Rattle & Roll XV, Da Possessed, at Call Me Mother.
Hindi kami sure kung Agosto 2026 din nag-umpisa ang Netflix streaming ng Ang Panday (2017) ni Coco Martin, maging iyong Don’t Give Up On Us, Gandarrapiddo! The Revenger Squad, at My Valentine Girls.
Nakita na lang namin ang mga iyon sa talaan ng New on Netflix.
Nag-peak ang Manila’s Finest sa third place noong Agosto 9, Linggo, hanggang Agosto 12, Miyerkules.
Iyong Ang Panday ay nag-peak sa number 7 noong Agosto 11 at 12.
Noong Agosto 16, Linggo, hanggang Agosto 18, Martes, ay pawang nasa Top 10 Movies iyong tatlong lumang installment ng Shake, Rattle & Roll (SRR) — SRR XIII, SRR XIV, at SRR XV.
Iyong Da Possessed ay nag-peak sa fifth place noong Agosto 25, Martes.
Hindi pumasok sa Top 10 Movies iyong Bakit Di Totohanin, Somebody To Love, For The First Time, BFF, Don’t Give Up On Us, Gandarrapiddo! The Revenger Squad, at My Valentine Girls.
Read:
Yeng Constantino regrets serenading Ryan Bang at her concert
Chanda Atienza arrives in Manila; to be brought to BJMP New QC Jail
