PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yeng Constantino regrets serenading Ryan Bang at her concert

Did Yeng Constantino's husband get jealous of Ryan Bang?
by Khryzztine Joy Baylon
Published A day ago
Yeng Constantino admits regret over serenading Ryan Bang
Yeng Constantino to Ryan Bang: "Hindi deserve ni Ryan na kuwestiyunin niya ang kanyang worth...He deserves to be loved, to be cared for, to be seen. He deserves all of that."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon/Cornerstone Entertainment on TikTok

May pagsisising naramdaman si Yeng Constantino nang mapanood ang pagiging emosyunal ni Ryan Bang sa noontime show na It's Showtime kamakailan.

Ilang araw bago ito, pinag-usapan ng netizens ang pagharana ni Yeng kay Ryan nang manood ang Korean TV host-comedian sa ikalawang gabi ng 20th anniversary concert ng singer sa Araneta Coliseum noong August 29, 2026.

Bukod sa paghaharana, naging bukas din si Yeng tungkol sa nakaraan nila ni Ryan noong 2010, nang maging "crush na crush" niya ito at nang ligawan siya ng It's Showtime co-host.

Ngunit sa hindi malamang dahilan, ayon sa OPM singer, bigla na lamang daw siyang si-seen zone ni Ryan.

Ryan Bang gets emotional recalling memories with Yeng Constantino
Photo/s: Cornerstone Entertainment on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Yeng Constantino reveals Ryan Bang ghosted her; Heart Evangelista, Vice Ganda snub each other?

Ang tagpong ito sa concert ni Yeng ay napag-usapan sa isang segment ng It's Showtime noong September 2.

Dito, hindi napigilang maging emosyonal ni Ryan nang balikan ang simpleng nakaraan nila ni Yeng.

Ito ay kasabay ng pagtatanong niya sa co-host na si Vice Ganda kung sa punto bang ito ng kanyang buhay ay makakahanap pa siya ng babaeng tatanggap at magmamahal sa kanya nang buong-buo, kagaya ni Yeng.

Ryan Bang gets emotional recalling memories with Yeng Constantino
Photo/s: ABS-CBN Entertainment on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Emosyunal na saad ni Ryan: "Nag-flashback sa akin lahat ng memories.

"It was one of my best moments.

"Sabi ko, makakahanap kaya ako ng, siyempre, tulad ni Yeng na noong nag-uumpisa ako, wala akong pambayad ng date, wala akong kotse, wala akong pera, paulit-ulit yung damit ko, pero may chance pala ako sa kanya.

"Makakahanap pa kaya ako ng ganoon?"

Read: Ryan Bang gets emotional recalling memories with Yeng Constantino

YENG REACTS TO RYAN'S BEING EMOTIONAL ABOUT THEIR PAST

Sa mediacon ng The Voice Kids ngayong Biyernes, September 4, nahingan ng reaksiyon ng entertainment press si Yeng tungkol sa naging epekto kay Ryan ng ilang tagpo sa kanyang concert.

Yeng Constantino admits regret over serenading Ryan Bang
Photo/s: Khryzztine Joy Baylon
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dito, inamin niyang may parteng nagsisisi siya dahil naging rason ito para maalala ni Ryan ang kanilang nakaraan.

Saad ni Yeng: "Ginawa ko po yon, inaano ko lang siya na parang, 'Bro.' Playful ba.

"I was being playful. Hindi ko nga rin po alam ang naging resulta ng aking aksyon at nag-cost nga na maungkat ang mga sugat.

"I’m really regretful din in a way.

"Siyempre, nakita mo yung tao na may mga naalala siya na nakasakit sa kanya.

"Masakit. Kasi ako, parang nagbibiro ako.

"Playful ako masyado na hindi ako nakapag-isip nang maayos to consider his feelings."

Read: Yeng Constantino, Ryan Bang put closure to their "love story"

Huli man nang mapagtanto ni Yeng ang nagawa kay Ryan, mabilis naman daw niya itong inihingi ng tawad.

Lahad niya: "Nag-message po kami. Grabe talaga ang sorry ko sa kanya.

"Ang haba ng mga nobelang messages namin, [sabi ko], 'Ryan, patawarin mo ako. Sorry talaga. Hindi ko alam na ganito.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And he was really vulnerable.

"When I messaged him, I really apologized for triggering some memories or moments in life namin.

"I wasn’t very mindful also."

Yeng hopes Ryan never loses sight of his worth

Wala raw ibang hangad si Yeng kundi maging masaya at payapa ang puso't isipan ni Ryan.

Ito ay matapos kuwestiyunin ng Korean TV personality ang kanyang halaga bilang tao at bilang isang karelasyon.

Ani Yeng: "Naku, makakahanap at makakahanap si Ryan.

"Hindi deserve ni Ryan na kuwestiyunin niya ang kanyang worth dahil nakilala ko po siya at many years naman po kaming naging magkasama.

"Sa pagkakakilala ko po kay Ryan, talagang napakabait po na tao. What a good man.

"God has perfect timing for everybody. Hindi dapat kuwestiyunin kung deserve ba niya ng pagmamahal; of course, he deserves to be loved, to be cared for, to be seen.

"He deserves all of that."

Read: Ryan Bang gets emotional recalling cancelled wedding to Paola

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala raw ibang magagawa ngayon si Yeng kundi patuloy na ipagdasal na mahanap na ni Ryan ang babaeng iibigin niya nang wagas.

Pahayag ng "Hawak Kamay" singer: "Ako, sa side ko, gusto ko pong ipag-pray siya to be with that person na deserve din yung kaya niyang ibigay.

"Kasi grabe yung capacity ni Ryan to love. Napakalaki ng puso niya. As in, grabe siyang magmahal talaga.

"Kaya ako, I believe, konting katok na lang to kay Lord sa langit. Ang dami na nating nagdadasal sa kanya kasi he deserves to be loved."

Yeng says husband Victor ASUNCION doesn’t get jealous of Ryan

Kasunod ng muling pag-usbong ng nakaraan nila ni Ryan ay ang tanong kung ano ang naging reaksiyon dito ng asawa ni Yeng na si Yan Asuncion.

Ayon sa singer: "He's very realistic na bata talaga kami at that time. Sobrang bata namin kasi.

"Mas bata sa akin si Ryan, parang mga three years or four years younger sa akin si Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang that time, he was eighteen and twenty-one ata ako."

Sundot na tanong kay Yeng, "May pagkakataon bang nagselos si Yan kay Ryan?"

Mabilis na sagot ng singer-songwriter, "Ang dami ko ngang nakitang ganoon ang komento na nagseselos."

"Naku, sana nga nagseselos, e," biro ni Yeng.

Read: Yeng Constantino reveals how husband Yan reacted to her closure with Ryan Bang

Pagpapatuloy niya: "Hindi [siya nagseselos]. Hindi kasi niya personality.

"Talagang ano siya, very understanding. Tsaka kilalang-kilala kasi ako ng asawa ko.

"Alam niya na yung pagkanta ko kay Ryan ay nangungulit lamang ako.

"Actually, mas nakaka-empathize nga siya kay Ryan kaysa sa akin. Natawa na lang talaga ako sa kanya.

"Kaya doon sa mga nag-aalalang Yengster [tawag sa fandom ni Yeng], kung kumusta si Kuya Yan niyo, okay siya. He's doing fine."

Yeng Constantino admits regret over serenading Ryan Bang
Photo/s: Khryzztine Joy Baylon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siniguro rin ni Yeng na walang sama ng loob si Yan kay Ryan.

Sa katunayan, gusto raw nitong personal na ma-meet si Ryan kaya't may isang pagkakataon na inaya nila itong maglaro ng pickleball.

"Hindi naman kami nakaka-hang out.

"Nagkikita lang kami ni Ryan sa It's Showtime. So, I'm really hoping nga kasi noong nakaraang araw nag-message ako na, 'Bro, nagpi-pickleball ka ba? Sama ka, magpi-pickleball kami.'

"Sabi naman niya, 'Punta ka na lang sa restaurant ko, kain na lang tayo.'

"So, ibig sabihin, hindi siya nagpi-pickleball. Pero sana, makapag-hang out kami."

Si Yeng ang isa sa bagong coach sa pagbabalik ng The Vocie Kids sa GMA-7

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yeng Constantino to Ryan Bang: "Hindi deserve ni Ryan na kuwestiyunin niya ang kanyang worth...He deserves to be loved, to be cared for, to be seen. He deserves all of that."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon/Cornerstone Entertainment on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results