PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rochelle Pangilinan refuses to prolong SexBomb controversy

Rochelle Pangilinan on issue with Jopay Paguia: “Sana, maging okay.”
by PEP Troika
Published 9 hours ago
rochelle pangilinan cinepanalo
Rochelle Pangilinan says she hopes things will eventually be okay between the SexBomb Girls amid the rumored rift involving Jopay Paguia: "Ayoko nang dugtungan pa."
PHOTO/S: Puregold CinePanalo Festival

GORGY RULA

Ayaw na raw dagdagan pa ni Rochelle Pangilinan ang naging pahayag niya sa isyu nila ng ilang kasamahan sa SexBomb Girls.

Tama na raw yung mga sinabi niya sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda.

“Kung anu’t ano man, nasagot ko na lahat kay Tito Boy,” pahayag ng Kapuso dancer-actress.

“So, at least yun, clear na yun. Ayoko nang dugtungan pa ng kung anu-anong salita.

“Na katulad ng sinabi ko, kung ano ang tinanong nila, yun lang po ang sasagutin ko, at nasagot ko na po siya.

"And ayoko nang dugtungan pa kasi… parang yun na yun!”

Nakapanayam ng PEP Troika si Rochelle noong Huwebes, September 17, 2026, sa media conference ng 3rd Puregold CinePanalo Film Festival na ginanap sa Quantum Skyview ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.

Isa si Rochelle sa cast ng pelikulang Apol of My Ai, isa sa pitong entries sa full-length category ng CinePanalo 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama niya rito sina Zanjoe Marudo, Zion Cruz, Jacob Kawagdan, Mads Nicolas, at Kat Galang; mula sa direksiyon ni Thop Nazarteno.

apol of my ai cinepanalo
From left: Rochelle Pangilinan, director Thop Nazareno, Zion Cruz, and Jacob Kawagdan
Photo/s: Puregold CinePanalo Festival

Next week ay lilipad na pa-Amerika si Rochelle para sa series of shows ng SexBomb kaya wala siya sa buong festival ng CinePanalo na Setyembre 23-Oktubre 4.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Babalik daw siya sa October 8 para makadalo sa 49th Gawad Urian, kung saan nominado siya bilang best supporting actress para sa Child No. 82: Anak ni Boy Kana.

Read: Quezon leads 49th Gawad Urian nominations with 10 nods

ROCHELLE HOPES TO SETTLE SEXBOMB ISSUE

Pagkatapos niyang magsalita sa Fast Talak With Boy Abunda, inaasahan ng aktres na tapos na rin ang intriga nila sa SexBomb.

Inaasahan daw niyang okay na raw silang lahat.

“Sana, maging okay,” pakli ni Rochelle.

“Lagi naman ako umaasa na maging okay kami. Kasi katulad ng sinabi ko sa interview, kami ay pamilya. Kami ay magkakapatid.”

Okay lang daw sa kanya kahit siya pa raw ang unang makipag-usap na magkaayos na silang lahat.

“Oo naman! Sino ba naman ako? Para hindi mag-ano, di ba? Mag-ayos,” bulalas ni Rochelle.

Willing ba siyang siya ang unang makipag-usap kay Jopay Paguia?

“Hindi lang siya. Marami. Marami kaming dapat ayusin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hindi lang sa isang side. General lahat yung sinasabi ko,” sabi ni Rochelle.

Read: Rochelle Pangilinan answers rumored rift with Jopay Paguia

JERRY OLEA

Para kay Rochelle Pangilinan, hindi nahahati ang SexBomb Girls sa Team Rochelle at Team Jopay.

“Wala namang ganyan. Walang ganyan simula noon,” bulalas ni Rochelle.

“Parang mga tao lang yata nagbibigay ng ganun. Pero from the start, walang ganyan.”

Hindi naman daw maiwasang nagkakaroon ng ganung problema dahil sa dami nila sa naturang grupo.

“Ang dami namin. Lahat kami, alpha female. Para mag-lead ka sa ganitong grupo, dapat matatag ka,” pakli niya.

Kaya malaking challenge daw sa kanya na maging leader sa naturang grupo.

“Hindi madali mag-lead,” bulalas niya.

“Kasi sa natutunan ko, kasabay ng pag-lead, dapat tagasunod ka rin. Kumbaga, personal alalay ka din, personal assistant ka din.

“So, nag-a-assist ka din. Magkakasabay siya, e. Hindi ka lang basta nagli-lead, e.

“So ayun, minsan sinasabi ko sa kanila pag nagdyo-joke ako, ‘Pagod na pagod na akong maging PA niyo!’ Ganun. Ha! Ha! Ha!” sabi pa ni Rochelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, tapos na raw ang ganitong intriga, dahil mas gusto niyang mag-focus na sa mga positibong bagay, sa mga blessing na natatamo ng buong SexBomb Girls.

“Para sa akin, hindi siya ganun ka-big deal, e. Normal sa amin ang ganito, e. So, ganun po siya.

“Katulad ng sinabi ko, as long as maraming umaasa at nagtitiwala sa akin na mag-lead sa girls, ahh dun ako.

“Magpo-focus na ako sa positive,” saad ni Rochelle.

Read: Sachzna Laparan addresses "Miss Flawless" issue with Angelica Jones

NOEL FERRER

Kamakailan lang ay nagkaroon ng shoot para sa music video kung saan ay ka-collab nila ang mga rising P-Pop groups.

Isa si Rochelle sa producers nito, at naintriga pa dahil sa hindi nakumpleto ang buong SexBomb.

Sadya bang umiwas ang ilang kamiyembro?

Paliwanag ni Rochelle: “Lahat naman po in-invite namin. Nagkataon lang na yung grupo na yun, available.

“After that day, alam ko after one day, umalis na kami, e. So kailangan talaga siyang siksikin, pagkasyahin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi hindi na rin kayang mag-second day kasi, ma-miss yung mga aalis e.

“So, kami siyempre, kailangan naming magbigay ng kahit one day sa family naming para mag-empake, makipag-bonding sa pamilya namin.

“So, inaano namin… isang araw kumbaga, sinasagad namin sa family naming saka pag-eempake ng gamit.

“Siguro, isang araw lang ang kaya naming ibigay para sa shoot ng music video talaga.”

Maganda yung konsepto na nakipag-collab ang SexBomb sa mga bagong all-girl group.

ROCHELLE ON BABY DOLLS

Ano ang reaksiyon niya sa mga sumisikat na all-girl group, kagaya ng Baby Dolls ng It’s Showtime?

Ani Rochelle: “Naku! Sasamantalahin ko na tong pagkakataon.

“Nagpapasalamat ako sa lahat na pinalaki ng SexBomb. Kung hindi dahil talaga sa pinalaki ng SexBomb, hindi kami mag-i-stay hanggang ngayon.

“Actually, simula December 4 last year na nag-reunion concert kami. Dahil sa kanila, nandito pa rin kami.

“Suportahan natin. Kasi, di ba? Novelty is atin. Pilipinong-Pilipino yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun lang naman yung sa amin.”

Read: Brent Manalo says no rift with Darren Espanto after on-air banter

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rochelle Pangilinan says she hopes things will eventually be okay between the SexBomb Girls amid the rumored rift involving Jopay Paguia: "Ayoko nang dugtungan pa."
PHOTO/S: Puregold CinePanalo Festival
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results