PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Did Ellen Adarna sell luxury car gifted by Derek Ramsay?

Source speaks about rumor that Derek took back a condo unit from estranged wife Ellen.
by PEP Troika
Published 2 hours ago
Did Ellen Adarna sell luxury car gifted by Derek Ramsay?
In 2022, it was reported that Derek Ramsay gave Ellen Adarna a Bentley car as a wedding gift. Its estimated cost was P11M. A PEP Troika source claimed, however, that the actress had sold the luxury car now that she and Derek have broken up.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna / @ramsayderek07 Instagram

GORGY RULA:

Nagulat at natawa na lang si Derek Ramsay sa ibinalita ng isang blogger na binabawi raw nito kay Ellen Adarna ang iniregalong condo unit sa BGC, Taguig City.

Sinimulan muna nitong blogger ang balita tungkol sa kontrobersya ng Porche Spyder na kung saan ay nadawit si Derek.

Read: Derek Ramsay’s Porsche 918 Spyder faces BOC seizure

Binanggit na nito ang ilang properties na ang sabi, pati raw ang condo unit ng aktor sa BGC ay binabawi na rin daw kay Ellen. Regalo raw ito ni Derek kay Ellen pagkatapos nilang magpakasal.

Sinabi pang itong condo unit ay pansamantalang tinirhan daw ni Derek nung nagkahiwalay sila ni Ellen.

Detalyado ang pagbalita na parang sure na sure ang paglahad ng kuwento. Kaya hiningan namin si Derek ng reaksyon sa pamamagitan ng isang taong malapit sa aktor.

Natawa na lang daw si Derek nang napanood niya ang naturang blog. Sobrang fake news daw itong tungkol sa condo, dahil una sa lahat, wala raw siyang ipinagmamay-aring condo unit sa Taguig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Never daw niya naregaluhan si Ellen ng condo unit.

DEREK RAMSAY GIFTED ELLEN ADARNA WITH A LUXURY CAR

Ang nabigay lang daw ni Derek sa estranged wife ay bags, ibang gamit, at ang pinakamahal na naibigay daw niya ay ang kotse na iniregalo three months pagkatapos ng kanilang kasal.

Nang maiulat iyon noong 2022, sinasabing ang estimate cost ng luxury car ay PHP11M.

Read: Derek Ramsay surprises Ellen Adarna with PHP11 million Bentley

Ang nakarating sa PEP Troika, ibinenta raw ni Ellen ang kotseng iyun. Kaya wala raw siyang babawiing condo unit, at sabi pa ng taong malapit kay Derek, hindi naman daw nambabawi si Derek ng regalo.

Kaya mas gusto na lang daw manahimik ni Derek muna at ayaw nang mag-artista dahil hindi na siya natatahimik ng mga ganitong intriga.

Abala na lang daw ngayon si Derek sa ilang negosyo, lalo na itong bagong restaurant niya sa Makati City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ellen Adarna flaunts cash support from John Lloyd Cruz for Elias

NOEL FERRER:

Naudlot ang pagbabalik acting ni Derek Ramsay, nang na-shelve naman itong The Kingdom: Magkabilang Mundo sa TV5.

Sinasabi na raw nito sa ilang malalapit na kaibigang ayaw na niyang mag-showbiz. Pero tingnan natin kung may iaalok sa kanya ng magandang project.

ELLEN ADARNA AND JOHN LLOYD CRUZ REUNION?

Ang latest na pinag-uusapan ay ang pagbabalik acting naman ni Ellen Adarna. Napag-usapan na noon pa na magsasama raw sila ulit ni John Lloyd Cruz sa isang sitcom sa GMA-7.

May ilang napagtanungan ang PEP Troika kung matutuloy na ba ito. Pero ayaw pa muna nilang kumpirmahin.

Hindi pa raw ito 100% sure, sabi ng ilang taga-GMA na napagtanungan. Nagulat lang kami sa nabalitaan naming isang taga-Kapuso network ang interesadong i-produce ito.

Read: Aga Muhlach, Charlene Gonzalez react to criticisms against Atasha

JERRY OLEA:

So, huwag ninyong kantahan at kembutan si Papa Derek Ramsay ng: “Oy! Lumaban si papa, matapang / Oy! Lumaban si papa, matapang, aww!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Laban-laban o bawi-bawi/ Laban-laban o bawi-bawi…”

Sa takbo ng pangyayari, malabo sa lababo na matuloy ang The Kingdom: Magkabilang Mundo kung saan tampok sina Piolo Pascual, Sue Ramirez, Cristine Reyes, Ryza Cenon, at Derek.

Iyung bagong season ng Artista Academy na dapat eere noong Pebrero 2026 sa TV5, saan kaya pupulutin?

Ayon sa isang Kapatid insider, totoo na parehong magwawakas sa Oktubre 2, Biyernes, ang panghapong My Bespren Emman at ang pam-primetime na A Secret in Prague.

Umpisa Oktubre 5, Lunes, may adjustments sa afternoon programming ng Singko. Ire-replay raw ang teleseryeng Lumuhod Ka Sa Lupa na tinampukan nina Kiko Estrada, Sarah Lahbati, Sid Lucero, Gardo Versoza, Rhen Escaño, Heaven Peralejo, Mon Confiado, at Ryza Cenon.

Tama ba ang naulinigan namin na ang ookupa naman ng timeslot ng A Secret in Prague ay iyong The Loyalty Game: Level Up nina Jericho Rosales, Janine Gutierrez, at Charlie Dizon?

Nasa cast din nito sina Sofia Andres, Yassi Pressman, Yen Santos, Elisse Joson, Karina Bautista, KD Estrada, Robbie Jaworski, Alyanna Angeles, Kira Balinger, Maika Rivera, Carmina Villarroel, Carlitos Siguion-Reyna, Bernard Palanca, Desiree del Valle, at Pilar Pilapil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyong Episode 41 ng Someone, Someday (90 episodes) nina Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador ay Setyembre 18, Biyernes ng gabi, ang streaming sa Netflix Philippines.

Ang huling 18 episodes nito ay sa Nobyembre ang streaming. Totoo ba na ang ipapalit dito ng TV5 ay ang Love Is Never Gone nina Joshua Garcia at Ivana Alawi?

Iyong Episode 96 ng The Master Cutter (100 episodes) ay Setyembre 18, Biyernes ng gabi, ang streaming sa Netflix PH.

Balita natin ay extended ito hanggang Enero 2027, kaya nga nagpaalam si Dingdong Dantes sa pagho-host ng Family Feud at papalitan muna roon ni Michael V.

May nakapagbulong din sa PEP Troika na mag-i-streaming sa Netflix ang Mommy Guard nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In 2022, it was reported that Derek Ramsay gave Ellen Adarna a Bentley car as a wedding gift. Its estimated cost was P11M. A PEP Troika source claimed, however, that the actress had sold the luxury car now that she and Derek have broken up.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna / @ramsayderek07 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results