PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo on Jennylyn-Patrick issue: "Move on na tayo."

He adds: “Ah, parang awa niyo na! Tigilan niyo na."
by PEP Troika
Published 6 hours ago
Dennis Trillo headlines Amir
In an exclusive interview with PEP Troika, Dennis Trillo says a lot has been said about Patrick Garcia’s controversial interview--and it’s time to move on.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Si Dennis Trillo ang big star na dumalo sa announcement ng second batch ng mga pelikulang tampok sa 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa Grand Atrium ng Shangri-La Plaza, Mandaluyong City, noong Lunes, October 12, 2026.

Si Dennis ang lead actor sa entry ng GMA Pictures at Brightburn Entertainment na Amir.

Ang ganda ng ngiti ni Dennis nang nakatsikahan ng PEP Troika pagkatapos ng programa.

First time daw niya kasing napanood ang teaser ng pelikula at gandang-ganda siya.

Ani Dennis: “Na-excite na ako na makita nila yung kabuuan ng pelikula.

“Puwede sa bata! Nandito yung bida namin, o!” kinarga na niya ang batang produkto ng It’s Showtime na si Argus Aspiras.

Excited si Dennis dahil ibang-iba raw ito sa ginawa niyang Green Bones, na wagi sa MMFF 2024.

“Ibang-iba. Oo. Fantasy, pambata, at nandun pa rin yung family drama.

“Matagal na akong hindi nakagawa ng fantasy, e. So, exciting na this time, meron ng fantasy na element.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And siyempre, malakas din yun maka-atrract sa mga bata.

“And siyempre, sa darating na Pasko ay para sa mga bata. Kaya para sa kanila talaga ito,” sabi pa ni Dennis.

Sabi naman ng batang si Argus: “Excited na ako na mapalabas itong movie na ito dahil ang dami po naming nagawa sa shooting."

Dennis Trillo, Argus Aspiras, Caprice Cayetano, and Joel Saracho at MMFF 2026's announcement of movie entries
Dennis Trillo, Argus Aspiras, Caprice Cayetano, and Joel Saracho at MMFF 2026's announcement of second batch of movie entries
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumosyo ang film production nina Dennis at Jennylyn Mercado na Brightburn Entertainment dito sa Amir.

Sana, maganda rin daw ang kalalabasan kagaya ng Green Bones, kung saan ay nakipag-collab din ang Brightburn.

DENNIS TRILLO ON PATRICK-JENNYLYN ISSUE

Nakasingit kami ng tanong kay Dennis tungkol pa rin sa isyu nina Jennylyn at Patrick Garcia.

Tapos na raw yun, ayon kay Dennis.

Ayaw na raw niyang sundan pa ang huli niyang post tungkol dun. Mag-move on na lang daw tayo.

“Oo naman!” bulalas ni Dennis. “Ang importante, nakapag-move on na tayo sa mga ganung pangyayari. Natuto na. Nasabi na ang gustong sabihin, move on na tayo.”

Read: MMFF 2026 last four films announced

JERRY OLEA

Hindi pa rin tumitigil ang ilang netizens na sumusuporta kina Jennylyn at Dennis.

May mga hindi pa rin tumitigil sa pamba-bash kay Patrick Garcia at may mga iba pang dinadamay.

Kaya nakiusap na lang si Dennis na tigilan na ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ah, parang awa niyo na! Tigilan niyo na. Magmahalan na lang tayo ngayon. Lalo na’t magpa-Pasko na,” sabi ni Dennis.

“Ah, spread love na lang and not hate. Tigilan na ang bashing dahil wala naman talagang magagawa iyan. Magkakasala pa kayo. Makakasakit pa kayo. Tigilan niyo na po.”

Meron bang nagparating sa kanila ng mensahe mula sa kampo ni Patrick? Wala naman daw, at okay lang daw.

“Hayaan na lang natin. Okay na yun,” napangiting pakli ni Dennis.

Read: Analyn Barro "bawal yung tagung-tagong skin" in this TV show

NOEL FERRER

HIGH HOPES FOR AMIR

Mula pa noon, malaki na ang paghanga at paggalang ko kay Dennis Trillo bilang tao at bilang aktor.

Kitang-kita ang kanyang maturity at yung pagiging maginoo niya noon pa man.

Sa kabila ng lahat ng nangyayari, siya pa mismo yung nananawagan na itigil na ang pamba-bash. And that says a lot about his character.

Sana, doon na lang tayo lahat—move forward na with understanding and respect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana rin, makabuwelo na sila sa pagpo-promote ng Amir, na sinasabing pinakamagastos na pelikulang produced ng GMA Pictures.

Sana, tumabo ito sa takilya hindi lang para maibalik ang investment dito kundi magkaroon pa ng panibagong pondo para makagawa pa ng maraming magagandang pelikula tulad ng Amir.

Sama-sama tayong suportahan ito at ang lahat ng mga pelikulang kalahok sa 52nd Metro Manila Film Festival!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an exclusive interview with PEP Troika, Dennis Trillo says a lot has been said about Patrick Garcia’s controversial interview--and it’s time to move on.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results