PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barbie Forteza on Honor Thy Mother set, scenes, friendhips

“Ito yung show na walang problema kami sa set, walang bulilyaso..."
by PEP Troika
Published 9 hours ago
Barbie Forteza had the chance to work with Sharon Cuneta in Honor Thy Mother, which will air its final episodes this month
Time flies! Honor Thy Mother wraps up filming as Barbie Forteza looks back on working with Sharon Cuneta. "Ang pinakanatutunan ko po kay Ms. Sharon ay..." Read below for the full story.
PHOTO/S: Rachelle Siazon

GORGY RULA

Nakausap ko si Tonton Gutierrez pagkatapos ng last taping day nila sa Honor Thy Mother noong nakaraang linggo.

Pawang magaganda ang mga sinabi niya tungkol sa samahan nilang lahat sa set.

Base sa mga pahayag ni Tonton, ramdam kong nami-miss niya ang mga co-actors pati ang staff.

“Ito yung show na walang problema kami sa set, walang bulilyaso, at okay kami lahat,” pakli ng aktor.

Kaya ito rin ang tinanong ko kay Barbie Forteza nung nakausap ko siya sa premiere night ng pelikulang Pee Mak noong Lunes, October 12, 2025, sa Cinema 2 ng SM Megamall, Mandaluyong City.

Kasama ni Barbie si Bianca Umali na dumalo sa premiere night ng Pee Mak bilang suporta sa kaibigan nilang si Bea Binene.

Kinumusta ko kay Barbie ang last taping day nila sa Honor Thy Mother, kung saan bida si Sharon Cuneta.

“Oo nga! Nag-last taping kami nung Friday. Wala! Sobrang mixed emotions. Si Ms. Sharon, ayaw umalis. Nag-iyakan kami lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayun, bittersweet ang aming last taping,” nakangiting pakli ni Barbie.

Sharon Cuneta in Honor Thy Mother
Sharon Cuneta in Honor Thy Mother
Photo/s: Prime Video PH

Kagaya ng mga sinabi sa akin ni Tonton, sobrang na-enjoy raw ni Barbie ang magandang samahan nila sa set.

“Sobrang saya, and we promised na magkikita-kita kami after.

“Sobrang saya lang po talaga kasi first time working with ABS-CBN, Dreamscape also, and finally, ah, with Prime Video, na sila din po talaga yung nag-produce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, I’m really, really grateful. And, of course, to my mother network, GMA, salamat sa tiwala,” saad ng Kapuso actress.

Nasusubaybayan ko itong Honor Thy Mother, at patindi nang patindi ang mga nagaganap sa kuwento ngayong nasa 12th episode na.

Matatapos na ito next week dahil hanggang 14th episode lang ito.

Read: Joshua Garcia has the acting chops; now he needs the right projects

JERRY OLEA

Pero ano yung nakarating sa PEP Troika tungkol sa ilang challenges na naranasan ni Sharon?

Ani Barbie, gets niya kung may mga araw na nakaka-drain dahil halos lahat ng episodes ay iyak sila nang iyak.

Barbie Forteza in Honor Thy Mother
Barbie Forteza in Honor Thy Mother
Photo/s: Prime Video PH
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naiintindihan din daw niya ang pakiramdam ng Megastar.

“I’m sure! Kasi dala niya po talaga yung buong show, diyos ko!” bulalas niya.

Pero sa parte ng Kapuso actress, nakadagdag sa pagod niya ang magkakasunod na proyekto.

“Ah, siguro, nanggagaling pa kasi ano po, e, nakasabay po yung Saving Cherry.

"Kaya ayun, finally, tapos na ang lahat.

“Makapagpahinga na and ano, magkakaroon na ng time kay Bianca," na kasama nga niya sa premiere.

Read: ASAP XP adds Star Worx artists; AOS’ days reportedly numbered

FRIENDSHIP BEYOND THE SET

Ang isa sa ipinagpapasalamat niya ay nabuo ang magandang relasyon nilang lahat sa set, lalo na kay Sharon.

“Opo! Magka-text na magka-text po kami ni Ms. Sharon. Tapos, niyaya niya po kami sa bahay niya.

“Hindi ko alam kung totoo yun. Pero hindi pa niya kasi sine-send yung address. Hahaha.

“Pero soon, pag nalibre na po kaming lahat, definitely magkikita-kita po kami,” natatawa pa ring sabi ni Barbie sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

WHAT BARBIE FORTEZA LEARNED FROM SHARON CUNETA

Maraming natutunan si Barbie Forteza dito sa Honor Thy Mother, pati na rin sa Megastar.

"Ang pinakanatutunan ko po kay Ms. Sharon ay laging i-consider ang nararamdaman ng lahat.

"Hindi lang ng mga artista, ng director, kundi lahat ng crew na bumubuo ng show.

"Kasi sobrang grabe lang po talaga niya alagaan ang sa set talaga,” saad ng Kapuso actress.

Masaya rin siyang nakatrabaho niya rito si Khalil Ramos.

Bukod sa Honor Thy Mother, si Khalil din ang leading man niya sa pelikulang Saving Cherry.

Ani Barbie: “Si Khalil naman kasi, simula pa lang, aktor naman talaga siya, e.

“Ang dami niyang nagampanan na mahuhusay na karakter, at napatunayan niya na mahusay naman talaga siyang aktor.

"So, sobrang saya ko din na nakatrabaho ko siya sa dalawang proyektong ito.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Time flies! Honor Thy Mother wraps up filming as Barbie Forteza looks back on working with Sharon Cuneta. "Ang pinakanatutunan ko po kay Ms. Sharon ay..." Read below for the full story.
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results