GORGY RULA
Inihatid na sa huling hantungan si Ate Gay, Gil A. Morales sa totoong buhay, nitong Nobyembre 10, 2026, Martes, sa Forest Lake, Biñan, Laguna.
Si Ate Gay at ang iba pang pumanaw na stand-up comedians ang pinag-usapan namin ni Allan K sa Thanksgiving celebration ng TV5 na ginanap sa grand ballroom ng Grand Hyatt Manila noong Lunes, November 9.
Sinabi ni Allan K na hindi siya nakakasagot sa text messages na ipinadala namin sa kanya dahil talaga na-stress daw siya sa mga sunud-sunod na pumanaw na mga stand-up comedians.
Apektado raw siya talaga, lalo na itong pagkawala n ani Ate Gay, na isa sa regular hosts niya sa Clowns Republik, na dating Klownz Comedy Bar.
“Siyempre naman! Biro mo, kasama mo sila ng 23 years, isa-isa na silang nawawala!” bulalas ni Allan K.
ALLAN K'S constant reminders TO STAND-UP COMEDIANS
Kaya sinasabihan daw niya ang mga stand-up comedians niyang ingatan ang kanilang kalusugan.
“Sabi ko sa kanila, mag-iingat na sila. Yung lifestyle na gabi-gabi, nagpupuyat, umiinom. Tapos yung kain nang madaling araw.
“Siyempre pagkatapos ng set, pag masaya yung set nila, ang taas pa ng energy. Hanggang sa may araw na sila matulog. Alam mo yun,” saad ni Allan K.
Karamihan sa mga hosts niya ay tumanda na rin sa kanyang comedy bar.
Nung kabataan raw nila ay hindi nila naramdaman yung mga sakit, pero ngayong nagkakaedad na, doon na lumalabas ang kung anu-anong karamdaman.
“Siguro, bata pa rin naman sila. Kaya nila, na parang wala lang ito. Kasi bata pa.
“Ngayon nagkaka-age na, ngayon nararamdaman na nila,” sambit Allan K.
WORK BENEFITS OF CLOWNS REPUBLIK'S COMEDIANS
May mga medical insurance naman daw sila. May SSS, may PAG-IBIG, pero sinasabihan daw niya ang mga ito na dapat talaga mag-ipon.
“Sinasabi ko talaga lagi, mag-save kayo. Kung kikita kayo ng three thousand, one thousand lang ang igasta niyo. Ang two thousand, itago niyo.
“Mare-realize niyo, isang buwan lang, ang laki na palang bagay,” sabi pa ni Allan K.
Read: Boobsie Wonderland recalls late Ate Gay's oxygen tank blooper
JERRY OLEA
Natawa si Allan K nang sabihin niyang mga batang stand-up comedians na raw ngayon ang kinukuha niya.
Nagsitanda na rin daw ang mga matagal nang nagtatrabaho sa kanyang bar.
“As much as possible, gusto ko na ng bata,” natawa niyang pakli.
“Kasi yung mga nawala na, medyo may age na rin naman talaga. Marami na ring mga bago nang dumadating. Yung mga beterano na yung nawala.”
Ilang linggo bago na-hospitalize si Ate Gay ay nagse-set pa raw ito sa Clowns.
Kahit may sakit, hinayaan daw niyang magtrabaho dahil alam niyang yun ang nagpapasaya sa komedyante.
Baka rin daw lalo pa siyang manghina kung hindi niya ito papapasukin sa trabaho.
At nakikita na rin daw niyang ramdam na ni Ate Gay na malapit na itong mamaalam.
“Nakikita kong nararamdaman na niya,” sambit ng Eat Bulaga! Dabarkad.
“Hindi ko siya puwedeng sabihan na huwag ka nang pumasok kasi yun ang gusto niya talaga, e. Iyan ang gusto niya, e.
"Kaya siya humihiling ng mahabang buhay. Para gusto niya talaga mag-entertain.
“Pag magmukmok iyan sa bahay, baka doon pa iyan manghina. Baka doon pa iyan bumigay. Pero ang set niya, hanggang 10:00 P.M. lang.
"Hindi katulad nung dati na inuumaga din siya. Sinabi niya, ‘AK [Allan K], uwi na ako.' 'O, sige, pahinga ka na,'” malumanay niyang pahayag.

Read: Ate Gay holds "living funeral" amid cancer journey
NOEL FERRER
ALLAN K's LAST CONVERSATION WITH ATE GAY
Hindi raw makalimutan ni Allan K yung huli nilang pag-uusap ni Ate Gay bago ito na-hospitalize.
Ani Allan K: “Yung last naming pag-uusap, wala masyado. Yun lang ang sabi niya, ‘AK uwi na ako.’
“Nakaupo ako sa likod. Well, tambayan ko dun sa likod ng backstage. Backstage, tapos sa labas pa. Doon ako umuupo lagi, e.
“Umupo siya sa tabi ko. ‘AK, uwi na ako. Pagod na ako.’ Sige umuwi ka na. Nagga-Grab yun, e. May Grab ka na ba?’”
Tumango lang daw si Ate Gay at umalis na ito.
“After that, mga two weeks pa. Kasi… galing siya sa hospital, galing siya sa bahay, nagpa-dextrose pa siya. May dala siyang dextrose.
“Tapos, nagpa-living eulogy siya. After that, parang ilang araw lang yun, dinala na siya sa Asian [Hospital]. Tapos, tinubuhan na.
“Nung sinabing tinubuhan na, naku, aam ko na ang ending.
"Pero at least, mabait pa rin si Lord, binigyan siya ng one year na sabi ng original niyang doctor na unang nag-diagnose sa kanya, hindi ka abutin ng 2026. O, naka-one year siya.”
Kaya ang payo na ni Allan K sa mga nagtatrabaho sa gabi, lalo na itong mga stand-up comedians: “Advice ko sa mga nagtatrabaho sa gabi, mga stand-up comedians, na alagaan niyo talaga ang health niyo.
“Kasi hindi niyo alam kung kailan darating yung sakit, e. You never know. And as tayong mga nagpupuyat, susceptible tayo sa sakit.
“Kasi yung lifestyle natin, exposed tayo sa mga nagyoyosi, umiinom. Tapos, kumakain pa tayo nang madaling araw. Usually ganyan, e.
"Nagyayaan silang kumain nung madaling araw, kaya inuumaga na. Kaya sabi ko, alagaan nyo yung health. Kasi balewala naman yung kinikita nyo gabi gabi kung magkasakit kayo.”
