PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jose Manalo rules out politics; happy with resort business

"Hindi ako pumapasok sa isang bagay na hindi ko naman kakayanin."
by PEP Troika
Published 11 hours ago
Jose Manalo Arime Hot Spring Resort
Jose Manalo rules out a run for office in 2028, saying he’s happy with his showbiz career and his thriving resort business.
PHOTO/S: Jose Manalo on Facebook

GORGY RULA

Inaasahang sa taong 2027 ay magpaparamdam na ang mga may balak na pasukin ang pulitika.

May ilang celebrities na kaming naririnig na planong tumakbo.

May iba namang sikat at very visible sa showbiz na nililigawan nang kumandidato.

Isang sikat na aktor ang nakiusap sa aming huwag na siyang ikabit sa isyu ng pulitika, dahil ayaw raw niya talaga.

DOES JOSE MANALO WANT TO BECOME A MAYOR IN REAL LIFE?

Ang isa pa sa matagal na palang kinukumbinsing pasukin ang pulitika ay si Jose Manalo.

Tinatawag si Jose na “Mayor” sa "Sugod Bahay, Mga Kapatid" segment nila sa Eat Bulaga!.

Balewala iyan kay Jose kahit na nakasanayan na ng iba na "Mayor" ang tawag sa kanya.

Nung nakatsikahan namin siya sa thanksgiving celebration ng TV5 noong Nobyembre 9, 2026, sa Grand Hyatt Manila, inamin niyang marami na talagang humihikayat sa kanyang pasukin ang pulitika.

May nag-aalok daw na tumakbo siyang konsehal, pati mayor. Pero kaagad silang tinanggihan ng comedian/TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung public service daw ang pag-uusapan, ganun din naman ang ginagawa nila sa Eat Bulaga!.

“Kasi yung public servant din na tinatawag natin, e, sa Eat Bulaga!, ganun din naman ang ginagawa, e. Entertainment din iyan, nag-e-enjoy ang mga tao.

“So, tumutulong ka na rin. Pero para sa pulitika, hindi rin muna siguro.

“Saka hindi ko abot yun. Hindi ako pumapasok sa isang bagay na hindi ko naman kakayanin. Aminin natin yun, hindi puwede,” saad ni Jose Manalo.

Read: Cai Cortez driver's license suspended over viral dancing video

JERRY OLEA

ON ENDORSING A POLITICAL CANDIDATE

Kapag panahon ng kampanya, kabilang sina Jose Manalo at Wally Bayola sa mabentang kinukuha para magbigay ng entertainment.

Pero maingat silang dalawa sa pagtanggap, dahil parang ine-endorse na rin nila ang isang kandidato o partido.

“Depende pa rin dun sa ine-endorse namin at saka sa sinasampahan namin. Siyempre kasama pa rin ang pangalan namin pag nag-endorse ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi lang sa pera ang usapan natin. Oo, maganda yung talent fee. Pero sa tingin ng tao, yun ang kailangang ingatan mo.

“Kailangan kilala mo yung dapat i-endorse, kung papano,” sabi ni Jose.

Read: Kris Aquino, Bimby recall unexpected encounter with James Yap

NOEL FERRER

ON RESORT BUSINESS

Masaya at kuntento si Jose Manalo sa mga sinimulan niyang negosyo.

Isa na rito ang hot spring resort nila sa Laguna, at may isa pa raw silang bubuksan.

“Siguro, si misis ang marunong lang talagang humawak,” pakli ni Jose.

Jose Manalo's resort spring in Laguna is thriving
Jose Manalo's resort spring business in Laguna is thriving.
Photo/s: Jose Manalo on Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang asawa niyang si Mergene ang hands-on daw sa pag-aasikaso nito, sa tulong na rin ni Mommy Chat, ang ina ni Pauleen Luna na siyang nagbigay ng ideya sa ganitong negosyo.

Bilib daw siya kung paano i-manage ng kanyang asawa ang negosyo nila.

“Siya lahat, pati pagpapagawa. Hindi naman ako makikialam kung ano ang makakabuti para sa future, go lang, walang problema.

“So far, meron pa uling pangalawang binubuksan. Sana matapos na uli.

“Thank you, Lord. Pino-provide naman talaga Niya lahat. Kahit hindi mo hingin sa kanya, alam Niya yung pangangailangan mo, e,” sabi pa ni Jose.

ON MMFF ENTRY

Kasama rin si Jose sa Metro Manila Film Festival 2026 entry nina Vic Sotto at Vice Ganda na The Greatest Showdown at na-enjoy raw talaga nila ang shooting.

Sobrang binubusisi raw ito ni Direk Jun Lana para maging maganda at masaya ang pelikula.

“Masaya sa shooting. Saka si Vice, napakabait,” bulalas ni Jose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Matagal na rin naman kaming nagkakakilala, e. Nagko-comedy bar kami, nanood din naman siya, nagkikita-kita kami.

“Magaan katrabaho si Vice. Open. Lahat joke, puwede.

"Pati yung director namin, si Direk Jun, okay. napakaganda.

“Hanggang ngayon, hindi pa kami tapos, talagang binubusisi yung movie. Maganda yung rapport nina Bossing saka ni Vice, sobra.

“Lahat kami, natatawa sa mga batuhan na hindi mo inaakala, biglang merong ganito nabubuo na. Nandun pa rin naman sa script, pero ang ganda.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jose Manalo rules out a run for office in 2028, saying he’s happy with his showbiz career and his thriving resort business.
PHOTO/S: Jose Manalo on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results