GORGY RULA
Hindi na hawak ng Bryce Entertainment si Bryce Nicolo, ang batang bida ng Cinemalaya 2026 movie na Kaka Sa Yawan.
Lumipat na siya sa Viva Artists Agency (VAA).
Naikuwento sa PEP Troika na marami pa raw sisimulang projects ang Viva, at kailangan nila ng mga batang artista.
Pero mas marami raw hawak ang VAA na mga child stars na girls kesa sa boys.
Kinuha nila si Bryce dahil nakyutan daw sila sa nine-year-old actor, at may talent daw ito, lalo na sa pagkanta at pagsayaw.
Na-impress daw sila sa acting ni Bryce sa Kaka Sa Yawan, na balak iikot sa mga eskuwelahan.
BRYCE NICOLO NOW A VIVA TALENT
Kaya noong Biyernes, November 13, 2026, ay pumirma na si Bryce sa VAA kasama ang kanyang lolang si Anna Liza Aklan at ang co-manager nitong si Salve Asis, na alaga rin si Beaver Magtalas.
Present sa contract-signing si Veronique del Rosario-Corpus at ang anak niyang si Atty. Jillian Corpus.

Excited si Bryce sa pagpasok sa Viva at marami siyang binanggit na mga Viva artists na pangarap niyang makatrabaho.
Pero ang pinaka-idol niya talaga ay si Coco Martin.
“Masaya po ako at saka excited po ako. Saka pangarap ko po maging artista po, katulad po ni Coco Martin,” pakli ni Bryce.
Paborito rin ni Bryce sina Anne Curtis, Sarah Geronimo, at Wilbert Ross. Wish niyang makatrabaho ang mga ito.
Baka puwede raw siyang gumanap bilang anak ni Anne. Gusto naman niyang maging kuya si Wilbert.
Game na game si Bryce na nagpaandar sa Viva nang pinakanta at pinasayaw siya. Magwo-workshop daw muna si Bryce sa Viva bago siya isalang sa project.
Read: Kris Aquino, Bimby recall unexpected encounter with James Yap
NOEL FERRER
Nilinaw ng lola ni Bryce Nicolo na si Anna Liza Aklan na priority pa rin ng apo niya ang pag-aaral.
Grade 4 na si Bryce sa St. Paul School Tondo sa Manila.
Ang maganda sa sinabi ni Bryce, suportado siya ng kanyang school.
Sa katunayan, nung ipinalabas ang Kaka Sa Yawan noong Cinemalaya 21, todo raw ang suporta ng St. Paul Tondo.
Sabi ni Bryce, nagustuhan daw nila ang pelikulang ito na dinirek ni Alpha Habon at ginamit pa raw sa subject nilang PeTa o Performance Task.
“Proud na proud po sila at idol na po ang tawag nila sa akin,” sambit ni Bryce Nicolo.
Read: Jose Manalo rules out politics; happy with resort business
JERRY OLEA
BRYCE EUSEBIO NOW A KAPAMILYA
Kagaya ni Bryce Nicolo, nagpalit na rin ng management si Bryce Eusebio, na Kapuso simula 2016 at Sparkle talent simula 2023.
Mula sa pagiging Kapuso, si Bryce ay Kapamilya na at nasa pangangalaga na ng Star Magic.
Interestingly, nagsimula ang career niya sa ABS-CBN through Be Careful with My Heart, na umere mula 2012 hanggang 2014
Nitong Nobyembre 15, Linggo, ay kasama ni Bryce Eusebio ang Star Magic boys na sina Josh Worsley, Michael Grau, at Ice Almeria na humataw sa ASAP XP sa Santiago Sports Arena ng Santiago City, Isabela.

First time nilang mag-perform together.
Good luck kina Bryce Nicolo at Bryce Eusebio!!!
