JERRY OLEA
Natapos na ni Direk Jose Javier Reyes (Direk Joey) ang script para sa pelikulang Ang Pag-ibig sa Mata ng mga Pangkaraniwang Tao.
“Hinihintay ko lang ang 2028 kung puwede na akong magdirek,” sambit ng FDCP Chairman and CEO slash multi-awarded scriptwriter ang director noong Nobyembre 20, 2026, Biyernes, sa Versailles Tent ng Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.
“Dahil ipinangako ko kay JM Ibarra na igagawa ko siya ng kuwento. Sinabi ko sa kanya, ‘I’ll write a movie for you.’
“E, si Jorrybell [Agoto] yon at si JM. Kuwento ng mga nagtatrabaho sa Rizal Avenue [Sta. Cruz, Manila].”
Pumanaw si Jorrybell noong Nobyembre 17, Martes, sa edad na 32.
WHO WILL REPLACE JORRYBELL AGOTO IN DIREK JOEY'S MOVIE?
Puwede bang si Fyang Smith na lang ang makatambal ni JM sa nasabing project?
“Hindi! Kasi kailangan, mukhang nagbebenta sa ukay-ukay. Si Fyang, hindi mukhang nagbebenta sa ukay-ukay!”
Wala pang maisip si Direk Joey kung sino ang puwedeng ipalit kay Jorrybell.
Siyangapala, ang lamay kay Jorrybell ay mula Nobyembre 22, Linggo, hanggang Nobyembre 24, Martes, sa Room 406, St. Peter’s Chapel, Quezon Avenue, Quezon City.
Read: Filipiñana star Jorrybell Agoto dies at 32 after cancer battle
NOEL FERRER
Pinasalamatan ni Bianca Balbuena-Liew ang AKTOR-League of Filipino Actors.
Si Bianca ay isa sa producers ng pelikulang Filipiñana na pinagbidahan ni Jorrybell Agoto.
Bahagi ng recent Facebook post ni Bianca, “Salamat sa Aktor group -- Nour, Maris, JK, Iza at lalo na kay Dingdong sa pag asikaso ng lahat (grabe ka, Dong! May good karma find you always).”
Komento ni Direk Joey Reyes sa pag-aasikaso ng AKTOR kay Jorrybell: “Nakaka-touch. Kasi, hindi naman si Jorrybell yung A-lister na above the title.
“Pero makikita mo na nire-recognize nila ang kahalagahan, ang true talent.
“Na kahit maikli ang career niya at sandali lang siyang kasama, alam yung kahalagahan niya.
“Tsaka alam mo, kilala ko ang batang yan, napaka-selfless niyan. Lumabas na siya sa Cinemalaya, lumabas na siya sa Filipiñana, umaapir pa siya sa student films!
“She was very generous with what God has given her. Yun siguro ang naging problema.
“Ambait-bait niya! Kinuha siya agad!”
Read: Filipiñana star Jorrybell Agoto mourned by film industry
GORGY RULA
Nakikita naman kay Direk Joey Reyes na nami-miss na niya ang pagsusulat at pagdidirek. At nami-miss na rin natin ang mga pelikula niya.
Pero may responsibilidad pa siyang kailangang tuparin para sa ating movie industry.
Sana, matupad ito bago niya iwan ang FDCP sa 2028.
Noon pa man ay bilib na siya kay JM Ibarra kaya sana, matuloy itong binubuo niyang project para sa Kapamilya actor.
Samantala, nakakalungkot talaga itong kay Jorrybell dahil sa ating industriya lang talaga siya nabibigyan ng pagpapahalaga, lalo na ngayong pumanaw na siya.
Hindi pa siya gaanong kakilalang karamihan, kaya sinusubukan naming hingan ng tulong para sa natira niyang hospital bill.
Ang nakarating sa amin ay mahigit PHP4M pa ang kailangang buuin, at sinusubukan pa ring kumatok ng mga nagmamalasakit kay Jorrybell sa mga nasa posisyon para makahingi ng malaki-laking halaga.
Sana, bago man lang ilibing si Jorrybell ay maresolba na ito para kahit paano ay makagaan man lang sa bigat na pinagdaanan ng kanyang pamilya.
Read: Jorrybell Agoto reacts to being compared to Dolly de Leon
