PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rob Sy on threesome scene in Mang Kanor

Rob Sy, karangalang sumunod sa yapak ni Rez Cortez.
by PEP Troika
Published Jan 30, 2023
rob sy mang kanor
Roby Sy on being considered as heir apparent to Rez Cortez (not in photo): "Nung nagsisimula ho ako, no, 14 years ago after Survivor… ang plano ho sa akin ng GMA noon is to be a comedian. Puro comedy, puro comedy ang ini-inject nila sa akin. Pero nung nabigyan ako ng pagkakataon at sinabi na, ‘Hindi! Teka! Teka! Bago yung first comedy mo, subukan ka muna namin sa isang kontrabida role.’ Si idolong Rez Cortez po ang isa sa mga inspirasyon ko para magampanan yung character na yun na ginawa ko sa G
PHOTO/S: Jerry Olea / AQ Prime

JERRY OLEA

May mga nagpapalagay na sumusunod si Rob Sy sa mga yapak ni Rez Cortez, ang undisputed "Pambansang Rapist ng Philippine Cinema."

Pareho silang balbas-sarado, at co-stars sa pelikulang Mang Kanor na streaming na sa AQ Prime.

“Iyan ang pinakamasarap na natanggap kong compliment,” nakangiting sabi ni Rob sa Q&A matapos ang preview ng Mang Kanor noong Enero 25, 2023, Miyerkules, sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City.

“Maraming salamat. That alone, sobrang nakakataba ng puso. Rez Cortez po iyan, e. Legend po iyan, hindi lang sa Pilipinas, sa buong Asya. Idolo ko po iyan, sa totoo lang.

“Kasi nung nagsisimula ho ako, no, 14 years ago after Survivor… ang plano ho sa akin ng GMA noon is to be a comedian. Puro comedy, puro comedy ang ini-inject nila sa akin.

“Pero nung nabigyan ako ng pagkakataon at sinabi na, ‘Hindi! Teka! Teka! Bago yung first comedy mo, subukan ka muna namin sa isang kontrabida role.’

“Si idolong Rez Cortez po ang isa sa mga inspirasyon ko para magampanan yung character na yun na ginawa ko sa GMA.

“So simula ho noon, awa ng Diyos, 14 years later, nandito pa ho tayo. At… bugbog na bugbog na po yung katawan ko!” pag-e-emote pa ni Rob.

“Grabeeee!!! Yun po! Maraming salamat sa compliment.”

Read: Rez Cortez, aminadong "nakakadiri" ang sex scenes niya sa Mang Kanor

Mapangahas si Rob sa Bingwit na isa sa mga unang handog ng AQ Prime noong Agosto 8, 2022.

Bolder and more daring si Rob sa Mang Kanor, kung saan nakipag-threesome siya sa dalawang babae.

“Yun nga po, binigyan tayo ng go-signal ni Direk Greg Colasito saka si D.O.P., Direk Carlo Alvarez saka Direk Kim Galicia kaya talagang yun na yun!” bulalas ni Rob.

“Kulang nga, e! Nagkasakit ako nun, e! Oo at saka ang usapan kasi… pero totoo ito, ha? Ang usapan kasi namin, hindi lang yun yung eksena na iyon.

“Meron pang ibang… sabihin na natin na threesome na different supposedly. Kaya kung napapansin ninyo, hindi namin nabigay nang todo.

“Maraming mga posisyon sa threesome na hindi namin pinakita dun. Kasi dapat, sa susunod na eksena. Sorry, maging diretso na ako....

“Dog style at kung anu-ano pa, hindi namin naipakita dun. Kinapos kami sa oras. Totoo iyan, at saka nagkasakit ako.”

Title role ang 67-anyos na si Rez sa Mang Kanor. Nasa cast din ng pelikula sina Seon Quintos, Via Veloso, Emelyn Cruz, Rain Perez, Joni McNab, at Atty. Aldwin Alegre.

Read: Sexy stars Emelyn Cruz at Seon Quintos, aminadong nadarang sa sex scene nila sa Mang Kanor

GORGY RULA

Memorable ang pagganap ni Rez Cortez sa mga pelikulang Insiang (1976) at Angela Markado (1980) na parehong pinagbidahan ni Hilda Koronel, pati na sa Kontrobersyal (1981) na pinagbidahan ni Gina Alajar.

Ang mga ito ay idinirek ng National Artist na si Lino Brocka.

Pahayag ni Mang Rez, “Gusto ko lang sabihin sa lahat na I have the best job in the world dahil nakaka-rape na ako, hindi ako huhulihin ng pulis, hindi ako idedemanda… babayaran pa ako!”

Malaking challenge para kay Rob na patunayang karapat-dapat siyang heir apparent ni Mang Rez!

NOEL FERRER

Ibang hamon ang dala ng Mang Kanor kay Rob Sy bilang junior Rez Cortez na kilala bilang "Pambansang Rapist."

Iba rin na ang sinusundan mong yapak ay isang establisadong character actor. Naalala ko sa MMFF 2022 Screening, parang naging Rob Sy festival din dahil parang nakatatlo o apat na pelikula na siya ang kontrabida.

Hindi lang alam ng mga tao na ang prolific ni Rob at ang dami na palang natapos na pelikulang dapat maipalabas na.

Good luck sa Mang Kanor!!!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Roby Sy on being considered as heir apparent to Rez Cortez (not in photo): "Nung nagsisimula ho ako, no, 14 years ago after Survivor… ang plano ho sa akin ng GMA noon is to be a comedian. Puro comedy, puro comedy ang ini-inject nila sa akin. Pero nung nabigyan ako ng pagkakataon at sinabi na, ‘Hindi! Teka! Teka! Bago yung first comedy mo, subukan ka muna namin sa isang kontrabida role.’ Si idolong Rez Cortez po ang isa sa mga inspirasyon ko para magampanan yung character na yun na ginawa ko sa G
PHOTO/S: Jerry Olea / AQ Prime
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results