PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vivamax, Nakakapagpainit na mga Pelikula at Serye

Rita Martinez at Yen Durano, may matinding girl-to-girl action.
by PEP Troika
Published Jan 8, 2023
panibugho lovely ladies dormitory
(Top) Sisters Micaella Raz, Stephanie Raz, and Angela Morena star in latest Vivamax movie Panibugho; (bottom) newbie sexy stars Andrea Garcia, Hershie de Leon, Yen Durano, and Tiffany Grey are featured in the Vivamax sexy series Lovely Ladies Dormitory.
PHOTO/S: Vivamax

JERRY OLEA

Magdadalawang taon na ang Vivamax, at patuloy itong namamayagpag. Wala itong kakumpitensya sa local market.

Tuwing Biyernes ay may bagong mapangahas na pelikula sa Vivamax, at tuwing Linggo ay may bagong episode ng ongoing series.

Siyempre pa, sa dinami-dami ng mga palabas ay may mga istorya at eksenang nagkakahawig. Parang deja vu na tuloy minsan ang panonood. Kaya effort na may bago tayong matunghayan kahit paano. Nasa atake na iyon, kumbaga.

Ang pelikulang Panibugho ang buena manong handog ng Vivamax ngayong 2023. Noong Enero 6, Biyernes, ito nag-streaming.

panibugho poster

Hindi na bago iyong dream sequence kung saan pinagsaluhan si Felipe (Kiko Estrada) ng Paraiso sisters na sina Sonya (Angela Morena), Ester (Stephanie Raz), at Lea (Micaella Raz).

Read: Sexy stars na sina Angela Morena, Stephanie Raz, at Micaella Raz mentors kung ituring sina Lara Morena at Paolo Bediones

Pero bago sa paningin namin iyong pagse-share nina Felipe at Lea sa isang saging, na kapagkuwan ay ipinasok kunwari ni Felipe sa private part ni Lea. Nasa karetela ba sila nang mga sandaling iyon?

May intercut iyon sa harutan nila sa may talon. Hindi naalagaan ang editing doon dahil naka-white brief muna si Felipe, and then ipinakitang wala na siyang underwear, tapos ay hayun, ipinakitang na naka-underwear muli siya.

Sa may climax ng istorya, walang saplot na nagtalik sina Sonya at Mako (Benz Sangalang). Nagbardagulan sila, at sa pag-aagawan nila ng baril ay nag-hello ang plaster ni Mako sa harapan.

Ngayong Enero 8, Linggo, naman nag-streaming sa Vivamax ang Episode 4 (“Jackielyn, The Dancer”) ng seryeng Lovely Ladies Dormitory.

May kani-kanyang hanash at paandar ang mga pangunahing tauhan na sina Tracy (Andrea Garcia), Miya (Hershie de Leon), Stella (Julia Victoria), Alma (Tiffany Grey), at Jackielyn (Yen Durano).

Read: Sexy stars Andrea Garcia at Julia Victoria, keber sa mga artistang di type lumabas sa Vivamax

Palaban pa rin sa hubaran ang harutan si Alan Paule bilang Domingo o Dom (as in dirty old man), ang sugar daddy ni Miya.

Take note na Domingo rin ang pangalan ng karakter ni Alan Paule sa pelikulang My Father, Myself, pero Domeng ang palayaw nito roon.

Na-nominate si Tiffany Grey bilang best supporting actress sa 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa pagganap niya sa My Father, Myself.

At any rate, nagpaka-cam girl si Jackielyn bilang Super Petchay. Nakatanggap siya ng wonderful gift na sex toy (kamay) mula kay Boss Anarchy. Inspired kaya iyon ni Thing sa Netflix series na Wednesday?

Kung sa previous projects ng Vivamax ay dildo o prosthetic penis ang isinubo ng Vivamax babe, sa Episode 4 ng Lovely Ladies Dormitory ay isinubo ni Jackielyn at ipinasok kunwari sa private part niya ang dalawang daliri ng naturang sex toy.

Nakipag-eye all si Jackielyn kay Boss Anarchy, at sa face reveal ay ito pala si Bea (Rita Martinez).

Matatandaan na si Rita ang love interest ni Rhen Escaño sa eight-episode GL series na Lulu, na nag-streaming umpisa Enero 2021.

Read: Rhen Escano ayaw maging lalaki ang lesbian screen partner na si Rita Martinez

Pa-tweetums sina Rhen at Rita sa Lulu. Sandali lang iyong eksenang naglunoy at nagtampisaw sila sa batis sa Episode 5 (“Toxic Waste”).

Sa pagwawakas ng serye sa Episode 8 (“Ending, Beginning”) ay masuyo pa rin ang halikan nina Rhen at Rita, na parehong fully clothed sa dalampasigan. Pero dito sa Lovely Ladies Dormitory, torrid ang halikan nina Rita at Yen. Umaatikabo!

Kapwa wala silang saplot sa infinity pool. Wagas! Solid! Mabangis!

First time iyon ni Jackielyn sa girl-on-girl action, at unang pagkakataon din na naabot niya ang sukdulan.

Gusto ni Bea/Boss Anarchy na lumalim pa ang ugnayan nila ni Jackielyn, ngunit hindi pa handa ang dalaga. Sabi pa ni Jackielyn, gusto niya rin si Bea pero hindi siya tomboy.

Sabi naman ni Bea, “Hindi ibig sabihin na kapag nakipagrelasyon ka sa akin, tomboy ka na rin. Affection is… it’s complex. It’s fluid.

“And hindi naman kailangang makahon ang gender sexual orientation sa babae lang, o sa lalaki…”

Ang Lovely Ladies Dormitory ay idinirek ni Mervyn Brondial.

Nasa cast din nito sina Alma Moreno, Gene Padilla, Yuki Sakamoto, Massimo Scofield, Aerol Carmelo, Nico Locco, Alona Navarro, Aica Veloso, Shirley Fuentes, Isadora, Lotlot Bustamante, at Matt Francisco.

NOEL FERRER

Nakorner na talaga ng Vivamax ang mga sexy adult content na bihira o hindi na umaabot sa big screen. Hindi rin ito dumadaan sa MTRCB kaya tunay na mapangahas ang mga content dito.

Salamat sa mga direktor na matitino who are able to transform the materials into significant films like Mac Alejandre of the Ricky Lee stories, Law Fajardo, even Jay Alatejos.

As for the stars like Rita and Yen (na anak pala ni DJ Durano), they are well on their way to becoming the new generation Viva Hot Babes.

Happy Second Anniversary, Vivamax!

GORGY RULA

Mga kalalakihan ang karamihan sa subscribers ng Vivamax. Kaya baka type nila ang tomboyan na mga eksena.

Pero mas type at maingay ang karamihang netizens kapag BL series ang pinapanood nila.

Ang dami pang mga ilulunsad na Vivamax stars. Asahan nating marami pang mapapanood sa Vivamax.

Pero tingnan natin ngayong taon kung tuluy-tuloy na ang lakas sa mga sinehan, lalo na sa local films natin.

Kapag mabalik na ang nakakasanayan ng mga taong manonood sa mga sinehan, titingnan natin kung mananatiling malakas pa rin ang Vivamax. Pero kapag sex ang ihahain sa mga manonood, tiyak na marami pa rin ang interesado.

Tingnan na lang natin!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top) Sisters Micaella Raz, Stephanie Raz, and Angela Morena star in latest Vivamax movie Panibugho; (bottom) newbie sexy stars Andrea Garcia, Hershie de Leon, Yen Durano, and Tiffany Grey are featured in the Vivamax sexy series Lovely Ladies Dormitory.
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results