PEP Special Year-End Report: 100 Most-Read PEP Breaking News in 2010

Rommel R. Llanes
Friday, February 11, 2011 @ 07:50PM  |  82 views


  Reports on Angelica Panganiban's feud with Claudine Barretto occupied most of the spots in the list of PEP's Most-Read Breaking News. The heart-warming story of Angelica's reunion with her father took third spot.

Photo By: Noel B. Orsal













Nitong 2010, mga istorya tungkol sa relasyon sa pagitan ng mga magkasintahan, mag-asawa, magkapatid, magkaibigan, manager-talent at network-talent, ang binasa nang husto at pinagdiskusyunan ng mga parokyano't bisita ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Mas kapansin-pansin na, kumpara sa 2009, lubhang lumaki ang itinaas ng page views (o bilang ng pag-click sa istorya) at ng unique users (o bilang ng mga individual Internet Service Providers na bumisita) ng PEP nitong 2010.

Patunay lamang ito ng patuloy na lumalaki ang pagtitiwala ng mga mambabasa at Internet users sa mga artikulong inilalabas ng PEP. 

Patunay din na mas popular sa mga mambabasa kapag ang mga balita at istorya ay mas kumpleto, mas malalim, at mas up-to-date.

Kaya naman sa PEP lang talaga sila unang pumupunta.

Noong nakaraang taon, ini-report ng PEP sa "100 Most-Read PEP Breaking News in 2009" (CLICK HERE to read related story) ang 158,869 page views at 131,172 unique users ng artikulo tungkol sa diumano'y away sa pagitan ng Pambansang Kamao, at ngayo'y Saranggani congressman na si Manny Pacquiao, at ng asawa nitong si Jinkee (CLICK HERE to read story).

Ngayong taon, dinaig ng bilang ng artikulong iyon ang tungkol sa alitan nina Claudine Barretto at Angelica Panganiban na, "PART 2. The public awaits Angelica Panganiban's move; Mrs. Martin Castro corrects Claudine Barretto's story."

 

GOOGLE ANALYTICS. Ayon sa Google Analytics, na siyang nagtatala ng mga bilang ng page views at unique users ng PEP, nakakuha ang ikalawang bahagi ng istorya sa likod ng alitang Claudine-Angelica ng: mahigit 455,910 page views at binisita ng 225,376 unique users.

Ang artikulong ito—na mula sa personal na pakikipag-usap ng YES! Magazine at PEP Editor-in-Chief na si Jo-Ann Q. Maglipon sa maybahay ng lalaking damay sa alitan nina Claudine at Angelica—ang siyang nasa unang puwesto ng listahan ng "100 Most Read PEP Breaking News in 2010."

Nasa 16th place naman ang unang bahagi ng artikulong ito na "PART 1. Claudine, Angelica, Gretchen: An unfortunate tale of intrigues, threats, and lawsuits drags in the names of three of showbiz's most beautiful stars," na may 184,902 page views at 171,046 unique users.

Okupado rin ang numbers 7, 9, 18, 36, 68, 73, at 89 spots ng mga artikulong may kuneksyon sa away nina Claudine at Angelica.

Istoryang alitan pa rin ang nasa pangalawang puwesto naman ng most-read stories in 2010. May bilang na 419,667 page views at 378,706 unique users ang artikulong "PEP EXCLUSIVE: Claire dela Fuente asks GMA-7 to 'protect' Bela Padilla from 'harassment' by Marian Rivera." Asahan na ang mainit na palitan ng mga komento kapag si Marian Rivera ang laman ng isang artikulo.

Pero hindi naman puro alitan lang ang nakakuha ng malalaking bilang ng page views at unique users. Sa katunayan, okupado ng istoryang "Angelica Panganiban reunites with her real father; relates how she discovered that she is adopted" ang pangatlong spot ng 100 Most-Read list.

Eksaktong 341,171 page views at 55,236 unique users ang nakuha ng heart-warming article na ito tungkol sa pagkikita sa wakas nina Angelica at ng biological father niya.

Ang paglipat ni Willie Revillame at kasalukuyang legal battle niya laban sa ABS-CBN kasunod ng pag-alis niya dito, ang hiwalayang Kris Aquino-James Yap, mga relasyong Mariel Rodriguez-Robin Padilla, Ruffa Gutierrez-John Lloyd Cruz-Shaina Magdayao, Kim Chiu-Gerald Anderson-Bea Alonzo, at iba pang namuo at naghiwalay na mga relasyon ang nasa listahan din ng mga pinakabinasang istorya sa buong taon ng 2010.

Heto ang kumpletong listahan ng 100 Most-Read PEP Breaking News in 2010 at ang mga bilang ng kanilang page views (PV) at unique users (UU) mula Enero hanggang Disyembre 2010.

1  2  3  4  5  6  7  8  Next »


16 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name