PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Natulala si Ruru Kay Robin Padilla.

He always tells Kylie that her dad is his idol.
by Rose Garcia
Published May 20, 2023
Ruru Madrid
Ruru Madrid reveals he got starstruck the first time he saw Robin Padilla: "Talagang hindi po ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, natulala ako."
PHOTO/S: @rurumadrid8 on Instagram

Si Ruru Madrid na yata ang isa sa busiest Kapuso stars ngayon.

“Sobrang blessed po,” masayang sabi niya. "Siguro, para siyang pambawi, e.

"Matagal po akong naghintay para doon sa Lolong. I really waited for that show, three years. Kaya I feel so blessed right now.

"Kaya sabi ko, kahit na tuloy-tuloy ang mga proyektong ginagawa ko, gusto ko talagang ipakita na deserving po ako sa bawat projects na ipinagkakatiwala sa akin.

“I just want to prove, not just to everyone but to myself, na kaya ko pong gawin iyon.”

READ Ruru Madrid admits almost quitting showbiz because of Lolong

Ikinatuwa ng Kapuso actor na si Ruru na muli niyang makakatrabaho si Yassi Pressman.

Silang dalawa ang magkapareha at mga bida sa pelikulang Video City, ang unang collaboration ng GMA Pictures at VIVA Films sa panulat at direksiyon ni Raynier Brizuela.

Lahad ni Ruru sa mediacon na ginanap sa Botejyu, Estancia, noong May 12, “Siyempre, sobrang natuwa po ako na makakatrabaho ko si Yassi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ten years ago nang magkita kami, pero sa ten years na iyon, nakita ko rin ang growth ni Yassi as an actress, as a versatile performer.

“Kumbaga, sa social media ko lang siya nakikita, pero kapag nagja-jogging ako sa village niya, nakikita ko rin siya doon. Pero, nahihiya akong lumapit sa kanya.

"Nakiki-village lang ako sa kanya kasi, yung coach ko, same village niya. So, doon ako nagti-training, doon ako nagba-basketball.

"Pero iniisip ko, baka hindi na ako kilala ni Yassi, kasi ten years ko na siyang hindi nakikita.

“Kaya noong magkaroon ng chance na magkaka-work kami, sobrang naging happy ako dahil kumbaga ngayon, nagiging open na lahat sa collaboration.

"I guess, for us, actors, malaking bagay po iyon. Natututo po kami sa bawat nakakatrabaho namin, at yun ang naa-apply namin sa mga susunod pang trabaho namin.

“I’m very happy with Yassi na magkasama po kami sa proyektong ito.”

FAN OF ROBIN PADILLA

May isa pang ikinatutuwa ni Ruru tungkol sa movie project na ito, “Masaya po ako sa collaboration ng GMA at VIVA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Homegrown talent po ako ng GMA. It’s actually my 10th year na with GMA and with VIVA.

"Of course, sobrang malaking karangalan po sa akin dahil sobrang fan po ako ni Mr. Robin Padilla.

“At lahat po ng pelikulang ginagawa niya, nirerentahan ko po iyon sa Video City."

Back in the '90s, kilala ang VIdeo City for rental ng mga movies in VHS tapes.

Binanggit ni Ruru ang ilan sa mga pelikula ni Robin—Maging Sino Ka Man (1991), Anak ni Baby Ama (1990).

Sabi pa niya, "Basta lahat po ng Robin Padilla movies, ilang beses ko po talagang pinapanood.

"So, masarap sa pakiramdam na parang nagko-connect or nag-a-align lahat sa kahit saan proyekto.”

Si Robin, na ngayon ay senator ng bansa, ay isa sa mga kilalang VIVA artist noon at marami siyang nagawang pelikula under VIVA Films.

Nasabi na raw ni Ruru kay Kylie Padilla, anak ni Robin, na sobrang idolo niya ang ama nito. Alam ba naman ito ni Robin?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, “Hindi ko po alam kung alam niya, pero palagi ko pong nasasabi kay Kylie kasi palagi kaming nagkakatrabaho.

"Pero sa first time na nakita ko po si Senator Robin Padilla, talagang hindi po ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, natulala ako.

“Parang yun pala ang pakiramdam na kahit tao sa pakiramdam ko, hindi siya tao. Ganoon ako na-starstruck sa kanya.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid reveals he got starstruck the first time he saw Robin Padilla: "Talagang hindi po ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, natulala ako."
PHOTO/S: @rurumadrid8 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results