Vice, Regine, Angel, Judy Ann, other Kapamilya stars rejoice over ABS-CBN-Zoe TV partnership

by Arniel C. Serato
Oct 6, 2020
Kapamilya stars Vice Ganda, Regine Velasquez, Angel Locsin, and Judy Ann Santos express their happiness via social media after ABS-CBN confirmed that some of their shows will be seen again on free TV via A2Z Channel 11.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Nagdiwang ang ilang Kapamilya stars dahil sa magandang balitang inilabas ng ABS-CBN ngayong Martes, October 6.

Ito ay may kaugnayan sa blocktime agreement ng ABS-CBN at Zoe Broadcasting Network Inc.

Tatawagin ito mula ngayon bilang A2Z Channel 11.

Sa Sabado, October 10, muli nang mapapanood sa free-TV ang ilang palabas ng Kapamilya network.

Bahagi ng pahayag na inilabas ng network ngayong araw:

"Simula Sabado (Oktubre 10), mapapanood na ang mga programa at pelikula ng ABS-CBN sa bagong A2Z Channel 11 bilang bahagi ng kasunduan ng ABS-CBN at Zoe Broadcasting Network Inc.”

Mapapanood sa free-TV ang ilang mga palabas at pelikula ng Kapamilya network sa Metro Manila at sa mga malalapit na probinsiya.

"Magtutulungan ang ABS-CBN at Zoe para maghatid ng entertainment, public service programs, at educational shows sa publiko,” nakasaad pa sa statement ng ABS-CBN.

Hindi tinukoy kung anu-anong mga palabas ng ABS-CBN ang ipalalabas sa A2Z Channel 11.

Ngunit base sa impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kabilang dito ang daily noontime show na It's Showtime at ang Sunday musical-variety show na ASAP Natin 'To.

Continue reading below ↓

KAPAMILYA STARS

Ikinagalak naman ng ilang artista ng ABS-CBN ang balitang ito.

Post ng ASAP Natin 'To mainstay Regine Velasquez sa Instagram, “You will see us on free TV again. God is so good #kapamilyaforever

Continue reading below ↓

Pati ang asawa niyang si Ogie Alcasid ay nagdiwang din sa announcement.

Saad nito sa kanyang post sa Instagram, “Nood na tayo.”

Ayon naman sa Iba 'Yan host na si Angel Locsin, “Kitakits mga Kapamilya sa Channel 11”

Continue reading below ↓

"Better days!” ang maiksing post ng It's Showtime host na si Vice Ganda.

Sabi naman ni Judy Ann Santos, “On a happy note. #grateful #kapamilya

Continue reading below ↓

Komento ni Gary Valenciano, “Even the darkest of days end up with the rising of a new dawn.

"Like we have always said...we will continue to be at our very best to serve you.

"Here we go!!!!!”

Dagdag ni Martin Nievera, “Finally some good news! Let’s do this #kapamilya @asapofficial

Continue reading below ↓

Sina Gary at Martin ay bahagi rin ng ASAP Natin 'To.

"BETTER DAYS"

Una nang nagpahiwatig ukol dito si Vice sa opening ng It's Showtime noong Biyernes, October 2.

Ayon sa kanya, dapat mag-abang-abang ang Madlang Pipol dahil may magandang balita na dadating sa mga susunod na araw.

"Madlang Pipol" ang tawag sa mga masugid na tagapanood ng Kapamilya noontime show.

Continue reading below ↓

Sabi ng comedian-TV host, “Naku, naku, naku! Abang-abang lang kayo diyan, huwag kayong ano sa akin.

“Naku, abang-abang lang kayo diyan. Ay naku, naku, naku!”

Hindi naman siya nagbigay ng clue sa magandang balitang tinutukoy niya.

Aniya, “Ayoko na lang talaga magsasalita baka mapagalitan ako, pero naku, naku, naku, abang-abang lang kayo diyan.

“Naku, naku Madlang Pipol, abang-abang and kita-kits.”

Nagpaalam sa free-to-air TV ang ABS-CBN noong May 5 matapos mapaso ang prangkisa nito noong May 4.

Tuluyang ibinasura ng Kongreso ang kanilang franchise application noong July 10, 2020, matapos ang halos dalawang buwang hearing.

Ito ay alinsunod sa matagal nang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN.

Sa ngayon, sa iWantTFC, online, at Kapamilya Channel sa cable na lamang mapapanood ang mga natitirang programa ng Kapamilya network.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya stars Vice Ganda, Regine Velasquez, Angel Locsin, and Judy Ann Santos express their happiness via social media after ABS-CBN confirmed that some of their shows will be seen again on free TV via A2Z Channel 11.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results