Bianca Manalo on ABS-CBN-Zoe TV deal: “Pinag-isa tayo ng Diyos at pag-ibig!”

by Arniel C. Serato
Oct 7, 2020
Ang Probinsyano star Bianca Manalo excited about blocktime deal between ABS-CBN and Zoe TV, which has been rebranded to A2Z Channel 11.
PHOTO/S: Courtesy: @biancamanalo on Instagram

Isa si Bianca Manalo sa labis na natutuwa sa pagbabalik sa free-to-air television ng ilang programa ng ABS-CBN.

Sa kanyang Instagram kahapon, October 6, masayang ibinahagi ni Bianca ang magandang balita ukol sa pag-ere ng ilang programa at pelikula ng ABS-CBN sa rebranded na Zoe TV.

Simula October 10, Sabado, tatawagin nang A2Z Channel 11 ang pagmamay-aring istasyon ng Jesus Is Lord (JIL) founder na si Cibac Party-list Representative at Deputy Speaker Eddie Villanueva.

Sabi ni Bianca sa kanyang post, “Pinag-isa tayo ng Diyos at pag-ibig!”

Continue reading below ↓

Kabilang si Bianca sa cast ng longest-running action primetime series ng ABS-CBN na Ang Probinsyano.

Isa ang teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin sa mapapanood muli sa free TV simula sa susunod na linggo.

Nagkomento sa post ni Bianca si Senator Joel Villanueva, anak ni Brother Eddie.

Sabi ng mambabatas, “Amen @biancamanalo. cant wait for Ang Probinsyano”

Nagpasalamat naman si Bianca sa senador.

Sabi nito, “@joelvillanueva yehey!!! super thank you Lord, Sen. Joel!”

Kasamahan ni Senator Villanueva sa senado ang boyfriend ng beauty queen-actress na si Senator Sherwin Gatchalian.

Continue reading below ↓

MORE KAPAMILYA STARS

Sunud-sunod din ang pagre-repost ng maraming Kapamilya stars ukol sa blocktime deal ng ABS-CBN at A2Z Channel 11.

Sabi ni Dimples Romana sa kanyang post, "God is good!”

Post naman ni Kyla, “Great news. Happy to share this with you.”

Continue reading below ↓

“Maraming Salamat. Lord!” ang nakalagay sa post ng batikang aktor na si Michael de Mesa.

Ayon naman kay Mariel Rodriguez, “Yaaaay Madlang People!!! Mapapanood niyo na ang @itsshowtimena sa channel 11!!!!”

Continue reading below ↓

Mahabang mensahe naman ang ibinahagi ni Amy Perez sa kanyang Instagram.

Dito ay kinumpirma niyang mapapanood na nga ang It's Showtime sa A2Z Channel 11 simula sa Sabado.

Saad ng actress-TV host, “We are happy to announce that starting Oct.10 maari nyo ng mapanood ang @itsshowtimena.

“Kasama ang ilang piling programa ng ABS-CBN sa A2Z sa Channel 11.

"'God will make a way where there seems to be no way.' Isaiah 43:19
#glorytoGOD #KapamilyaForever #makepipolhappy

Continue reading below ↓

Nawala sa free-to-air television ang ABS-CBN noong May 5 matapos mapaso ang kanilang prangkisa.

Tuluyang nagsara ang Kapamilya network nang ibasura ng Kongreso ang kanilang franchise application noong July 10, 2020.

Ang mga natitirang palabas ng network ay napapanood na lamang sa online, social media, cable, at iWantTFC.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Probinsyano star Bianca Manalo excited about blocktime deal between ABS-CBN and Zoe TV, which has been rebranded to A2Z Channel 11.
PHOTO/S: Courtesy: @biancamanalo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results