Vice Ganda says no show, not even "Tawag ng Tanghalan," can produce another Nora Aunor

by Rose Garcia
Feb 5, 2021
Vice Ganda feels closest to this year's batch of "Tawag ng Tanghalan" finalists. He says, "Siguro kasi, walang audience. Kami-kami lang ang magkasama. Araw-araw ko silang kausap. Iyong alam ko na ang istorya ng buhay nila, naapektuhan talaga ako."
PHOTO/S: @itsshowtimena on INstagram

Makaka-produce kaya ng next Nora Aunor ang "Tawag ng Tanghalan" (TNT) ng It's Showtime?

Ngayong linggo, naglaban-laban ang siyam na contestants sa week-long grand finals ng season 4 ng singing competition na magtatapos sa February 6, 2021.

Si Nora ay nanalo noon sa "Tawag ng Tanghalan," na naging daan para sa kanyang showbiz career hanggang sa binansagan siyang Superstar at kinilala bilang isa sa pinakamagaling na aktres.

Sa tingin ba ng It's Showtime hosts at ng mga hurado ay may isa sa "TNT" contestants na puwedeng maging next Nora Aunor?

“I don't think so,” sagot naman agad ni Vice Ganda sa Zoom mediacon para sa grand finals ng 'TNT.' Ginanap ang mediacon noong January 30, 2021.

“I don’t think anyone or any show can produce another Nora Aunor. There can only be one Superstar. Iba iyong Nora Aunor.

"But we can produce a Janine Berdin. We can produce another star, we can produce another amazing star, but not another Nora Aunor.”

Continue reading below ↓

Bilang mga host, naiimpluwensiyahan ba nila ang mga hurado kapag may gusto silang manalo, tulad halimbawa sa pamamagitan ng body language?

“Ang gross po noon, nakakadiri iyon,” natawang reaksiyon ni Vice.

“Nakakadiri iyong pakikialaman mo iyong resulta. Hindi po kasama sa values ng programa namin at sa values ng ABS-CBN. Hindi iyon ia-allow sa amin.”

Dugtong pa niya, “Maraming times, like ako, I can only speak for myself, maraming times na hindi ako pabor sa resulta. Hindi ako pabor sa comment ng hurado, pero wala tayong magagawa kung hindi tanggapin iyon kasi, nilagay natin sila diyan bilang hurado, so kailangan mo iyong tanggapin at irespeto.

"Hindi naman kinakailangan na pareho tayo palagi ng opinion. Pero kailangan, palagi tayong may kakayahan na tumanggap at rumespeto ng pagkakaiba.”

Sabi pa niya, “At saka si Rey Valera, hindi mo maiimpluwensiyahan.”

VICE GANDA TO "TNT" CONTESTANTS: allow us to know your story

Sa mga singing contests, nagmamarka sa utak ng viewers ang mga contestants na may kuwentong nakakaawa o may malungkot na pinagdaanan o pinagdaraanan.

Continue reading below ↓

Nag-agree rito si Vice. May epekto raw talaga ang totoong istorya ng buhay ng mga contestants.

“Yeah,” mabilis na sabi ni Vice.

“Ako as viewer, mas naiintindihan mo kung bakit ganun niya kinapa ang piyesa. Bakit damang-dama mo ang mga lyrics ng kanta niya. Malalaman mo kung saan siya nanggagaling at mas mauunawaan mo.

“Bawat kanta siyempre, may iba’t-ibang interpretasyon, depende sa pagkatao noong kumakanta. Kapag nalaman mo ang istorya ng buhay niya o pamilya niya, naiintindihan namin.

"Lalo na ako, kapag binabasa ko ang profile ng bawat contestants, alam ko kung bakit iyon ang kinanta niya. Parang naiimbestigahan ko na kung bakit iyon ang kinanta niya. Bakit ganun niya kinanta iyong chorus, bakit ganun ang mata niya noong kinanta niya iyong line, mas nauunawaan ko sila.”

Dugtong pa ni Vice, “Iyong istorya niya iyong kumokonekta sa audience, e. Kasi, ilang taon na ang 'Tawag ng Tanghalan' at ilang beses na ba natin narinig iyong mga kantang iyon?

Continue reading below ↓

“Ilang beses na tayong nakarinig ng tumitili, bumibirit, rocker, balladeer, pero iyong iba’t-iba nilang istorya na sine-share nila, doon sila kumukonek sa mga tao, sa mga audience at sa akin personally."

Naniniwala si Vice na maaring maging inspirasyon sa iba ang mga kuwento ng "TNT" contestants.

Aniya, “Kaya gustung-gusto kong kinakalkal iyong mga buhay nila. Ang daming inspirasyon sa mga makukulay nilang istorya at doon nakaka-relate lahat ng audience, bukod doon sa awitin.

“Kaya palagi kong sinasabi sa kanila na allow us to know your story and allow yourself to share your story kasi your scars are your connection to other people.

"Kasi may iba, may wall, ayaw mag-share, e, mahalaga iyon. Lalo na sa grand finals, may boto, iba iyong tumusok sa iyo.

“At saka, minsan hindi na ito pagalingan lang ng boses, iba iyong may koneksiyon ka sa audience.”

vice ganda on closeness TO "tnt" grand finalists

Hindi naman itinanggi ni Vice na sa mga contestants ngayon, espesyal sa kanya si Makki Lucino among the contestants.

Continue reading below ↓

“Yeah, special ang attention ko kay Makki kasi, LGBT member siya.”

Sinasabi na raw talaga ni Makki na LGBT member siya dahil ang akala sa kanya ng mga tao, kabilang ang mga hurado at ng host na si Kim Chiu, babae siyang talaga.

“Akala talaga girl siya! Pero special ang tingin ko kay Makki kasi, I really believe he’s a special performer. Pero, hindi iyon ibig sabihin na biased ako kay Makki and I look at the other contenders ng less.

Continue reading below ↓

“Hindi… lahat sila, special sa akin."

Ngayon lang daw na-attach ng ganito si Vice sa "TNT" contestants.

Kuwento ng It's Showtime host, “Ito ngang batch nila, kahapon, noong nagmi-meeting kami ng staff, sabi ko sa kanila, 'Ngayon ko lang na-experience ito na na-attach ako sa mga contenders.'

"Siguro kasi, walang audience. Kami-kami lang ang magkasama. Araw-araw ko silang kausap. Iyong alam ko na ang istorya ng buhay nila, naapektuhan talaga ako.

“Ngayon lang ako umiiyak kapag may natatanggal. Dati, naiimbyerna nga ako kapag may umiiyak. 'Arte-arte naman nito,' may ganun ako.

"Pero ngayon, ako ang umiiyak kasi nadadama ko ang struggle at iyong passion ng lahat ng contenders na, ‘I want this so much. And I need this so much.’ Kasi, kailangang-kailangan nila dahil iyong mga pamilya nila, naghihirap.

"So everyone is special, and and I love everyone so dearly.”

At kahit tapos na ang journey ng mga contestants sa "TNT," tuloy pa rin ang pagbibigay ng suporta ni Vice sa mga ito.

Continue reading below ↓

Kung paano niya nagawa sa TNT Boys, gusto rin daw niyang kung posible, maibigay rin ang suporta sa bagong batch ng finalist ngayon.

“Malaking kasiyahan sa akin iyong feeling ko, malaking part ako ng TNT Boys dati. Kasi, binuo namin iyon sa GGV, e.

“Sa GGV iyon nagsimula, pinagsama-sama namin 'tapos noong umalagwa sila, ang layo ng narating nila, nakapunta silang abroad.

“And actually, iyong pinagawa ko sa kanilang challenge sa GGV na nag-viral, iyon ang naging susi para makita sila abroad at magkaroon sila ng guesting sa mga international shows. Kaya masaya ko roon na naging bahagi ako.”

Ngayong Sabado na malalaman kung sino ang matitira at tatanghaling "TNT" Season 4 grand winner.

Ang siyam na contestants ay sina Makki Lucino, Nikole Kyle Bernido, Rica Mae Maer, Mara Tumale, Emmar Cabilogan, Ayegee Paredes, JM Yosures, Donna Gift Ricafrente at Raychell Laylo.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda feels closest to this year's batch of "Tawag ng Tanghalan" finalists. He says, "Siguro kasi, walang audience. Kami-kami lang ang magkasama. Araw-araw ko silang kausap. Iyong alam ko na ang istorya ng buhay nila, naapektuhan talaga ako."
PHOTO/S: @itsshowtimena on INstagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results