Si Mikael Daez ang leader ng grupo ng mga “runners” sa Running Man Philippines, ang Pinoy version ng international franchise at sikat na television show mula sa South Korea.
Kaya sa press conference ng show, unang tinanong si Mikael kung ano ang pakiramdam na maging parte ng action-packed reality-comedy game show na ito.
Tugon ng actor-TV host, “Sa first week nga namin, parang, nag-agree kaming lahat na, yes, this is going to be a once-in-a-lifetime experience.
“Around seven, eight weeks later, andito na kami, in the mediacon with all of you, guys.
"So, I guess, para maramdaman nyo rin kung ano yung na-experience namin in a nutshell," sabay baling ni Mikael sa anim niyang co-runners, “Runners, nami-miss niyo ba yung experience natin sa Korea?”
At sabay-sabay na naghiyawan sina Glaiza de Castro, Kokoy de Santos, Buboy Villar, Angel Guardian, Lexi Gonzales, at Ruru Madrid: “Yes!”, “Oo naman!” at “Gusto ko na ngang magpunta ulit dun, bukas!”
Pahayag ni Mikael, “Dun sa mga sagot pa lang nila, sana maintriga na kayo nang konti because it ‘s impossible for us to explain all the stories and all the experiences na napagdaanan namin individually and together.
“But we hope through Running Man, through the episodes every weekend, maramdaman niyo, masaksihan niyo, at matuwa din kayo sa na-experience namin.
“So we’re all very-very excited for that.”
Humarap sa members ng media ang pitong runners nitong Sabado, August 27, sa Lugang Café sa Robinson’s Manila.
Ang project ay collaboration ng GMA Network at SBS Korea at mapapanood simula sa September 3, Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 7:50 p.m., sa Kapuso Network.
Ano ang hindi makakalimutang karanasan ni Mikael habang ginagawa ang Running Man Philippines sa South Korea sila?
Aniya. “I guess one of the most prominent memories na tumatak talaga sa akin nung nagta-travel kami.
"And I think relatable ito sa mga nanood ng Running Man OG, yung Korean version, yung bus na ginagamit nila for the first few seasons, iyon yung bus na ginamit namin.
“And dun sa bus na yun, siyempre, in between locations, before and after tapings, dun kami nag-uusap, yung mga tsikahan.
"Dun namin nararamdaman lahat ng after-effects ng mga mission na ginawa namin.
“So I think yung mga moments namin dun sa bus sobrang memorable yun, at madami rin kaming pictures na lalabas na pag umere ang Running Man.”
Natanong rin si Mikael kung sa panahon na inilagi nila sa South Korea ay may umiiyak ba sa mga challenges o missions, may napipikon, may nagagalit, may nabubuwisit, sino ang nakakatuwa?
Sagot niya, “Yes to everything! And I think iyon dapat yung abangan ninyo kasi hindi lang siyempre katuwaan.
"When you watch Running Man OG, yung Korean version, makikita mo na, yes nakakatuwa siya, nakakatuwa na nasasaktan sila, nagkakamali sila, may nananalo.
“The same with us, may nagkakamali, may nasasaktan, may nananalo, may nagtatampuhan.
"Pero I think iyon yung nagbibigay-kulay, I think naiintindihan naming lahat na iyon rin yung magic ng Running Man.
“Na you have seven artists here who you see usually in a very different medium, di ba teleserye, di ba yung iba naghu-host, nagko-comedy, yung iba singer, dancer.
"So biglang nilagay kami dito sa isang environment na sobrang ibang-iba sa nakasanayan namin.
“So ang daming lalabas na emosyon, pero sa totoo lang, yung emosyon na yun ang inaasahan naming sasakyan ng audience.
“Kasi tayong mga Pinoy gusto natin yung mga ganun, e.
“Parang we enjoy yung mga katuwaan, yung mga comedy, pero nag-i-invest rin tayo sa mga dramahan, e, di ba?”
May dramahan rin ba sila sa Running Man Philippines?
Ani Mikael, “I think, meron. Maybe, maybe, pero depende naman yun sa, I guess, sa edit.
"But I think part of it is yung relationship naming lahat. Makikita niyo iyan, we’re enjoying with one another.
"Kasama na rin lahat ng emosyon na posible niyong makita dun.”