Althea Ablan will join win-a-date contest if the guy is Alden Richards

by Rommel Gonzales
Sep 22, 2022
Althea Ablan
Althea Ablan answers "Alden Richards" when asked what will make her agree to joining a win-a-date contest.
PHOTO/S: @althea_ablan30 on Instagram

Isa si Althea Ablan sa mga pinaka-abalang talents ng GMA-7 at Sparkle.

Tampok siya sa episode na "Win A Date," ang last installment ng first anniversary presentation ng Regal Studio Presents (RSP).

Ito ang kanyang pangalawang Regal Studio Presents episode, at first project kung saan katambal niya si Yasser Marta.

“Sobrang blessed ako and grateful kasi nga ito na yung pangalawang episode ko with RSP. And iba-ibang story talaga siya, e, so gusto ko bawat episode, ibang character yung ibibigay ko," bulalas ni Althea sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang Zoom mediacon ng Regal Studio Presents.

Gaganap si Althea bilang si Kylie, isang fan o tagahanga ng sikat na artistang si Angelo (Yasser). Sasali si Kylie sa isang win-a-date contest para maka-date si Angelo.

Paglalarawan ng 17-year-old star tungkol sa episode, “Nung nabasa ko yung script, ang cute ng story and nakakatuwa. Yun nga, sabi din ni Yasser, madaming makaka-relate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lalo na yung mga fangirl ngayon, mga millennial ngayon is super grabe, na kung fan talaga, fan talaga sila, e.

“Todo-support, ganun.”

Nakasali na ba si Althea sa ganoong contest sa tunay na buhay?

“Actually po, ako kasi as a fan, kapag meron akong mga ina-idolize is hindi talaga ako yung, ’Ay, eto idol ko si ganyan!’

“Like ako yung type of a person na low-key lang ako, ganun. Hindi ako ma-showy.

“Parang ayoko lang, ayoko lang malaman ng ibang tao na ‘Ay, idol ko si ganito.’ Very ano siya, private,” at natawa si Althea.

Pero kung sasali siya sa ganoong contest, sinong artista ang nanaisin niyang maka-date?

Alden Richards,” ang mabilis na sagot ni Althea. “Isa lang po sagot diyan,” at muling natawa si Kapuso actress.

Sa direksiyon ni Joel Ferrer, ang "Win A Date" episode ng Regal Studio Presents ay mapapanood sa Linggo, September 25, 2022, 4:15 ng hapon sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Althea Ablan answers "Alden Richards" when asked what will make her agree to joining a win-a-date contest.
PHOTO/S: @althea_ablan30 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results