PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sarah Geronimo returns to ASAP Natin 'To

Gary Valenciano on Sarah Geronimo: "Nobody else can do it like Sarah."
by Nikko Tuazon
Published Dec 12, 2022
Sarah Geronimo
Sarah Geronimo's Christmas wish: "Ang mga Christmas wish ko, siyempre, alam na ni Lord yun. Yung makasama ko yung mga mahal ko sa buhay."
PHOTO/S: ABS-CBN / ASAP Natin 'To

Nag-trending ulit ang pagbabalik sa ASAP Natin 'To stage ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo.

Nitong Linggo, December 11, 2022, pinag-usapan sa Twitter ang much-awaited performance ni Sarah ng kanyang latest single na "Dati Dati."

Pagkatapos ay masaya itong sinalubong ng kapwa ASAP Natin 'To performers na sina Erik Santos, Gary Valenciano, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, at Darren Espanto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad na tinanong ni Erik kung ano ang pakiramdam ng VIVA star sa pag-perform niyang muli sa ASAP stage. Huli siyang napanood noong July 24, isang araw bago siya ng-34th birthday.

Sagot ni Sarah, "Ibang klase. Ibang klaseng experience. Iba talaga po dito noh, sa ASAP stage. Iba talaga, walang halong etchos. Masarap talaga."

Tinanong naman ni Gary V. si Sarah tungkol sa bago nitong kanta, na isinulat ni Jin Chan.

Ang sabi ng Popstar Princess, "Marami kasi in the past na nami-miss po natin noh, the simplicity of life, simple joys ng buhay na parang nawawala minsan dahil sa ingay ng social media at ng technology, yung pagiging high-tech ng mundo natin ngayon.

"Of course, sabi ko, gusto ko itago yung pagkalungkot ko sa pagka-upbeat nung kanta. So siyempre gusto ko pa rin sumayaw kahit na malungkot ako.

"So ayun na, and then, nabuo po yung ‘Dati Dati.’”

Pasingit namang komento ni Gary V. tungkol sa performance ni Sarah, "Nobody else can do it like Sarah."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Matapos ang chikahan kasama ang co-stars nito sa ASAP, pinasalamatan ni Sarah ang nasabing programa at maging ang kanyang mga fans sa patuloy na suporta ng mga ito.

"Maraming-maraming salamat po sa aking ASAP family for allowing me to promote my new original songs.

"Medyo natagalan po, pero nandito naman po ako. Maraming-maraming salamat po sa muling pagtanggap.

"At sa mga Popsters na patuloy pa ring sumusuporta, maraming, maraming salamat po. Merry Christmas po sa atin lahat."

Sa pagtatapos ng segment, hinabol naman ni Regine ang tanong kung ano ang magiging balak ni Sarah at ng asawa nitong si Matteo Guidicelli sa paparating na Pasko.

Sabi ni Sarah, "Simple lang Ms. Reg, Noche Buena lang sa bahay. Magluluto ako, magluluto siya."

Isa pang tanong mula naman kay Darren: ano naman kaya ang Christmas wish ni Sarah?

Sagot nito, “Ang mga Christmas wish ko, siyempre, alam na ni Lord yun. Yung makasama ko yung mga mahal ko sa buhay, habang ako’y nabubuhay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ MORE:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo's Christmas wish: "Ang mga Christmas wish ko, siyempre, alam na ni Lord yun. Yung makasama ko yung mga mahal ko sa buhay."
PHOTO/S: ABS-CBN / ASAP Natin 'To
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results