Naayos na ang gusot sa pagitan ng ABS-CBN teleserye na FPJ's Ang Probinsyano at Department of the Interior and Local Government (DILG), kasama ang ahensya nitong Philippine National Police (PNP).
Ayon sa isang joint statement ng ABS-CBN at DILG na inilabas ngayong araw, November 22, nagkausap na ang dalawang partido tungkol sa mga isyung ini-raise kamakailan ng PNP.
Ito ay tungkol pa rin sa diumano'y "negative portrayal" ng programa sa ibang kapulisan, dahilan upang magkaroon ng "bad impression" ang mga manunuod sa mga pulis.
Nakasaad sa statement ang naging pag-uusap ng ABS-CBN at DILG sa Camp Crame kahapon, November 21, kung saan nagkaroon sila ng "fruitful dialogue" at naresolba ang mga isyu.
Sinigurado rin ng ABS-CBN sa PNP na ipagpapatuloy ng FPJ's Ang Probinsyano ang pagpo-portray sa bida nitong si Cardo Dalisay "as a police officer with integrity."
Ang karakter ni Cardo ay ginagampanan ni Coco Martin.
Magpapatuloy din daw ang suporta ng PNP sa FPJ's Ang Probinsyano.
Narito ang kabuuan ng joint statement ng ABS-CBN at DILG, na ipinadala ng ABS-CBN Corporate Communications:

COCO VISITS PNP
Personal na dumalaw si Coco, kasama ang ilang executives ng ABS-CBN at FPJ's Ang Probinsyano, sa Camp Crame kahapon, November 22.
Dito nga naresolba ang mga naging isyu ng DILG laban sa programa.
Sa panayam kay Coco, na ipinost sa Instagram account na @cocomartin_ph kagabi, sinabi ng Kapamilya actor na naging maganda ang pag-uusap nila ni DILG Secretary Eduardo Año.
Ani Coco, "Nagkapaliwanagan kami ngayon ni DILG Secretary Eduardo Año, napaliwanag namin yung side namin na itong mga ginagawa namin sa teleserye ay, kumbaga, inspirasyon para sa amin, para sa aming manunuod, and then napaliwanag din nila yung side nila.
"Ang ikinaganda nito sa lahat ng pag-uusap namin ngayon, nagkaayos, nagkapaliwanagan ng mga bawat punto.
"Kaya ang ano po namin ngayon ay magtulungan kung ano ang mas ikabubuti at ikagaganda."
Kasama ni Coco na dumalaw sa PNP sina Dreamscape Entertainment Unit head Deo Endrinal, ABS-CBN Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes, FPJ's Ang Probinsyano production manager Dagang Vilbar, at headwriter Joel Mercado.
READ: Ang Probinsyano gives "bad impression" of cops, says PNP
READ: Coco Martin on PNP complaint about Ang Probinsyano: "Ako mismo humihingi ng paumanhin."
READ: DILG might sue ABS-CBN's Ang Probinsyano if story is not changed
READ: Philippine National Police withdraws assistance from FPJ's Ang Probinsyano
READ: MTRCB chairperson Rachel Arenas comments on issue between Ang Probinsyano and PNP
READ: DILG does not plan to stop Ang Probinsyano from airing, says Interior Secretary