PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ronnie Liang remakes Ice Seguerra hugot song

Ronnie Liang proudly fulfills Army reservist duties in Basilan sortie
by Rommel Gonzales
Published Mar 16, 2024
Ronnie Liang
Ronnie Liang did a remake of Ice Seguerra's 2007 hugot song "Para Lang Sa'Yo." He says most of his hugot tunes get millions of downloads and streams across music streaming platforms. The Army reservist also shared that he proudly fulfilled his socio-civic duties during his recent visit to Basilan.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Dahil uso ngayon ang mga "hugot" na kanta, binigyan ni Ronnie Liang ng bagong buhay ang isang awit na unang kinanta ni Ice Seguerra.

Ang bagong ni-record ni Ronnie ay ang "Para Lang Sa 'Yo," na orihinal na kinanta ni Ice noong 2007.

“It’s a self-produced song,” bungad na pagbabahagi ni Ronnie tungkol sa awitin nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Uso kasi ngayon ay mga ‘hugot,’ mga hugot na kanta. Tayo naman we just go with the flow, with the trend.

"And based sa mga previous self-produced songs ko, mataas ang sales po ng hugot songs, especially yung mga inspirational."

Read: Ronnie Liang on MTRCB imposing suspension on 'It's Showtime': "Parang selective justice."

Ganito naman inilarawan ni Ronnie ang paksa ng kanyang bagong single, “Ito naman, takot siyang umibig pero pinagbigyan na niya ang puso niya na muling umibig nung na-meet niya itong taong ito.”

Ayon pa kay Ronnie, mataas ang streams ng mga dati niyang ni-record at ni-revive na kanta tulad ng "Pakisabi Na Lang," "Yakap," "Akala Mo," at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagmi-millions po yung download and streams.”

Lahad pa ni Ronnie, “We offer our music to satisfy our listeners, especially yung mga followers ko.

"And yung mga kanta naman usually nagre-reflect siya and nagmi-mirror sa everyday lives natin, sa mga experiences natin, sa mga pinagdadaanan natin.

“And it just shows that maraming mga kababayan natin ang maraming pinagdadaanan sa kanilang mga puso, and at least through my music, nakakatulong.”

Available for streaming ang "Para Lang Sa 'Yo" simula kahapon, March 15, 2024, sa lahat ng digital platforms worldwide.

Read: Ronnie Liang 'invests' in PhD degree: "Hindi po ako forever artista."

ronnie goes to basilan as army reservist

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media si Ronnie nitong nakaraang Lunes, March 11, 2024, sa Coffee Project sa Quezon City.

Dito ay ikinuwento rin ni Ronnie ang tungkol sa pagpunta niya nitong March 4 sa Basilan bilang bahagi ng kanyang pagiging isang army reservist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I was invited and sent by the Philippine Army to Basilan’s 50th Founding Anniversary. Kumanta, nag-deliver ng speech,” pagbabahagi pa ni Ronnie sa ginawa niya sa Basilan.

“Actually, nung nakatanggap ako ng tawag and kinonfirm ng headquarters ng army, ‘Ronnie, ipapadala ka namin sa Basilan.’

“Actually, na-excite ako! Wala akong naramdamang anumang kaba o takot dahil actually pangarap ko talagang mapuntahan ang Basilan.

“Elementary pa lang ako, napapanood ko na siya sa TV, napapakinggan ko lang sa radio, nababasa sa mga libro.

"And it’s a dream come true na nakabisita ako sa Basilan.

“Para makita talaga, ma-witness ko mismo kung ano… what Basilan has become.”

Read: Ronnie Liang thinks it's "big blessing" to be a singer during social-media era

Ano pa ang ginawa niya at nadiskubre sa loob ng apat na araw na pamamalagi niya sa Basilan?

“Tayo po ay na-invite mag-perform and then pumunta sa iba’t ibang state colleges to deliver inspirational speeches and, at the same time, to encourage everyone to support ROTC, yung mga iba’t ibang battalions ng army and tourists spots ng Basilan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nagulat ako, maunlad ang Basilan,” bulalas na kuwento pa ni Ronnie.

“May Jollibee pa, tapos ang ganda ng daan, aspalto pa, traffic din. Meaning pag traffic, maunlad yung lugar.

“Yung mga tao hindi takot lumabas. And then nag-try akong kumain ng street food, mag-tricycle, mag-commute.

"Ang ganda ng lugar and na-realize ko, there has to be more to be done. I have to do more maliban sa pagkanta doon sa anniversary.

“Actually, nag-volunteer ako to help them to promote yung tourist spots nila.”

May iba kasi na kapag naririnig ang Basilan ay nag-iisip ng isang lugar na nakakatakot at magulo.

Pinabulaanan iyon ni Ronnie, “Pero maganda at peaceful na ho. And thanks to the members of the Armed Forces in collaboration with the local government, na-achieve yung kapayapaan na inaasam.

“And iyon nga, nag-volunteer ako to help them to promote Basilan. Kung kailangan nilang mag-video recording kami para sa advertisements or mag-pictorials para sa billboards nila or gumawa ng kanta to tell the story ng Basilan, I am very willing."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa Basilan, maraming pang malalayong lugar sa Pilipinas ang napuntahan na ni Ronnie bilang army reservist.

“Actually, isa ito sa mga sinumpaan kong tungkulin and isa sa mga na-e-enjoy ko ay napupuntahan ko yung usually hindi natin napupuntahan.

“Nagpunta ako sa Sulu, nagpunta ako sa Basilan, sa Lanao. And it’s a humbling and life-changing experience dahil nakikita ko kung ano ang nangyayari sa ground.

“Tsaka mas lalo akong nagiging thankful sa mga blessings na natatanggap ko dahil nakikita ko sila, yung mga ilang mahirap na probinsiya, yung pinagdaanan nila compared sa atin dito sa Maynila, or dito sa Luzon.

“And at least I know, itong binigay ni God sa akin na talent sa pagkanta at influence sa pagiging isang artista, magamit siya to give glory to God and to serve our people.

“Na maibalik ko yung ibinigay nila sa akin na pagkilala, suporta through this way na makagawa tayo ng kawanggawa sa mga kababayan natin, especially sa pagtulong sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam naman natin na ang reservist, walang suweldo ang reservist, volunteer kami. Pero yung makita namin na masaya yung mga tinulungan namin, yung mga pinaglingkuran namin, priceless experience para sa akin.

“That’s our incentive, that’s our reward.”

Read Next
Read More Stories About
Ronnie Liang, Basilan
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronnie Liang did a remake of Ice Seguerra's 2007 hugot song "Para Lang Sa'Yo." He says most of his hugot tunes get millions of downloads and streams across music streaming platforms. The Army reservist also shared that he proudly fulfilled his socio-civic duties during his recent visit to Basilan.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results