Coco Martin gives Julia Montes huge kiss and hug on her 27th birthday

by Arniel C. Serato
Mar 21, 2022
Coco Martin leads surprise for rumored girlfriend Julia Montes’s 27th birthday
Coco Martin leads surprise for rumored girlfriend Julia Montes’s 27th birthday.
PHOTO/S: Courtesy: Jennifer Cruz Adriano on Facebook

Mangiyak-ngiyak si Julia Montes sa birthday surprise na pinangunahan ng kanyang rumored boyfriend na si Coco Martin.

Noong March 19, 2022 pa ang ika-27 kaarawan ni Julia. Pero kahapon, March 20, siya kinantahan at inalayan ng cake ni Coco at ng lahat ng mga kasamahan niya sa Kapamilya prime-time series na Ang Probinsyano.

Coco Martin leads surprise for rumored girlfriend Julia Montes’s 27th birthday

Continue reading below ↓

Ayon kay Rosanna Roses, na bahagi rin ng teleserye, abala kasi ang lahat sa taping kaya medyo naantala ang sorpresa para kay Julia.

Buong caption ni Rosanna sa video na kanyang ibinahagi sa Facebook: “Yeyyyy kanina lang sya nakantahan. Dami kasi work ng lahat.”

Coco Martin leads surprise for rumored girlfriend Julia Montes’s 27th birthday

Continue reading below ↓

In-upload din ito ni Rosanna sa kanyang Instagram, at iba naman ang isinulat niyang caption. Mas maiksi rin ang video na ito kaysa na-upload niya sa Facebook.

Saad ng aktres, “Happy Birthday bebe juls we love you @montesjulia08

Kitang-kita naman ang kasiyahan sa mukha ni Julia sa sorpresa sa kanya ng mga katrabaho.

Coco Martin leads surprise for rumored girlfriend Julia Montes’s 27th birthday

Continue reading below ↓

Sa isang bahagi ng video, makikitang hinalikan ni Coco si Julia sa pisngi.

Coco Martin leads surprise for rumored girlfriend Julia Montes’s 27th birthday

Sa bandang dulo naman ay nagyakapan ang magkasintahan.

Coco Martin leads surprise for rumored girlfriend Julia Montes’s 27th birthday

Continue reading below ↓

Kinilig naman ang kanilang mga katrabaho sa sweet moments ng dalawa.

THE COCO-JULIA RUMORED RELATIONSHIP

Matagal nang napapabalitang magkarelasyon sina Coco at Julia, pero hindi pa rin sila direktang umaamin hanggang ngayon.

August 2016, hindi itinanggi ni Julia na si Coco ang pinakamalapit na lalaki sa kanya.

Aniya, "Flattered naman po. Kasi kahit ako, kapag ako natatanong, siya naman po ang close ko, siya rin ang..."

October 2016, inanunsiyo ng Cornerstone Entertainment, Inc. na sila na ang mamamahala sa showbiz career ni Julia.

Usap-usapan noon na si Coco ang nag-udyok kay Julia na iwanan ang Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, upang maamin na nila ang kanilang relasyon.

Noong panahong iyon ay nasa ilalim ng Star Magic ang dalawa, bagamat ngayon ay nasa pangangalaga na ni Biboy Arboleda si Coco.

Gayunman, walang pag-aming naganap sa pagitan ng dalawa.

December 2017, umugong ang balitang naghiwalay na sina Julia at Coco.

Continue reading below ↓

Enero ng taong 2018, sa grand presscon ng Asintado, ang pinagbidahang panghapong serye ni Julia noon sa ABS-CBN, isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naimbitahan upang ma-interview ang cast.

Dito ay inusisa namin si Julia kung bakit hindi mamatay-matay ang isyung may relasyon sila ni Coco.

Sagot ng aktres, “Kasi siguro, close talaga kami.

"Hindi lang siya naging close dahil lang sa trabaho, kasi prior nga, lagi naming sinasabi before pa, nagkasama na kami.

“Hindi siya yung, parang, after work, wala na. May communication pa rin.”

Sa tanong kung perfect boyfriend ba si Coco, nakangiting sabi ni Julia, “Maano siya, maalagang tao, mabait, mapagmahal.

"So, kung as a boyfriend, yes."

JULIA GIVES BIRTH TO DAUGHTER WITH COCO?

Hanggang noong April 1, 2019, pumutok ang balitang isinilang na ni Julia ang anak niya kay Coco.

Ayon pa sa balita, nanganak si Julia noong huling bahagi ng Marso sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Continue reading below ↓

Lalo pang umingay ang haka-haka nang bumulaga sa Facebook ang blind item ng isang showbiz insider noon ding April 1.

Kinumpirma naman ng ilang industry insiders sa PEP.ph na nanganak na si Julia, at si Coco ang tinatayang ama ng sanggol.

Lalo pang uminit ang tungkol sa anak nina Coco at Julia nang napansin ng netizens ang feeding bottle sa isang post sa Instagram noong December 25, 2020 lamang.

Pero hanggang ngayon, tikom pa rin ang bibig ng dalawa ukol sa kanilang relasyon at napababalitang anak.

Higit walong taon nang usap-usapan ang kanilang relasyon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin leads surprise for rumored girlfriend Julia Montes’s 27th birthday.
PHOTO/S: Courtesy: Jennifer Cruz Adriano on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results