Nasa sistema pa rin ni Ruby Rodriguez ang mga dating kasamahan sa Eat Bulaga! dahil hindi pa rin ito nakakalimot sa petsa ng mga kaarawan nila.
Ngayong Huwebes, November 10, 2022, isang madamdaming birthday message ang ibinahagi ni Ruby sa kanyang Instagram para kay Pauleen Luna.
Ipinagdiriwang ni Pauleen ngayong araw ang kanyang ika-34 kaarawan.
Sinabi ni Ruby sa kanyang post na sobra siyang proud sa kanyang "BFF" na si Pauleen bilang babae, asawa, at ina.
Umaasa rin siyang magkita silang muli dahil miss na miss na nito ang kanyang dating co-host.
Buong post ni Ruby: “To my BFF who i miss so much... Happiest Birthday [cake emojis]
“I'm so proud of the woman, wife and mother you have become.
“Your passion to exercise lol wish i had that too. Looking forward to the day we see each other again.
“Love you my dear friend [red hearts emojis] like in the photo I got your back my lady."
View this post on Instagram
Tugon ni Pauleen, “Love you sooooo much! Missing you everyday [heart emoji]”

Noong October 14, 2022, biniro naman ni Ruby ang isa pang kasamahan sa Eat Bulaga! na si Joey de Leon sa kanyang ika-76 kaarawan kung kilala pa ba ng huli ang una.
Mensahe ni Ruby kay Joey: “Mayor!!!! Happy Birthday @angpoetnyo [cake emoji] hamishu… kilala mo pa ba ako [laughing emojis] labyu [heart emojis]”
Sumagot dito si Joey na kinumusta at biniro rin si Ruby. Umaasa rin si Joey na magkikita sila ng dating co-host.
Read: Ruby Rodriguez teases Joey de Leon: “Kilala mo pa ba ako?”
Si Ruby ay kasalukuyang naninirahan at nagtatrabaho sa Amerika kasama ang kanyang pamilya.
Pero bago ito, higit tatlong dekada silang nagkasama ni Joey sa Eat Bulaga!
