Ipinagdiwang ng bunsong anak ni Nadia Montenegro na si Sophia Angela ang kanyang debut sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City, Linggo ng gabi, Agosto 18, 2024.
Nitong Agosto 13 opisyal na nag-18 si Sophia kaya belated celebration ang naganap na party.

Ayon sa impormasyong nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hindi namataan sa pagdiriwang ang aktor na si Baron Geisler, na ama ni Sophia.
Read: Nadia Montenegro finally admits to having a daughter with Baron Geisler
Subalit present daw ang mga kapatid na babae ni Baron na sina Grace at Ana, at apat na pamangkin ng kontrobersiyal na aktor.
Samantala, ilan sa mga panauhing mula sa mundo ng showbiz ay sina Maricel Soriano, Lotlot de Leon, Pancho Magno, Rommel Padilla, dating That's Entertainment member na si Bimbo Bautista, at ang mag-asawang broadcast journalist na sina Christine Bersola-Babao at Julius Babao.

Bisita rin ang GMA Network executive na si Atty. Annette Gozon-Valdez (R) at asawa na si Shintaro Valdes (2nd from R).

Kapansin-pansin din ang presensiya ni Atty. Maggie Garduque, ang tumatayong abogado nina Jojo Nones at Richard Cruz—ang dalawang independent contractors ng GMA Network na inireklamo kamakailan ng aktor na si Sandro Muhlach.
Read: Sandro Muhlach formally files complaint at NBI
Incidentally ay imbitado rin ang aktres na si Arlene Muhlach na tiyahin ni Sandro.

GLOWING DEBUTANT
Ang hairstylist na si Shawn Aquino ang nag-ayos ng buhok ni Sophia, samantalang si Chardii Diño ang nag-make-up sa kanya.

Mula sa Shoepatos Ni Doreen Odliva ang sapatos na gamit ni Sophia.
Dalawang gowns ang sinuot ni Sophia: isang kulay purple na likha ni Rafael Gonzalez at isang kulay pula na niregalo sa dalaga.

Sa kanyang speech ay pinasalamatan ni Sophia ang mga bisita na dumalo sa kanyang special day.
"I'm just so, so happy for each and everyone na pumunta rito, and for those who couldn't come, [I] still love you guys.
"Thank you so much. My heart is just so full, I don't know what to say," ani Sophia bago pasalamatan ang kanyang ina, mga kapatid, at mga tumulong para maisakatuparan ang pagdiriwang.
Read: Get to know Nadia Montenegro's children

"Alam mo naman na matagal mo nang gusto talagang mag artista, lumabas sa TV, lumabas sa stage.
"But I think I did naman the right choice na mag-concentrate ka muna sa sarili mo.
"I know so many things has happened, I know marami na tayong nalampasan at malalampasan pa."